Naglo-load...

Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Tinatalakay ng 2 bahagi ng aralin na ito ang mga kahalagahan at pagpapala ng pagbigkas ng Quran at mga espesyal na bahagi ng sagradong teksto.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 27 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 95 - Nag-email: 0 - Nakakita: 11,223 (pang-araw-araw na average: 5)


Layunin:

·Upang malaman ang pangkalahatang gantimpala ng pagbigkas ng Quran.

·Upang matutunan ang gantimpala ng isang taong natututo at nagsisikap na bigkasin ang Quran.

·Upang malaman ang gantimpala ng mga partikular na surah at mga talata ng Quran.

Mga Terminong Arabe

·Surah – kabanata ng Quran.

·Rakah- bahagi o unit ng pagdarasal.

·Aayaat - (isahan – ayah) ang salitang aayaat ay may maraming kahulugan. Ito ay madalas na ginagamit kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mga katibayan mula kay Allah. Kabilang dito ang mga ebidensya, mga bersikulo, mga aralin, mga palatandaan at mga rebelasyon.

·Zakah- obligadong kawang-gawa.

Virtues_of_the_Quran_Part_1._001.jpgWalang ibang banal na kasulatan sa mundo ang nagbabahagi ng mga natatanging katangian ng Quran. Ang bawat iba pang mga banal na aklat ay isang koleksyon ng mga karunungan at mga aral ng kanilang mga pinuno ng relihiyon na natipon sa paglipas ng panahon. Hindi alam kung sino ang nagtipon nito at kung paano .Ang Quran, sa kabilang banda, ay isang aklat na inaangkin na mula sa Lumikha ng langit at lupa. Ito ay isang aklat na hindi nakolekta at nabago sa paglipas ng panahon ng mga hindi kilalang may-akda. Dahil ang buong aklat ay mula sa Diyos, na itinuro kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ni Allah, at ibinigay sa atin ang kabuuan nito, ang ilang mga surah (kabanata) at mga talata ay nilagyan ni Propeta Muhammad ng mga nauugnay na gantimpala at pagpapala sa pagbigkas sa mga ito. Binanggit ng Propeta ang mga gantimpala ng pagbigkas ng Quran, pagsasaulo nito, at pagsunod sa mga katuruan nito.

Sa araling ito, matututunan natin ang mga gantimpala ng pagbigkas ng ilan sa mga kabanata ng Quran.

Ipinaalam sa atin ng Propeta na para sa pagbasa ng isang titik ng Quran, nakukuha natin ang gantimpala ng sampung mabubuting gawa. Dapat itong mag-udyok sa atin upang matutong bigkasin ang Quran sa orihinal na wikang Arabe. Ito ay maaaring gawin at maraming tao ang nagawa ito. Kung ikaw ay tumutugon at susundin ang mga payo na ibinigay sa naunang aralin "Bakit at Paano Matutunan ang Quran", makikita mo ang mga hakbang na kailangan mong gawin upang makarating doon.

Ang Isang Titik ng Banal na Quran ay 10 na Mabubuting gawa

”Ang Sugo ni Allah ay nagsabi: "Ang sinumang nagbasa ng isang titik ng Aklat ni Allah ay inililista na isang mabuting gawa, at ang isang mabuting gawa ay makakakuha ng sampung ulit na gantimpala. Hindi ko sinasabi na ang Alif Laam Meem ay isang titik, ngunit ang Alif ay isang titik, ang Laam ay isang titik, at ang Meem ay isang titik (ibig sabihin ito ay katumbas ng tatlong titik). "[1]

Ang ibang tao ay totoong nahihirapan sa pag-aaral ng pagbigkas ng Quran sa wikang Arabe. Sa kalaunan, magiging pamilyar sila sa ilang mga titik at matutunan kung paano bigkasin ang mga ito. Narito ang isang magandang panghikayat mula kay Propeta Muhammad sa mga nagsisikap upang matutunan ang Quran sa wikang Arabe:

Sinuman ang bumigkas ng Banal na Quran na may Paghihirap ay may Dobleng Gantimpala

Sinabi ni Propeta Muhammad, “Ang taong bumibigkas ng Quran at binabasa ito ng mahusay ay magiging kasama ng mga masunurin at marangal na mga anghel, at siya na bumabasa ng Quran nang walang paghinto-hinto at may paghihirap ay magkakaroon ng dobleng gantimpala. ”[2]

Ang isa sa mga unang surah (kabanata) ng Quran na dapat mong makabisado ay ang Surah al-Fatihah, ang unang kabanata ng Quran na binibigkas sa bawat isang rakah ng pagdarasal.

Surah Al-Fatihah, ang Pinakamainam na Surah

Sinabi ni Abu Sa'id na habang siya ay nagdarasal, tinawag siya ng Propeta ngunit hindi siya tumugon sa kanyang tawag. Pagkatapos sinabi ni Abu Sa'id: "O Sugo ni Allah! Ako ay nagdarasal. "Sabi niya," Hindi ba sinabi ni Allah: ‘O kayong mga naniwala, tumugon kayo kay Allah (sa papamagitan ng pagsunod sa Kanya) at sa Kanyang Sugo kapag siya ay nananawagan sa inyo?'” (8:24) Pagkatapos ay sinabi niya, "Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakamainam na surah sa Quran?" Sinabi niya, "(Ito ay) 'Ang Papuri ay para kay Allah, ang Panginoon ng mga daigdig' (ie, Surah al-Fatihah) na binubuo ng "Pitong Inulit na mga Talata" at ang Dakilang Quran na ibinigay sa akin.”[3]

Ang Ayah al-Kursi ay Nagbibigay ng Proteksyon mula kay Allah

Ang ikalawang kabanata ng Quran na sumusunod sa Surah al-Fatiha ay ang Surah al-Baqarah. Ito rin ang pinakamahabang kabanata ng Quran. Ang 255 na taludtod ng kabanatang ito ay tinawag na Ayah al-Kursi (ang talata ng al-Kursi).

Naalala ni Abu Huraira na iniutos sa kanya ng Sugo ni Allah na bantayan ang zakat na kita ng Ramadan. Pagkatapos ay may isang taong dumating sa kanya at nagsimulang magnakaw sa mga pagkain. Nahuli siya ni Abu Hurayrah at sinabi, "Dadalhin kita sa Sugo ni Allah". Pagkatapos ay inilarawan ni Abu Hurayrah na ang taong iyon ay nagsabi sa kanya, "Huwag mo akong dalhin sa Sugo ni Allah at sasabihin ko sa iyo ang ilang mga salita kung saan kay Allah ay makikinabang ka. Kapag pumunta ka sa iyong higaan, bigkasin ang Ayah al-Kursi, at doon ay magkakaroon ka ng isang bantay mula kay Allah na magpoprotekta sa iyo buong gabi, at si Satanas ay hindi makalalapit sa iyo hanggang sa madaling araw. "Nang marinig ng Propeta ang kuwento, Sinabi niya sa akin, "Siya (na dumating sa iyo sa gabi) ay nagsabi sa iyo ng katotohanan kahit na siya ay isang sinungaling; at siya ay si Satanas..”[4]

Ang huling dalawang talata ng Surah al-Baqarah

Ang Propeta ay nagsabi: "Kapag ang isang tao ay bumigkas sa huling dalawang talata ng Surah al-Baqarah sa gabi, iyon ay magiging sapat para sa kanya.”[5]

Ang Surah Al-Baqarah at Aal ‘Imran ay Dalawang Ilaw

Bilang paglalarawan sa ikalawa at ikatlong kabanata ng Quran, sinabi ng Sugo ni Allah: "Basahin ang Quran, sapagkat ito ay mamagitan sa mga tao nito sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Basahin ang dalawang ilaw, ang al-Baqarah at Aal 'Imran, sapagkat sila ay darating sa hugis ng dalawang ulap, dalawang lilim o dalawang hanay ng mga ibon sa Araw ng Muling Pagkabuhay at magtatalo sa ngalan ng kanilang mga tao sa Araw na iyon.”[6]

Ang Surah al-Kahf ay Kapanatagan

Mayroong isang espesyal na surah ng Quran na halos dumating sa gitna ng aklat na tinatawag na Surah al-Kahf.

Ang isang lalaki ay binibigkas ang Surah al-Kahf at ang kanyang kabayo ay nakatali sa dalawang lubid sa kanyang tabi. Ang isang ulap ay bumaba at kumalat ito sa taong iyon, at patuloy itong lumapit nang lumapit sa kanya hanggang sa ang kanyang kabayo ay nagsimulang tumalon (na parang takot sa isang bagay). Nang umaga na, ang lalaki ay dumating sa Propeta, at sinabi sa kanya ang karanasan na iyon. Sinabi ng Propeta, "Iyon ay 'kapanatagan' na bumaba dahil sa (pagbigkas) ng Quran..”[7]

Ang Surah Al-Kahf ay Proteksyon mula sa Anti-Kristo (Dajjaal)

Ang Propeta ay nagsabi: "Ang sinuman na nakapagsaulo ng sampung talata mula sa simula ng Surah al-Kahf ay protektado mula sa Anti-Kristo..”[8]

Ang Surah al-Kahf ay isang Nagniningning na Liwanag

Sinabi ng Propeta, "Sinuman ang magbasa ng Surah al-Kahf sa araw ng Biyernes, ay magkakaroon ng isang liwanag na lalabas mula sa kanya mula sa isang Biyernes hanggang sa susunod.”[9]



Talibaba:

[1] Tirmidhi

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Saheeh Al-Bukhari

[5] Saheeh Al-Bukhari

[6] Musnad Ahmad

[7] Saheeh Al-Bukhari

[8] Muslim, Abu Dawud, Nasai

[9] Hakim, Bayhaqi

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9