Naglo-load...

Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.

Marka:

Deskripsyon: Ang benepisyo ay lumalago habang ang tao ay nadadagdagan ang paniniwala at natututunan pa ang tungkol sa Islam.

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 18 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 90 - Nag-email: 0 - Nakakita: 12,907 (pang-araw-araw na average: 5)


Mga Layunin:

·Upang malaman ang lalim ng kahalagahan ng kahulugan ng mga aspeto sa Islam.

·Upang maintindihan at mabigyang halaga kung paano inihahayag ng Islam ang sarili nito sa paglipas ng panahon; ayon sa lebel ng pag-unawa ng isang tao at ang pangangailangan nila sa pag-unlad.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Dunya - ang mundong ito, ang kabaliktaran ng mundo sa kabilang buhay.

·Akhirah - ang kabilang buhay, ang buhay pagkatapos mamatay.

·Aayaat - (isahan – ayah) ang salitang aayaat ay maaring magkaroon ng madaming kahulugan. Ito ay halos ginagamit ng madalas kapag tinutukoy ang mga pruweba galing kay Allah. Kabilang na dito ang mga katibayan, talutdtud, aral, palatandaan at rebelasyon.

·Hadith - (maramihan – ahadith) ay isang impormasyon o kwento. Sa Islam, ito ang pinaikling tala ng mga sinabi at ginawa ng Propeta Muhammad at nang mga kasamahan nito.

Benefits-of-Being-a-Muslim.jpgAng pagbabalik-loob sa relihiyon ng Islam, ang pamamaraan ng pamumuhay, maliwanag na nakita ng mga bagong Muslim ang mga magandang dulot na nanggagaling sa isang pinakamahalagang desisyon. Kabilang na dito ang kasaganaan at kasiyahan sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay, ang pag-unawa sa kahulugan ng buhay at pagpapatibay ng relasyon kay Allah. Ngunit habang isinasabuhay mo ang Islam, mababatid mo na ang magagandang dulot ng Islam ay may mas malalim na kahulugan at sukat na hindi makikita sa una. Ang ibang magandang dulot ng pagiging isang Muslim ay hindi malalantad ng buo hanggang ang tao ay di i se-sentro ang pamumuhay sa kaluguran ng Allah. Sa paksang ito, ating tatalakayin ng maayos ang mga mabubuting dulot na sa kalaunan ay dahan-dahang maihahayag.

1.Ang malalim at tumatalima na relasyon kay Allah

Itinuturo ng Islam na ang layunin ng buhay ay upang sambahin ang Tagapaglikha. Kaya naman, sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Islam at pagtuon ng lahat ng pagsisikap ng isang tao sa kagalakan ni Allah at pagtalima sa kanyang gabay, nagagawa ng mga naniniwala na pagtibayin ang relasyon na itinatag nang pagbabalik-loob. Ang panloob na katiwasayan at kapayapaan na nakamtan sa araw ng pagkamatay ay ang magiging isang kasiyahan na walang hanggan na hindi kailanman maibabase sa kagustuhan ng tao at sa dami ng naipon na materyal na bagay. Ang totoong kapanatagan ay masusumpungan lamang sa pamamagitan ng pagsamba sa Tagapaglikha.

“…Katotohanan, na sa pag-alala kay Allah lamang masusumpungan ng puso ang kapanatagan.” (Quran 13:28)

2.Ang dalisay na konsepto ng likas na katangian ng Tagapaglikha

Ang pundasyon ng Islam ay ang pagsamba sa iisang Panginoon. Siya ay hindi maikokompara at Natatangi kaya naman hindi lang dapat ito kilalanin ng nananampalataya bagkus nararapat na kanyang unawain ang lalim ng Kanyang ganap na Kasakdalan at Kadalisayan. Ang pag-unawang ito ay likas sa mga tao at sa maraming taong nagbalik loob sa Islam dahil ang Islamikong pamamaraan ng buhay ay hinihikayat at pinagtitibay ang paniniwala. Sa paglipas ng panahon, ang mga naniniwala ay mas lalo pang natututo patungkol kay Allah at magsisimulang maunawaan ang Kanyang mga Pangalan at mga Katangian at nagagawa din nitong pagsamahin ang likas na katangian ng Tagapaglikha sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan at kagustuhan.

" At (lahat ) ang Pinakamagagandang Pangalan ay para lamang kay Allah kaya inyo Syang tawagin gamit ang mga ito." (Quran 7:180)

3.Ang malinaw na pananaw sa buhay

Hinihimok ng Islam ang mga mananampalataya na unawain ang mga pangyayari sa konteksto ng kabuuang layunin ng buhay. Ang mundo (dunya) ay dinisenyo ng Tagapaglikha para palakihin ang pagkakataon na mamuhay ng maligaya sa akhirah o sa kabilang buhay. Ang payo ni Allah na nararapat na ating harapin ang mga pagsubok ng may pagtitiis. Ito ay sadyang mahirap sa una ngunit kapag lumalim ang iyong pang unawa, iyong matatanggap na lahat ng nangyayari ay dahil sa kapahintulutan ng Allah at kahit anong Kanyang gawin ay naaayon sa Kanyang Karunungan at laging may dahilan sa likod nito. Walang kasal ang magwawakas at walang negosyo ang babagsak nang walang pahintulot ang Allah. Ang pagtitiis at pasasalamat sa lahat ng nagaganap sa ating buhay ang pormula sa balanseng buhay.

Ang sabi ng Propeta Muhammad , nawa ang kapayapaan at pagpapala ay sumakanya, ay nagsabi: "Gaano kaganda ang mga ganap ng isang mananampalataya, dahil ang kanyang mga gawa ay puro kabutihan. At kung may mangyaring maganda sa kanya, siya ay nagpapasalamat at ito ay mabuti sa kanya. At kung may masamang mangyari sa kanya, siya ay magtitiis sa pagharap sa mga ito at ito ay mabuti rin sa kanya."

4.Ang paniniwalang base sa katibayan.

Ang Islam ay isang paniniwala na base sa ebedinsya. Hinihikayat nito ang mga tao na buksan ang kanilang puso't isipan na pag-isipan ang mga malalaking katanungan sa buhay, pag-ibig at ng daigdig. Nagbigay ang Panginoon ng mga palatandaan sa dunya (mundo) na tumutukoy sa Kanya at ng Kanyang mga gawa. Hinihikayat din tayo ng Quran na tingnan ang mga nakikitang mga palatandaan at pag-isipan ang mga ito. At pinatitibay nito ang pananampalataya at kasiguraduhan.

Ang mga palatandaang ito ay napakadami at ito ay nakikita ng lahat. Ang mundo, kalangitan, araw, buwan, hayop, ulan, ang milagrosong pagpapatakbo ng katawan ng tao, ang likas na katangian ng kalikasan... lahat nang mga ito at marami pa patungkol sa Tagapaglikha. Pagkatapos magbalik-loob sa Islam, ang mga biyayang ito ay magpapatuloy at papahalagahan.

Kami (Allah) ay nagpapanaog ng maliwanag na mga talata (ang Qur'an). At si Allah ang namamatnubay sa Matuwid na Landas sa sinumang Kanyang maibigan. (Quran 24:46)

5.Pananagutan at Katarungan

Tulad ng bawat tao na biniyayaan ng kakayahan na tingnan at pag-isipan ang mga palatandaan ng Allah, sila din ay nabigyan ng malayang kalooban na mamili sa kung ano ang tama at mali. Tinuturo ng Islam na ang Allah ang Pinakamakatarungan at sa araw ng Paghuhukom, ang mga tao mismo ang magpapaliwanag sa kanilang mga ginawa at kwekwestyonin ng Allah. Isa sa mga mabuting maidudulot nito na hindi agad-agad makikita kapag nagbalik-loob sa Islam ay ang bilang ng pamamaraan ng Allah sa pagbibigay sa atin ng pagkakataon na humingi ng patawad pati na rin sa ilang beses Siyang nagpapatawad sa mga tunay na mananampalataya.. Napakaraming mga aayat (verses) at ahadith na nagsasabi sa atin kung paano ihanda ang ating mga sarile sa araw ng paghuhukom at habang natutuklasan natin ito, ang awa at pagpapatawad ng Allah ay nagiging kapana-panabik.

Isinaad ng Propeta Muhammad: "Dadalhin ng Allah ang mananampalataya nang malapit at pribado at kanyang tatanungin, 'Alam mo ba ang kasalanang ito? Alam mo ba ang kasalanang iyon?' at ang sagot ng naniniwala ay, 'Oo, aking Panginoon,' hanggang sa siya ay mapa-alalahanan ng lahat ng kanyang mga kasalanan, at kanyang iisipin na sya ay masasawi. At sasabihin ng Allah, 'Aking tinakpan ang iyong mga kasalanan nang ikaw ay nabubuhay pa, at ngayon ikaw ay aking patatawarin. ''At ibibigay sa kanya ang libro ng kanyang mabuting mga gawa."

6.Ang Banal na Pamumuhay

Ang Islam ay isang pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay. Ang Islam ay isang pamamaran ng pamumuhay hindi isang relihiyon na isasagawa isang beses sa isang linggo o sa maliligayang panahon lamang. Ang buhay ay isinasaayos sa ispirituwal at mabuting pamamaraan, na isinasaalang-alang ang mga likas na pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang aral sa Islam ay hango sa Quran at sa mga tunay na tradisyon ng Propeta Muhammad at ang dalawang batayan na ito ng rebelasyon ay gabay o manwal ng buhay. Tinuturuan tayo sa Islam na magmalasakit sa isang tao. Tinuturuan din tayo nito na isaalang-alang ang ating pisikal, emosyonal at ispirituwal na pangangailangan at bigyan tayo ng pinakamainam na gabay sa lahat ng bagay.

Kung susundin ang gabay at mga kautusan ng Panginoon, ating malalagpasan ang mga pagsubok, pasakit, mga karamdaman at kapahamakan batay sa pagtitiis at pasasalamat. Habang ang isang tao ay naglalaan ng kanyang oras na isagawa ang Islamikong pamamaraan ng pamumuhay, mas higit pang makikita ang magandang dulot ng pagsunod sa mga gabay sa Islam at ang patnubay na siyang magbibigay ng kakuntentuhan sa ating mga pangangailangan.



Talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Saheeh Muslim, Saheeh Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 8