Naglo-load...

Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang aralin ay ituturo ang "mahalagang mga haligi" ng pang-araw-araw na ritwal ng pagdarasal (salah) at mga gawaing nakapagpapawalang-bisa ng pagdarasal.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 08 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 137 - Nag-email: 1 - Nakakita: 6,774 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang matutunan ang arkan ng salah.

·Upang matutunan ang limang mga kaganapang nakakapagpawalang-bisa ng salah.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Salah - ang salitang Arabeng tumutukoy sa tuwirang ugnayan sa pagitan ng mananampalataya at ni Allah. Higit na natatangi, sa Islam ay tumutukoy ito sa pormal na limang pang-araw-araw na mga pagdarasal at ang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.

·Rukn - (pangmaramihan:arkan) mahalagang haligi; isang haliging kung wala nito ang isang bagay ay hindi makatatayo.

·Qiblah: Ang dakong kanyang hinaharapan habang nasa pormal na mga pagdarasal.

·Surah – kabanata ng Qur'an.

·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang salaysay. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga sawikain at mga gawain ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Tashahhud – ang pagsasabi ng "At-tahiy-yatu lil-lahi .... Muhammadan 'abduhu wa rasuluh." sa nakaupong kalagayan ng pagdarasal.

·Wudoo – paghuhugas.

·Wajib - (pangmaramihan: wajibaat) obligado.

Ang mga iskolar ay inuri ang iba't ibang mga gawain at sawikain ng pagdarasal sa mahahalagang mga haligi (arkan), ubligadong gawain (wajibaat), at mga minungkahi.

Prayers-Advanced.jpgAng pagkakaiba sa pagitan ng isang rukn (mahalagang haligi) at isang wajib (ubligadong gawain) ay ang isang rukn ay hindi maaaring talikdan, maging ito ay nilaktawan niya nang sadya o sa pagkakamali, sa halip ito ay dapat isagawa. Ang isang wajib (ubligadong gawain) ay tatalikdan kung siya ay nakalimot, at ito ay maaaring punuan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng "pagpapatirapa ng pagkalimot" (tatalakayin sa maya-maya).

Sa araling ito atin munang matututunan ang arkan (mahalagang mga haligi).

Mahalagang mga Haligi (Arkan) ng Salah

1. Pagbigkas ng ‘Allahu Akbar’ sa simula

Ang Propeta ay nagsabi sa isang taong nagdasal ng hindi wasto, "magkagayun ay humarap sa qiblah at bigkasin ang Allahu Akbar."[1]

2. Pagbabasa ng Surah al-Fatihah

Ang Propeta ay nagsabi, "Walang pagdarasal para sa kanyang hindi nagbasa ng Pambungad ng Aklat (Surah al-Fatihah).[2]

3. Pagtindig habang nasa obligadong mga pagdarasal kung makakaya niyang isagawa

Batay sa talata, "at tumindig para kay Allah ng may debosyon." (Qur'an 2:238)

Gayundin, ang Propeta ay nagsabi, "Magdasal na nakatindig; kung hindi mo makakaya; magdasal nang nakaupo, kung hindi mo makakaya; magdasal (habang nakahiga) sa iyong tagiliran."[3]

4. Pagyukod

Ito ay batay sa sawikain ng Propeta sa isang taong nagdasal ng hindi wasto, "magkagayun ay mapanatag hanggang ikaw ay mapanatag sa pagyukod."[4]

At ang pananatili sa kalagayang yaon hanggang matamo ang "kahinahunan."

Yamang napag-uusapan ang tungkol sa kahalagahan ng bagay na ito, siya ay nagsabi, "Ang pinakamasamang tao ay ang mga magnanakaw na ninanakaw ang bahagi ng pagdarasal." Siya ay tinanong kung paano ito ginagawa, at siya ay tumugon, "Hindi niya binubuo ang kanyang mga pagyukod at mga pagpapatirapa, "o siya ay nagsabi, "Hindi niya itinutuwid ang kanyang likod sa kanyang mga pagyukod at mga pagpapatirapa."[5]

“Ang pagdarasal niyang hindi itinutuwid ang kanyang likod sa kanyang mga pagyukod at mga pagpapatirapa ay hindi nagampanan."[6]

5. Pagbangon mula sa pagyukod

Ito ay batay sa hadith, "magkagayun ay magbangon hanggang ikaw ay makatindig ng tuwid." (Bukhari, Muslim)

6. Pagpapatirapa

Ito ay batay sa hadith, "magkagayun ay magpatirapa hanggang ikaw ay mapanatag sa pagpapatirapa."

7. Pag-upo sa pagitan ng dalawang mga pagpapatirapa

Ito ay batay sa hadith, "magkagayun ay magbangon hanggang ikaw ay mapanatag sa pagkakaupo."

8. Pagtatamo ng kahinahunan

Ang isang taong nagdasal ng masyadong mabilis na hindi natatamo ang kahinahunan. Ang Propeta ay tinanggihan ang kanyang bilis at nagsabi, "ikaw ay hindi nagdasal."

Ang pagtatamo ng kahinahunan ay nangangahulugang ang bawat bahagi ng katawan ay nagagampanan ang nararapat na kalagayan bago siya lumipat mula sa isang kalagayan hanggang sa isa pa.

9. Pagbabasa ng huling tashahud

Ito ay maisasagawa sa huling pag-upo ng pagdarasal. Ang mga salita ng tashahhud ay itinuro ng Propeta mismo. Si Ibn Mas'ud ay nagsabi, isang kasamahan ng Propeta, na nagsabi, "Bago ginawang ubligadong sabihin ang tashahhud, kami ay nagsasabi, ' Ang kapayapaan ay mapasakay Allah, at ang kapayapaan ay mapasa kina Gabriel at Miguel.' Pagkatapos ang Sugo ni Allah ay nagsabi, 'Huwag mong sabihin iyan bagkus sabihing,' Ang lahat ng mga papuri ay para kay Allah ... '"[7].

10. Pag-upo upang basahin ang huling tashahud

Ito ang magiging huling pag-upo sa pagdarasal.

11. Paghahatid ng mga pagpapala sa Propeta pagkatapos ng huling tashahud

Ito ay isasagawa pagkatapos ng pagbabasa ng huling tashahud.

12. Pagbigkas ng ‘As-Salamu Alaikum wa-Rahmatullah’ upang tapusin ang pagdarasal

Sa isang obligadong pagdarasal ito ay dapat binibigkas ng dalawang beses, gayunpaman sa pagdarasal sa paglilibing ay sapat nang bigkasin ito ng isang beses.

13. Pagkakasunod-sunod

Lahat ng "mahalagang mga haligi" ng salah ay kailangang isagawa sa tamang pagkakasunod-sunod.

Mga Gawaing Nakapagpapawalang-bisa ng Pagdarasal

May natatanging mga gawain na kapag nagawa, ay makapagpapawalang-bisa ng pagdarasal. Ang ibig sabihin nito ay ang taong yaon ay kailangang ulitin ang pagdarasal mula sa umpisa.

1. Pagiging tiyak na nasira mo ang wudoo

Isang tao ay sumangguni sa Sugo ni Allah tungkol sa nararamdamang isang bagay (sa kanyang tiyan) sa pagdarasal. Ang Propeta ay nagsabi, "Huwag tumalikod (mula sa salah) maliban kung narinig mo ang tunog o napansin ang amoy."[8]

Hindi ito nangangahulugang ikaw ay tatalikod lamang sa salah kapag narinig mo ang tunog o napansin ang amoy. Hangga't ikaw ay nakatitiyak na lumabas ang hangin at naglabas ng gaas, ang iyong wudoo ay nasira at dapat mong gawin itong muli at simulan ang pagdarasal mula sa umpisa.

2. Sinasadyang hindi pagsasagawa ng isang rukn o mga pangangailagan ng pagdarasal nang walang makatuwirang dahilan

Ito ay batay sa sawikain ng Propetang nagsabi sa isang taong hindi nagdasal ng maayos, "Magbalik ka at magdasal sapagkat ikaw ay hindi nagdasal."[9]

Katulad nito, ang Propeta ay sinabi sa isang taong hindi nahugasan ang isang bahagi ng ibabaw ng kanyang mga paang ulitin ang wudoo at ang pagdarasal.[10]

3. Sinasadyang pagkain o pag-inom habang nasa pagdarasal

Ang Muslim na mga iskolar ay sumang-ayon na ang isang taong kumain o uminom ng sinasadya habang nasa isang pagdarasal ay dapat ulitin ito.

4. Sinasadyang pagsasalita habang nasa pagdarasal

Ang mga Kasamahan ni Zaid ibn al-Arqam ay nagsabi, "Kami ay nagsasalita habang nasa pagdarasal. Ang isang taong makikipag-usap sa taong nasa kanyang tabi habang nasa pagdarasal. Ito ay hanggang sa, 'Tumindig sa harap ni Allah na may pagsunod.' (2: 238) ay naipahayag. Pagkatapos kami ay inutusang manatiling tahimik at pinagbawalang magsalita."[11]

5. Pagtawa habang nasa pagdarasal.

Ang Muslim na mga iskolar ay sumang-ayong ang pagtawa ay nakapagpapawalang-bisa ng pagdarasal.



Mga Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[5] Hakim

[6] Ibn Khuzaimah, Ibn Hibban, Tabarani, Baihaqi

[7] Nasai

[8] Bukhari, Muslim, Abu Daud

[9] Bukhari, Muslim

[10] Abu Daud

[11] Bukhari, Muslim

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9