Naglo-load...

Ang mga Himala ng mga Propeta

Marka:

Deskripsyon: Ano ang himala at ano ang lugar nito sa buhay ng mga Propeta?

Ni Aisha Stacey (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 86 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,860 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin:

·Upang maunawaan ang kahulugan ng isang himala.

·Upang maunawaan ang koneksyon sa pagitan ng mga propeta at mga himala.

·Upang hikayatin ang mambabasa na magbasa nang higit pa tungkol sa mga himala ng mga propeta.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Sunnah -Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan ay karaniwang tinanggap na, anupamang iniulat na sinabi ng Propeta , ginawa, o inaprubahan.

·Hadith -(pangmaramihan - ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga kasabihan at mga pagkilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Jinn – Ang isa sa mga nilikha ni Allah na nilikha bago ang tao mula sa apoy na walang usok. Ang mga ito ay tinutukoy minsan bilang mga nilalang na espiritu, banshees (babaeng ispirito na umaatungal na nagbabadya daw na may mamamatay sa iyong pamilya), poltergeists (ispirito na nagpaparamdam sa pamamagitan ng bayolenteng paraan at paggawa ng mga ingay gaya ng pagpihit ng pintuan, pag-tumba ng silya at iba pa), multo at iba pa.

·Surah – kabanata ng Quran.

·Masjid - ang salitang Arabe ng mosque.

·Mu’jizah – himala.

·Karamah - (pangmaramihan: karamat) isang hindi pangkaraniwang bagay o pangyayari na dinadala sa mga kamay ng isang mananampalataya na sumusunod sa Diyos. Ang isang karamah ay karaniwang napapakinabangan lamang sa kung kanino ito ibinigay.

Miracles-of-the-Prophets.jpgAng Dictionary.com ay nagbigay ng pakahulugan sa himala bilang isang epekto o hindi pangkaraniwang kaganapan sa pisikal na mundo na humihigit sa lahat ng kilalang tao o likas na kapangyarihan at ipinagkaloob sa isang kahima-himalang dahilan. Gayunman, itinuturing ng Islam ang mga pambihirang pangyayari na ito sa kapangyarihan ni Allah. Ang isang himala ay isang kahanga-hanga na gawa na maaari lamang mangyari sa pamamagitan ng direktang interbensyon mula kay Allah mismo. Ito ay mga pangyayaring dinala, nauugnay sa, o isinagawa ng mga propeta. Ang mga himala ay hindi salamangka, ni mga pangyayari hatid ng mga banal na tao. Ang salamangka sa pakahulugan ay isang pagdaya (trick) o isang ilusyon; subalit, ang mga paminsan-minsan na di-maipaliwanag na mga pangyayari na dinala sa pamamagitan ng mga banal na taong marurunong ay tinatawag na karamat.

Ang Diyos ay nagpadala ng mga propeta upang gabayan ang sangkatauhan. Sila ay mga tao na may nabubukod-tanging katangian na maaaring tularan ng mga tao at mahanap ang direksyon. Hindi sila mga diyos, kalahating-diyos o mga santo; sila ay mga tao na inatasan ng isang mahirap na gawain. Minsan ay nagtataglay sila ng mga natatanging katangian at kahusayan dahil kailangan nilang harapin ang mga hindi inaasahang pagsubok at kapighatian upang maipalaganap ang kanilang mensahe sa pagsamba lamang kay Allah .

Upang masuportahan ang Kanyang mga propeta, minsan ay binibigay ni Allah sa kanila ng pambihirang kapangyarihan. Ang wikang Arabe para sa himala ay mu'jizah na nangangahulugang isang natatanging bagay na hindi maaaring pigilan. Ang mga himala na ipinagkaloob sa mga propeta ay hindi lamang natatangi, ito ay nakatulong din at nauunawaan ng mga taong kanilang pinagkalooban. Nang makakita sila ng isang himala alam nila na hindi ito maaaring gawin ng isang ordinaryong tao.

Sa panahon ni Propeta Moses , ang salamangka at pangkukulam ay karaniwan sa lupain ng Ehipto kaya ang mga himala ni Moses, tulad ng tungkod na nagiging isang ahas at ang kanyang kamay na kumikinang, ay naka-akit sa mga taong ipinadala upang gabayan. Ang pakikipag-sagupaan ni Propeta Moses sa mga salamangkero sa korte ni Paraon ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba sa pagitan ng salamangka at mga himala. Nang ang mga salamangkero na ang kanilang mga ahas ay resulta lamang ng panlilinlang at ilusyon (salamangka) ay makita si Moses na gumawa ng isang tunay na ahas ay natanto nila agad na ito ay isang himala. Iyon ang dahilan kung bakit sila ay natumba at nagpatirapa kay Allah sa kabila ng alam nila na papatayin sila ni Paraon.

Sa panahon ni Hesus, ang mga Israelita ay napaka-maalam sa larangan ng medisina kaya ang mga himala ni Propeta Hesus ay kasama ang pagbabalik ng paningin ng isang bulag, pagpapagaling sa mga ketongin at pagpapabangon sa mga patay.

“At iyong pinagagaling ang mga ipinanganak na bulag at ang mga ketongin sa pamamagitan ng Aking pahintulot. At masdan! Inilalabas mo ang mga patay sa pamamagitan ng Aking pahintulot.” (Quran 5:10)

Ang isang himala na ginawa ni Allah sa kahilingan ni Propeta Hesus ay nagpapaliwanag kung bakit sinasabi ng Islam na mayroong dalawang uri ng mga himala. Hiniling ni Hesus na ibigay sa kanya at sa kanyang mga alagad ang isang hapag ng pagkain. Ang kaganapang ito ay tinalakay sa Surah 5 ng Quran na pinamagatang Al-Maidah (Ang Talaan ng Pagkalat). Ito ay isang halimbawa ng himala na ginawa sa kahilingan, o mungkahi ng mga tao, upang masubok ang katotohanan ng mensahe.

“O Hesus, anak ni Maria! May kakayahan ba ang iyong panginoon na magbaba sa amin ng isang hapag (na may latag ng pagkain) mula sa langit?” (Quran 5:112)

Nais ng mga alagad na ipalaganap ang mensahe ni Hesus sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga himala na nasaksihan ng kanilang sariling mga mata. Ang isa pang halimbawa ng ganitong uri ng himala ay nang hiniling ng mga tao ni Propeta Saleh na ilabas niya mula sa likuran ng bundok ang isang babaeng kamelyo at ng mga supling nito.

“At Aming ibinigay ang isang babaing kamelyo sa tribo ng Thamud bilang malinaw na babala, ngunit ito ay ginawan nila ng kamalian.” (Quran 17:59)

Ang pangalawang uri ng himala ay nangyayari nang walang mungkahi. Kabilang dito ang anumang bagay na katulad ng nangyari nang umiyak ang puno at nanabik kay Propeta Muhammad. Ang Sunnah ni Propeta Muhammad ay naglalaman ng maraming iba pang mga himala tulad ng tubig na dumadaloy mula sa kanyang (Propeta Muhammad) mga daliri at ang mga puno na nagkukusang liliman siya. Ang buhay ng Propeta na si haring Solomon ay puno din ng mga himala at mga kamangha-mangha. Ang kanyang kaharian at ang kanyang mga kakayahan ay lampas sa mga kakayahan ng isang tao kaya malinaw na nagpapakita na ang Diyos ay nagbigay sa kanya ng mga himala na nagpa-angat sa kanya sa iba at nakumpirma ng kanyang pagka-maharlika at pagkapropeta. Ang kanyang hukbo ay binubuo ng mga batalyon ng mga tao, mga jinn at mga ibon. Siya ay may kakayahan na makipag-usap sa mga ibon at mga langgam.

Si Propeta Muhammad ay ang tumanggap ng isa sa mga pinaka-kahanga-hangang himala na nabigyan tayo ng pribilehiyong ito'y malaman natin. Matapos ang isang mabigat na taon kung saan nawala pareho ang kanyang tiyuhin at ang kanyang minamahal na unang asawa na si Khadijah, si Propeta Muhammad ay nabigyan ng malaking pagpapala at himala na naging kilala bilang Gabi ng Paglalakbay at Pag-akyat (Night Journey and Ascension). Ito ay isang pisikal na paglalakbay sa gabi mula sa Banal na Masjid sa Mecca patungo sa masjid Al-Aqsa sa Jerusalem. Nagtapos ito sa kanyang pag-akyat mula sa kalangitan papunta sa presensya ng Diyos.

“Luwalhati sa Kanya na Siyang nagpalakbay sa Kanyang alipin sa gabi mula sa Al-Masjid-al-Haram patungong Masjid-al-Aqsa, na ang mga kapaligiran nito ay Aming pinagpala, upang Aming ipakita sa kanya ang Aming mga palatandaan. Katotohanan, Siya ang Lubos na Nakaririnig , ang Lubos na Nakakakita ” (Quran 17:1)

Noong ika-6 na siglo, ang mga Arabo, bagama't sa una ay walang mga pinag-aralan, ay mga dalubhasa sa pagtatalumpati. Ang kanilang mga tula at prosa ay magaling at may kahusayan sa sining. Kahit na ang mga hindi naniniwala sa mensahe ni Muhammad ang alam nila ang Quran ay panitikan na hindi maihahambing. Kaya ang Quran mismo ay itinuturing na isang himala. Sinabi ni Propeta Muhammad, sa isang authentic (mapapanaligan) na hadith, "Ang bawat Propeta ay binigyan ng mga himala sa kung ano ang pinaniniwalaan ng kanilang mga tao; ngunit, ako ay binigyan ng banal na kapahayagan na ipinahayag ni Allah sa akin, at umaasa ako na ang aking mga tagasunod ay hihigitan ang mga tagasunod ng iba pang mga propeta sa Araw ng Pagkabuhay.”[1]

Nang sabihin ni Propeta Muhammad na ito ay nagpapahiwatig na ang Quran ay dapat isaalang-alang na isang himala. Ang isang nakabasa ng Quran ay nakita na ang mga nilalaman nito, kasama na ang mga impormasyon sa siyensiya, mahimala at makasaysayang impormasyon, ang lahat ay nag-ambag sa kalagayan ng Quran bilang isang himala. Ang lahat ng mga propeta ay may mahimalang aspeto sa kanilang buhay ngunit dahil sa kanyang katayuan bilang huling propeta, ang nangingibabaw na himala ni Propeta Muhammad, ang Quran, ay itinuturing na isang nabubuhay na himala. Ang hamon ng Quran ay gumawa ng isang kabanata (ang pinakamaiksi na 3 linya lamang) na katulad nito ay pinaninindigan pa rin hanggang ngayon.



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang mga Himala ng mga Propeta

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9