Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Ang dalawang aralin ay magtatalakay ng kahulugan at mga kapakinabangan ng isang natatanging Islamikong konsepto ng pakikipag-ugnayan kay Allah sa pamamagitan ng pagsamba na kilala bilang dhikr.
Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 09 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 96 - Nag-email: 1 - Nakakita: 9,276 (pang-araw-araw na average: 4)
Layunin
·Upang maunawaan ang kahulugan ng dhikr.
·Upang matutunan ang pitong kapakinabangan ng dhikr.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Deen- ang paraan ng pamumuhay batay sa pahayag ng Islam; ang kabuuan ng isang pananampalataya at pagsasabuhay ng isang Muslim. Ang Deen ay madalas na ginagamit na ang ibig sabihin ay pananampalataya, o ang relihiyong Islam.
·Dhikr- (pangmaramihan: adhkar) Pag-alala kay Allah.
·Hadith -(pangmaramihan: ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang talaan ng salaysay ng mga kasabihan at mga pagkilos ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.
·Shaytan -paminsan-minsan ay sinusulat na Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at sa wikang arabe ito ay nangangahulugan na ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan sa lahat ng kasamaan.
·Imaan- pananalig, paniniwala o matatag na pananampalataya.
·Sunnah- Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinanggap ay , anupamang iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o inaprubahan.
·Tawheed- Ang Kaisahan ni Allah at Pagbubukod-tangi kay Allah sa Kanyang Pagkapanginoon, Kanyang mga Pangalan at Katangian at sa Kanyang karapatan sa pagsamba sa Kanya.
Panimula
Likas na sa tao na kapag gusto natin ng isang bagay o nangangailangan ng isang bagay, lagi natin itong iniisip. Kapag tayo ay gutom, ay iniisip natin ang mga pagkain. Kapag nauuhaw tayo, iniisip natin kung paano natin papawiin ang ating uhaw. Kapag tayo ay umiibig palagi nating iniisip ang ating iniibig. Ito ay kalikasan ng tao. Nilikha tayo ni Allah sa ganitong paraan. Gayundin, ang isang tunay na nagmamahal kay Allah, ang isang taong nakakaunawa kung gaano niya kailangan si Allah ay madalas niyang isipin ang tungkol kay Allah. Ito ang dahilan kung bakit ang isa sa mga palatandaan ng imaan ay ang madalas na pag-iisip kay Allah, ang palaging alalahanin si Allah. Ang kahalagahan ng madalas na pag- dhikr ay hindi maaaring bigyang-diin ng sapat, lalo na kung nais natin sa huli na tumanggap ng biyaya at habag ni Allah.
Kahulugan
Ang Dhikr, sa Islam, ay ang alalahanin si Allah sa puso at binabanggit Siya sa pamamagitan ng dila.
Ito ay salitang sumasaklaw sa lahat, bilang karagdagan sa pagsasama ng ritwal na mga pagsamba, ay sumasaklaw sa isang hanay ng mga gawain ng dila at puso. Ito ay nabibilang sa pag-alaala kay Allah na nangangailangan ng pag-iisip sa Kanya at pagbanggit sa Kanya sa lahat ng oras at sa bawat bahagi ng ating buhay. Ito ay ang pagsamba na walang espesyal na oras, ngunit ito ay ginagawa ng madalas upang mapanatili ang kaugnayan ng buhay ng tao kay Allah at sa Kanyang paglilingkod.
Ano ang sinasabi natin kapag umalis tayo o pumasok sa bahay? Ano ang sinasabi natin kapag pumasok tayo o umalis sa masjid? Ano ang sinasabi natin sa umaga at sa gabi at pagkatapos ng limang pang-araw-araw na pagdarasal? Maaari malaman natin ang ilan sa mga adhkar, ngunit kabisaduhin natin ang mga hindi natin alam at gawin itong isang kagawian upang sundin ang mga aral ng Propeta, mapasa kanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah.
Kahalagahan sa Quran at Sunnah
Ang Dhikr ay sentro ng ating deen at pinuri ni Allah at ng Kanyang Propeta ang mga pagpapala ng dhikr sa maraming bersikulo at ahadith.
1. Pinupuri ni Allah ang mga mananampalataya na nagsasagawa ng dhikr.
Si Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi sa Qur'an:
“…ang lalaking nagbibigay alaala kay Allah at ang babaing nagbibigay alaala kay Allah sa tuwina – ang Allah ay naghanda sa kanila ng kapatawaran at isang dakilang gantimpala.”(Quran 33:35)
2. Sinasabi sa atin ni Allah na ang isang tanda ng mananampalataya ay siyang laging abala sa pagsasagawa ng dhikr.
Si Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi sa Qur'an:
“Yaong mga nag-aalaala kay Allah ng nakatindig, nakaupo at nakatagilid sa kanilang pagkahiga…” (Quran 3:191)
“O kayong mga naniwala, iyong alalahanin si Allah ng palagiang pag-alaala. At Siya ay inyong luwalhatiin sa umaga at sa hapon” (Quran 33:41)
3. Ang pagkakaiba sa pagitan ng siyang nagsasagawa ng dhikr at ang siyang hindi.
Ang pagkakaibang ito ay ipinaliwanag ni Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya:
"Ang halimbawa ng isang taong nagaalala sa kanyang Panginoon kung ihahambing ito sa siyang hindi ay katulad ng buhay at patay”[1]
Kung ang puso ng isang tao ay 'buhay', ito ay magiging maliwanag sa pamamagitan ng kanilang debosyon sa pagsasagawa ng dhik, sapagkat ito ay tanda ng tunay na buhay, ngunit kung ang isa ay pabaya dito, ang kanilang puso ay 'patay'. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang klasikong iskolar na si Ibn Taymiyyah, nawa'y kaawaan siya ni Allah, ay nagsabi: "Ang kahalagahan ng dhikr at ang kaugnayan nito sa puso ay katulad ng kahalagahan ng tubig sa isang isda; tulad na ng isda ay hindi mabubuhay kung walang tubig, ang iyong puso ay hindi mabubuhay nang walang dhikr."
4. Pinoprotektahan ka ng Dhikr mula sa iyong mga pinakamasamang kaaway.
Ang iyong mga kaaway sa mundong ito ay ang iyong mga hangarin at si Shaytan. Ang Propeta sa isang magandang hadith ay nagbigay ng isang halimbawa ng lakas ng dhikr; Sinabi niya: "Si Allah ay nag-utos kay Yahya ibn Zakariyyah (ang kapayapaan ay sumakanya) upang sabihin sa mga anak ng Israel na gumawa ng limang bagay, kasama ang mga sumusunod: Ipinag-uutos ko sa inyo na alalahanin si Allah, sapagkat ito ay tulad ng isang tao na hinahabol ng kaaway, pagkatapos ay dumating siya sa isang malakas na tanggulan at iniligtas ang kanyang sarili mula sa kanila. Sa katulad na pangyayari, ang isang tao ay hindi makapagliligtas sa kanyang sarili mula sa Shaytan maliban sa pamamagitan ng dhikr. "Kung ikaw ay may pag-alaala kay Allah, ipagtatanggol ka ni Allah mula sa iyong mga kaaway.
5. Tinatanggal ng Dhikr ang 'kalawang' mula sa iyong puso.
Ang 'kalawang' ay isang talinghaga na ginagamit upang ilarawan ang isang kondisyon ng walang pag-iintindi at hindi nakagawian na pag-uugali, kung saan ang isa ay nahihikayat sa makamundong buhay at nakalimutan ang buhay na darating.
Si Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi sa Qur'an:
“Ngunit, gayunpaman, ang batik ay tumakip sa kanilang puso na siya nilang pinagsumikapan” (Quran 83:14)
Ang mga puso ay nagiging 'kalawangin'. Ang Propeta ay tinanong, ano ang paraan upang alisin ang 'kalawang'? Sinabi niya na ang isa sa mga paraan upang alisin ang kalawang na ito ay sa pamamagitan ng dhikr ni Allah. Ang dhikr ni Allah ay nakakapag-alis ng kalawang sa buhay na ito (ang dunya). Ginagawa ka nitong mas relihiyoso at mas may kamalayan kay Allah.
6. Ang Dhikr ay nagpapawalang-bahala sa mga problema sa mundong ito.
Ang Dhikr ay isang mapagkukunan ng kanlungan mula sa mga suliranin ng mundong ito. Mayroon tayong iba't-ibang uri ng mga suliranin sa ating buhay - pananalapi, pamilya, panlipunan, etniko, at lahi. Kahit na ang mga problemang ito ay maaaring makasakit at makapagpalungkot sa atin, ang isa sa mga paraan upang mabawasan ang kirot at sakit na ito ay ang patuloy na pagsasagawa ng dhikr. Kung mas lalo mong inaalaala si Allah ay lalo mong mapagtatanto na ang mga problemang ito na may hangganan ay walang halaga. Ang Dhikr ay nagpapawalang-bahala sa mga problema sa mundong ito. Ito ang dahilan kaya sinabi ni Allah,
“…Walang alinlangan, sa pag-aalaala kay Allah matatagpuan ang kapanatagan ng puso” (Quran 13:28)
7. Ang Dhikr ay nagbubukas ng isang pinagmumulan ng komunikasyon, isang pag-uusap sa pagitan mo at ni Allah.
Ang isa na madalas na nagsasagawa ng dhikr ay may isang bukas na pinto, isang direktang pinagmumulan kung saan siya ay laging nakikipag-usap kay Allah. Kapag wala kang dhikr, wala ka nang kaugnayan na ito.
Nakaraang Aralin: Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
Susunod na Aralin: Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)