Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
Deskripsyon: Dalawang aral ang magpapaliwanag ng iba't ibang mga kagandahang-asal sa Islamikong etika upang tayo ay maging higit na mabuting mga tao.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 10 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 94 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,314 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Upang matutunan ang mga 10 pang Islamikong mga kagandahang-asal.
Mag Katagang Arabe
·Haram - Bawal o ipinagbabawal.
·Ikhlas - katapatan, kadalisayan o pagkakabukod. Sa Islam ito ay nagpapahiwatig ng pagpapadalisay ng ating mga motibo at layunin upang mahanap ang kagalakan ni Allah. Ito rin ang pangalan ng ika-112 kabanata ng Qur'an.
1.Pagtupad sa mga Pangako
Ang lipunan ng tao ay hindi maaaring gumana nang walang institusyon ng mga pangako at kasiguraduhan ng katuparan nito. Ito ay obligado upang matupad ang mga pangako at mga tipan, at haram nasirain ang mga ito at kumilos sa isang mapanaksil na paraan. Si Allah ay nagsabi,
“At tuparin (ang bawat) tipan. Katiyakan! ang tipan, ay tatanungin." (Qur'an 17:34)
Ang pagtupad ng mga pangako ay isang paraan ng pagkakaroon ng seguridad sa mundong ito at maiwasan ang pagdanak ng dugo, at ng pangangalaga sa karapatan ng mga tao, parehong mga Muslim at di-Muslim, ayon sa sinabi ni Allah:
“subalit kung sila ang humingi ng iyong tulong sa relihiyon, tungkulin mong tulungan sila maliban kung laban sa mga tao kung kanino ka mayroong isang kasunduan ng magkaparehong alyansa, at si Allah ang Nakakikita ng lahat ng iyong ginagawa" (Qur'an 8:72)
2.Pagiging maagap
Walang anumang alinlangang ang antas ng pagiging maagap ay nagsasabi sa atin kung gaanong paggalang sila mayroon patungkol oras. Ang Pagkamaagap ay kabilang ang pagiging magalang sa oras ng ibang tao. Kapag siya ay nagbigay sa isang tao ng oras upang makipagkita o gawin ang isang bagay, magkagayun siya ay dapat maging maagap sa pagtupad nito.
Sa antas ng komunidad, kung may isang programa ay dapat itong magsimula ayon sa nakatakda at yaong mga nakaabot sa oras ay hindi dapat maghintay para sa mga mahuhuling dumating. Gayundin ang programa ay dapat magtapos sa oras upang magawa ng mga taong makaalis para sa iba pang mga tipanan na maaaring kanila nang binalak, sa halip na antalain sila ng mas mahaba kaysa sa kanilang inaasahan.
Ang araw ng isang Muslim ay itinayo sa paligid ng mga pagdarasal na kung saan kailangan nilang isagawa sa mga natatanging mga oras, at ito ay nagbibigay sa isang Muslim ng isang tamang magandang kasanayan upang maging maagap. Ang iba pang mga nilikha ni Allah tulad ng araw, buwan, gabi, at araw ay sumusunod sa isang disiplinadong kinalalagyan,
“Hindi niyo ba nakikitang si Allah ay pinag-uugnay ang gabi sa araw, at pinag-uugnay ang araw sa gabi, at pinakikilos ang araw at ang buwan, bawat isa ay kumikilos sa kinalalagyan ng mga ito sa itinakdang panahon; at si Allah ang Nakakaalam ng Lahat ng inyong ginagawa." (Qur'an 31:29)
3.Pagiging mapitagan at magalang
Upang maging isa sa mga matagumpay, Sa Islam ay inaatasan ang bawat indibidwal na matutong sundin ang Tagapaglikha at sa gayon pakitunguhan ang sangkatauhan, ang kapaligiran, ang mga mananampalataya, at ang ating sarili na may paggalang.
Ang paggalang ay kinabibilangan ng pananatiling ganap na malayo sa mga malalaking kasalanan ng panlilibak, pagsisinungaling, paninirang-puri, at tsismis.
Ang paggalang sa sangkatauhan ay nangangahulugang paglayo sa mga kasalanan na maghahasik ng pagsasalungatan sa mga tao at humahantong sa pagkawasak. Ang paggalang ay kinabibilangan ng pagmamahal sa ating mga kapatid sa kung ano ang pagmamahal natin para sa ating mga sarili. Ang paggalang ay kinabibilangan ng pakikitungo sa iba sa paraang inaasahan nating pakikitungo sa atin at paraang inaasahan natin kay Allah na pakikitungo sa atin- na may awa, pagmamahal at habag.
4.Pagiging palakaibigan
Ang isang Muslim na tunay na nauunawaan ang mga turo ng kanyang relihiyon ay magiliw, palakaibigan at kaibig-ibig. Siya ay nakikipag-ugnayan sa mga tao at nakikipagkasundo sa kanila. Nauunawaan niya na ang pakikipag-ugnayan sa mga tao at ang pagkakamit ng kanilang tiwala ay 'maka-Muslim'. Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi:
"Sasabihin ko ba sa inyo kung sino sa inyo ang pinakamamahal sa akin at magiging pinakamalapit sa akin sa Araw ng Pagkabuhay Muli?" Inulit niya ito ng dalawa o tatlong beses, at sinabi nila, "Oo, O Sugo ni Allah". Siya ay nagsabi: "Yaong sa inyong may pinakamahusay na pag-uugali at pagkatao." [1]
Ang ilang mga ulat ay nagdaragdag: "Yaong mga mababang-loob at mapagpakumbaba, na nakakasundo ng iba at siya na ang iba ay kumportable."
5.Pagpipigil sa sarili
Ang pagpipigil sa sarili ay isang katangiang nakadikit na sa relihiyong Islam. Tayo ay nahaharap sa mga pagpili at mga tukso sa lahat ng dako. Hinihiling sa ating ibaba ang ating paningin, pigilan ang ating galit, at isaalang-alang ang ating mga kataga bago magsalita. Ang pag-aayunong buwan ng Ramadan ay isang pagsasanay sa pagpipigil sa sarili. Kami ay umiiwas sa pagkain at pag-inom mula sa bukang liwayway hanggang sa paglubog ng araw. Maaaring kami ay magutom at mauhaw subalit sinasanay namin ang pagpipigil sa sarili upang bigyang lugod si Allah at itayo ang aming katatagan. Ang pagsunod sa aming sariling mga pagnanasa ay hindi isang bagay na hinihikayat ng Islam.
“…sila lamang ay sumusunod sa kanilang mga pagnanasa. At sino ang higit na naliligaw kundi siyang sinusunod ang kanyang sariling mga pagnanasa, na walang patnubay mula kay Allah?" (Qur'an 28:50)
6.Pagiging matulungin at kooperatibo
Makipagtulungan tayo: sa pook laruan, sa opisina, sa pagpapalaki ng mga bata. Ang tao ay hindi mabubuhay maliban sa pakikipagtulungan sa iba. Kailangan natin ang isa't-isa. Ang bawat propesyonal ay nangangailangan ng tulong ng iba. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ang buhay ay patuloy na maayos; subalit kung walang pakikipagtulungan, ang buhay ay darating sa paghinto. Ang Islam ay nananawagan para sa pakikipagtulungan at hinihimok ang mga Muslim na makipagtulungan upang mapanatili ang kanilang pagkakaisa. Ang sabi ni Allah:
"Makipagtulungan sa isa't isa sa kabutihan at pagkatakot, subalit huwag makipagtulungan sa isa't isa sa pagkakasala at pagsuway." (Quran 5:2)
7.Pagkakaroon ng empatiya
Ang empatiya ay ang kakayahang kilalanin, unawain at ibahagi ang damdamin ng iba, tulad ng paglalakad sa mga sapatos ng ibang tao. Ang empatiya ba ay hinihikayat sa Islam? Siyempre! Isaalang-alang ang talatang ito tungkol sa ating Propeta Muhammad:
"Mayroong tunay na dumating sa inyong isang Sugong mula sa inyong mga sarili. Masakit sa kanya ang anumang inyong pinagdudusahan; (siya ay) may malasakit sa inyo at sa mananampalataya ay mabuti at maawain." (Qur'an 9:128)
Ang ating Propeta ay laging nararamdaman ang ating pagdurusa at pinuri ni Allah para sa kanyang likas na pagiging empatetiko.
Ang Propeta din mismo ay hinikayat tayong magkaroon ng empatiya sa isa't isa, siya ay naiulat na nagsabi:
"Ang mga mananampalataya sa kanilang magkaparehong kabutihan, habag at awa ay katulad ng isang katawan. Kapag ang isa sa mga bisig ay naghihirap, ang buong katawan ay tumutugon dito ng kawalan ng antok at lagnat." [2]
8.Kahinhinan
Lahat ng mga propeta at mga sugo ay hinihikayat ang kahinhinan, tulad ng ang Propeta ay nagsabi:
“Katiyakan mula sa mga pagtuturo ng mga naunang propeta na umabot sa inyo ay, 'kung wala kayong kahinhinan, magkagayun ay gawin niyo ang inyong nais." [3]
Ang kahinhinan bilang isang pakiramdam ng kahihiyan o pagkamahiyain sa mga tao ay ang pag-urong ng kaluluwa mula sa masamang pag-uugali, isang katangiang pumipigil sa kanyang kumilos nang masama sa iba o naghihikayat sa ibang kumilos nang masama sa iyo. Ang Islamikong etika ay isinasaalang-alang ang kahinhinan ng higit pa kaysa sa isang katanungang kung paano ang isang tao manamit, at higit pa sa pagiging mahinhin sa harap ng mga tao; sa halip ito ay makikita sa pagsasalita, pananamit, at pag-uugali ng isang Muslim: sa publiko patungkol sa mga tao, at sa pribado patungkol kay Allah.
9. Kadalisayan
Ang Ikhlas (kadalisayan) ay ang gawin ang lahat, panloob at panlabas, na hinahangad lamang ang kagalakan ni Allah. Ito ay upang kalimutan ang mata ng mga tao, at kung tinitingnan nila ang iyong mga gawa o hindi, na ang tanging bagay sa iyong isip na si Allah ay nakamasid sa iyo. Mayroong magagandang mga talata sa Qur'an sa bagay na ito, kung saan inilalarawan ni Allah ang mga matuwid sa Paraiso:
"Sila (yaong mga) tumutupad (ng kanilang) mga panata at natatakot sa isang Araw na ang kasamaan ay magiging laganap. At nagbibigay sila ng pagkain sa kabila ng pagmamahal sa mga ito para sa mga nangangailangan, ulila, at bihag, (na nagsasabing), "Pinapakain lang namin kayo para sa kasiyahan ng Allah. Kami ay di humihiling mula sa inyo ng gantimpala o pasasalamat." (Quran 76:7-9)
10.Pagtakwil ng kasamaan para sa kabutihan
Si Allah ay pinupuri silang yaong mga tumutugon sa kasamaan ng mga mabubuting gawa. Ang mga nagtatakwil sa masama para sa mabuti ay matatagpuang ang kanilang mga kaaway ay magiging kanilang mga kaibigan. Si Allah ay nagsabi,
"Hindi magkatumbas ang mabuting gawa at ang masamang gawa. Itakwil ang masama ng kung ano ang mas mabuti, at magkagayun ang siyang napopoot sa iyo ay magiging tulad ng isang mapagmahal na kaibigan. Subalit walang pinagkalooban nito (sa katangiang ito) maliban sa mga mapagtiis at walang pinagkalooban nito maliban sa kanyang may dakilang kapalaran." (Quran 41: 34-35)
Si Allah ay nagpaalala sa mga mananampalataya sa ilang mga talata upang maitakwil ang kasamaan para sa kabutihan sa pamamagitan ng pagiging matiisin, maawain, at mapagpatawad.
Nakaraang Aralin: Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
Susunod na Aralin: Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)