Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Ang pangalawang aralin para sa pag-aaral ng Quran, na binibigyang halaga ang mga praktikal na mga tips o gabay para sa pagsisimula ng iyong pag-aaral.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 89 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,467 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga layunin:
·Ang matutunan ang limang magagandang ahadith ng Propeta Muhammad sa pag-aaral ng Quran.
·Upang malaman kung gaano kadalas basahin, gaano karami ang dapat basahin, at kailan ito babasahin.
·Upang maintindihan ang kahalagahan ng pakikinig ng matimtiman at pagsasa-ulo ng Quran.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Hadith- (pangmaramihan – ahadith) isang bahagi ng pahayag o kwento. Sa Islam ito ay ang naitalang kapahayagan at mga kasabihan at mga isinagawa ng Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
Ang kahalagahan ng pag-aaral ng Quran ayon sa mga salita ni Propeta Muhammad
1. "Ang pinakamainam sa inyo ay siyang natutunan ang Quran at itinuturo ito."[1]
2. Ang Allah ay may sariling mga tao sa pagitan ng mga tao: "Sila ay nagsabi: "O Sugo ng Allah, sino po sila ? "ang Propeta ay nagsabi: Ang mga mamamayan ng Quran, ang mamayan ng Allah at sila ang mga pinakamalapit sa Kanya."[2]
3. "Ang Quran ay piging ng Allah. Paramihin niyo ang pag-aaral mula sa kanyang piging. Ang Quran ang lubid ng Allah, at ito ay isang malinaw na liwanag [ang mainam at kapakipakinabang ] na kagalingan. Ito ay proteksyon sa mga kumakapit dito at kaligtasan sa sinumang sumusunod dito. Ito ay hindi baluktot kaya naman ilalagay ang lahat ng bagay sa katuwiran. Hindi ito nag naglilihis para pagsisihan. Ang kanyang himala ay walang katapusan. Hindi naluluma kahit paulit ulit. Kayat bigkasin ito at ikaw ay gagantimpalaan ng Allah sa pagbigkas sa bawat letra...." ( ganundin si Abdullah ibn Masud ay nagsabi, “Itong Quran ay ang piging ng Allah. Sinuman ang pumasok dito ay ligtas.”).[3]
Ang Quran ay isang 'piging' na ang pakiwari ay isang bagay na kapupulatan ng maraming benipisyo na inihanda ng Allah para sa sangkatauhan kayat anyayahan sila dito.
4. "... Ang grupo ng mga tao ay di nagtitipon sa bahay ng Allah o sa mga bahay ng Allah (ang mosque) na bumibigkas sa mga talata ng kapahayagan ng Allah at pinag-aaralan nila - maliban na ang kapanatagan ay napapasa sa kanila, sila ay napapalibutan ng habag at pinaliligiran ng mga anghel-at sila ay binabanggit ng Allah kasama ng mga kasama niya (mga nakakataas na anghel).”[4]
5. "Sinuman ang magturo ng isang talata ng aklat ng Allah ang Pinakamakapangyarihan, ay gagantimpalaan (sa tuwing itoy binibigkas)."[5]
Praktikal na Panuntunan sa Pag-aaral ng Quran
Gaano ito kadalas basahin?
Araw araw ay dapat mong basahin ang Quran. Sa katotohanan, hindi dapat na sabihin na ang isang araw ay kompleto na hindi ka naglalaan ng panahon sa Quran. Mas mainam na magbasa nito palagi, kahit maikling bahagi lamang kaysa magbasa ng mahaba ngunit minsanan lang.
Gaano Karami ang Babasahin?
Walang eksaktong kasagutan. Nakasalalay ito sa tao at sa sitwasyon nito. Ang batayan ay sinabi ng Allah: 'Magbasa ayon sa iyong makakayanan ng may kahinahunan' (Quran 73:20)
Ang dami ng mababasa ay maaring nakadepende sa layunin ng pagbabasa, kung ikaw ay maglalaan ng panahon sa Quran, o kaya ay sisilayan lang ito, maari mong basahin ng mabilis at mas marami, kung ikaw ay nagnanais na maintindihan at maisabuhay, basahin mo ito ng may kabagalan at kahit mas maikli.
Kailan Babasahin?
Any time of the day or night is suitable for reading the Quran and one may do so in any physical posture. Sinabi ng Allah, Anumang oras sa araw o gabi ay mainam sa pagbabasa ng Quran at maari mong basahin ito ng kahit anong posisyon ng katawan. Sinabi ng Allah,
“Alalahanin mo ang pangalan ng iyong Panginoon sa umaga at sa gabi at anumang bahagi ng gabi.” (Quran 76:25)
“Sila na umaalala sa Allah kung sila ay nakatayo, at kung sila ay nakaupo , at kung sila ay nakahiga..” (Quran 3:191)
May mga pagkakataong mas mainam at may gantimpala dahil ang mga ito ay nirekomenda ng Allah at ng kanyang Propeta. Meron ding mga ilang nirekomendang posisyon ng pagbabasa. Ang pinakamainam na oras ng pagbabasa ay sa gabi at ang kanais nais na posisyon ay pagtayo sa pagdarasal. Para magawa ito nararapat na ikaw ay magsa-ulo ng ilang bahagi ng Quran at ikaw ay manatiling gising sa ilang bahagi ng gabi. Maaring hindi magagawa ito ng palagian dahil sa ilang kadahilanan at ang Quran ay maluwag sa mga ganoong limitasyon, kayat ikaw ay pinahihintulutan sa kung ilang bahagi, sa anumang oras at 'anumang posisyon.'
Pag-aralang magbasa ng tama sa Arabik
Maaring gumugol ng panahon at pagsisikap upang matutunan ang arabikong salita at matutong magbasa ng Quran ng tama, mas mabuting pag-aralan ang mga ito sa pamamagitan ng isang kwalipikadong guro, ngunit kung wala kang pagkakataon para gawin ito, maari kang matuto sa alinmang online na nagtuturo ng Quran na websites. Maglaan ng kalahating oras sa loob ng tatlo hanggang limang araw sa isang linggo sa loob ng isang taon at makikita mo ang iyong sarili na bumibigkas na ng Quran sa arabik.
Pakinggang Mabuti
Habang hindi mo pa natutunan ang pagbigkas ng Quran agad-agad, maari kang mag download ng libreng MP3 files ng Quran, pakinggan itong mabuti at tumahimik habang binibigkas ang Quran. Ito ang mismong sinasabi sa Banal na Quran: “Habang binibigkas ang Quran, makinig na mabuti, at manahimik, upang ikaw ay biyayaan ng habag ”. (Quran 7:204)
Hindi ka dapat nagsasalita habang ang Quran ay binibigkas.
Isaulo ang Quran
Isaulo ang Quran sa abot ng iyong kakayanan. Ang pagsasaulo ay isang mahalagang paraan upang ang Quran ay makapasok sayo (sa puso at isip), hindi ito isang mikanikal o ritwal na gawain, ito ay isang gawaing nakakapagtaas ng ispirtwal at magandang kalagayan, sa pagsasa-ulo lamang makakabigkas ng Quran sa pagdarasal at intindihin ang kanyang kahulugan habang ikaw ay nakatayo na kasama ang bumibigkas nito at ang Quran ay dadaloy sa iyong dila, magiging bahagi ng iyong isip, at mananahan sa iyong puso. Magiging kasama mo ito palagi. Ang pinaka mainam para maisaulo ito ay sa pamamagitan ng isang kwalipikadong guro, ngunit kung itoy hindi posible, ang online na guro ay maari. Hindi mo kakayanin ito na mag-isa.
Libring mapagkukunan
·http://www.quranexplorer.com/Quran/Default.aspx
· I search ang I Tunes o google play para sa pagbabasa na aplikasyon na may keyword na "Quran" para sa iyong smartphone o tablet.
Nakaraang Aralin: Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
Susunod na Aralin: Ang mga Himala ng mga Propeta
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)