Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
Deskripsyon: Tatalakayin sa araling ito ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan ng Islamikong Agham at ang mga naging kontribusyon ng mga Muslim sa ating sibilisasyon.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 85 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,250 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Upang matutunan ang mga kahulugan ng 'Islamikong Agham'.
·Nang mapahalagahan ang mga naging kontribusyon sa kasaysayan ng mga Muslim sa sibilisasyon.
·Upang matutunan ang mga naging kotribusyon ng mga Muslim sa larangan ng medisina.
Panimula
‘Kapag mayroong higit na hindi pagkakaintindihan sa Kanluran tungkol sa katangian ng Islam, magkakaroon din ng kamangmangan sa pagkakautang ng ating kultura at sibilisasyon sa mundo ng Islam. Ito ay isang pagbagsak na ang ugat, sa aking palagay, ay nagmula sa kasaysayan ng pagpigil sa kalayaan ng pagkilos na siya nating minana.’ - Prince Charles sa isang pananalita sa Oxford University, 27 October 1993
Ang Islam ay hindi tumututol sa mga pag-aaral at sa mga aligasyon na hindi pa natatagpuan. Walang dudang pinatunayan ng kasaysayan na walang ibang relihiyon ang nakapagpaliwanag sa agham kundi ang Islam lamang. Hindi kailanman naging hadlang ang Islam sa agham at sa pag-unlad nito. Ang terminolohiyang Islamikong Agham ay gumawa ng mahahalagang kontribusyon sa larangan ng Matematika, Astronomiya, Heograpiya, Pisika at Medisina.
Kasaysayan
Ang kasaysayan ng Agham sa Europa at sa Kanluran ay kinikilala ang gawa ng mga Griyego at Romanong iskolar hanggang 300 CE at pagkatapos ay kinuha ang mga palatandaan sa 1500 CE, ang simula ng Renaissance, ngunit madali nitong nilalaktawan ang panlipunan, politikal, at tagumpay na pang-agham sa pagitan ng 300-1500 CE na nagkataong naglalaman ng 'Golden Age'ng Islamikong Agham mula sa 700-1500 CE.
Sa panahong ito, ang mga artist, enhinyero, skolar, manunula, philosophers, geographers at negosyante sa mundo ng Islam ay nag ambag sa agrikultura, sining, ekonomiks, industriya, batas, panitikan, nabigasyon, pilosopiya, siyensiya, sosyolohiya, at teknolohiya, at sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga unang tradisyon at sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga imbensyon at kanilang sariling makabagong ideya. At sa panahong ito, ang mundo ng mga Muslim ang naging pangunahing sentro ng intelektwal para sa agham, pilosopiya, medisina at edukasyon. Nagpatayo sila sa Baghdad ng "Bahay ng Karunungan" kung saan naghahanap at isinasalin ng mga Muslim at hindi Muslim ang mga kaalaman sa mundo sa Arabik sa Translation Movement. Maraming mga klasikong gawa noong unang panahon na maari nang nakalimutan ay isinalin sa salitang Arabik at di naglaon ay naisalin din sa salitang Tulko, Sindhi, Persyano, Hebreo at Latin. Ang mga karunungan ay pinagsama mula sa mga gawa magmula sa sinaunang panahon ng Mesopotamya, sinaunang Roma, Tsina, India, Persya, sinaunang Ehipto, Hilagang Aprika, sinaunang Gresya at sibilisasyon ng Byzantine. Ang mga magkakaribal na mga dinastiya ng kamusliman gaya ng Fatimids mula sa Ehipto at Umayyads ng al-Andalus ay naging pangunahing sentro ng karunungan kasama ang mga lungsod ng Cairo at Córdoba na karibal ng Baghdad. Ang Islamikong emperyo ay ang unang tunay na pandaigdigang sibilisasyon na nagbunsod ng pagkakaisa sa unang pagkakataon sa mag kaka-ibang mga tao gaya ng Tsino, Indiyano, at ang mga tao sa gitnang silangan at kanlurang Aprika, mga Itim na Aprikano at mga Puting Europeans. Ang pinaka malaking naimbento ng kapanahunan na ito ay ang papel - Orihinal na pinaka tago-tagong sekreto ng mga Tsino. Ang paggawa ng papel ay nakuha mula sa mga priso na dinala mula sa digmaan ng Talas (751 AD), at ito ay kumalat sa mga Islamikong lungsod ng Samarkand at Baghdad. Ang mga Arabo ay pinaganda ito mula sa teknik ng mga Tsino gamit ang Balat ng mulbery at paggamit ng arina upang matugunan ang nakasanayan ng mga arabo na paggamit ng panulat kontra sa nakasanayan ng mga Tsino na mga bras. Noong 900 AD, daan-daang mga pagawaan ay naghahanap ng mga manunulat at taga-binder ng mga aklat sa Baghdad at ang mga pampublikong bahay-aklatan ay nagsimulang maipatayo. Dito nagsimula ang paggawa ng papel at kumalat sa Morocco papuntang Espanya at magmula dito papuntang Europa noong ika-13 siglo. Isa sa mga pinaka-dakilang kontribusyon ng mga Muslim ay sa larangan ng Medisina.
Medisina
Ang mga sinaunang mga Arabo ay nakipag-ugnayan sa mga Griyego, Iranian at mga Indiyanong sistemang medikal. Inaral ito ng mga Muslim at kanila itong pinanatili. Si Caliph al-Mamoon ay mayroong mga librong medikal na naisalin sa salitang Arabik. Di naglaon, gumamit nang mga makabagong librong medikal sa buong Islamikong kapuluan. Sila ay nagsulat ng mga manwal sa medisina gayundin sa pag-oopera at kanilang inilatag ang mga pundasyon sa European renaissance.
Ilan sa mga nakamit nila:
·Noong 1168 siglo, mayroon nang 60 na institusyong pang-medikal sa Baghdad.
·Ang Mustansiriyya Medical College of Baghdad ay nakatayo sa kahanga-hangang mga gusali, ang silid aklatan nito ay may mga kakaiba o bihirang uri na seyintipikong mga aklat, at may malawak na bulwagan para mapaglingkuran ang mga mag-aaral. Pinag-lilingkuran din mga nars ang mga may sakit at mga pasyente. Bawat ospital ay mayroong hiwalay na silid para sa mga kalalakihan at kababaihan.
·Si Abdul-Lateef ay isang tanyag na Muslim na isang manunulat ng anatomya. Kanyang sinuri ang katawan ng tao noong ika-11 siglo upang makakuha pa ng kaalaman sa anatomya ng tao.
·Sa pisyolohiya, isinulat ni Burhan ud-Din na ang dugo ay may glucose o sugar 300 taon bago ang kay Sir William Harvey.
·Si Ibn an-Nafees ang kauna-unahang naglarawan sa dalawang daluyan ng dugo sa katawan, aortic at pulmonary (aorta at sa baga), tatlong siglo bago pa man nadiskobre ni William Harvey ng Pransiya.
·Ipinaliwanag ng masinsinan ni Ibn Abi Hazm ng Damascus ang teorya ng sirkulasyon ng dugo at pinatunayan niya na ang pagkain ang nagpapanatili sa init ng katawan.
· Si Ar-Razi, kilala bilang Rhazes ng mga taga-Europa, ay isa sa mga pinakatanyag na medikong Muslim na nakadiskubre sa asido sa tiyan. Siya ay sinabi na unang gumamit ng alkohol bilang antiseptiko.
·Sa Gitnang Kapanahunan, ikaw ay makakabili ng tanyag na pamahid sa Pransiya. Ito ay sinsabi nilang nakakagamot ng halos lahat na sa katotohanan ay hindi naman. Ito ay kilala bilang Blanc de Rhazes na hango sa pangalan ng medikong Muslim na si Ar-Razi. Ang pinaka nakakawili ay hindi ang pamahid kundi ang pangalan nito. Alam ng mga Pranses na nagbebenta na sa pangalan ni Razi, paniguradong bibilhin ito ng mga tao. Ipinapakita lamang nito na higit na pinagkatiwalaan ng mga taga-Europa ang mga gamot na galing sa mga bansang Muslim.
·Isinulat ni Ar-Razi ang sinaunang libro sa nakakahawang mga sakit kung saan niya ipinaliwanag ang pagkakaiba ng tigdas at bulutong. Dalawa sa kanyang iba pang libro ay isinalin sa Latin at ginamit bilang karaniwang aklat sa Kanlurang bahagi ng Europa sa Gitnang kapanahunan. Isinulat ni Ar-Razi ang 175 na mga aklat. Ang kanyang 23 na kabuuan ng medikong ensiklopediya ay nanatiling isang karaniwang pamantayang medikal sa Europa sa loob ng maraming siglo.
·Ipinaliwanag ni Ibn Sina (Avicenna sa taga-Europa) ang proseso ng digestion o panunaw at nadiskubre niya ang na ang mga sekrisyon na lumalabas sa bunganga ay nahahalo at natutunaw. Lahat ng ito ay nadiskubre nya bago pa nadiskubre sa kanluran. Ang teorya na ang mga mikrobyo ay nagiging sanhi ng mga sakit ay hinubog ng mga siyentipikong Arabo. Nangingibabaw sa bakterhiyolohiya si Ibn Sina, na siyang basehan ng modernong siyentipiko ng mikrobyo.
·Sa unang pagkakataon, iminungkahi ni Ibn Sina na ang mga apektadong mga ugat ay dapat alisin sa isang operasyon para sa pag-gamot ng cancer. Nadiskobre niya ang meningitis at ang paraan ng pagkalat ng mga epidemya.
·Ang mga gawa ni Ibn Sina ay ang mga pinakatanyag at nasa rurok ng tagumpay sa sinaunang panahon ng Islamikong medisina. Ang tawag sa kanya sa kanluran ay ang 'Prinsipe ng mga Doktor'. Ang kanyang aklat na pinamagatang Qanun fit-Tibb, o The Canon ay walang dudang pinakatanyag na aklat sa lahat ng mga medikong aklat sa kasaysayan ng Medisina. Ito ay itinuro ng ilang daang taon sa kanluran. Ang pagsasalin nito sa latin ay naipakita nong ika-15 at ika-16 siglo na higit pa sa maraming mga modernong medikong aklat.
·Nadiskubre ni Abul-Faraj ang daluyan sa mga ugat na nagdadala ng mga sensasyon.
·Ginagamot ng mga Muslim sa Turkey ang isang di pangkaraniwang sakit na bulutong sa pamamagitan ng bakuna noong 1679. Ang asawa ng isang Briton na Ambasador sa Turkey na si Lady Montague ay dinala ito sa Europa.
·Nadiskubre ni Baha ud-Dawla ang hay fever o ang allergy sa alikabok noong 1507, madaming siglo na ang nakalipas bago madiskubre ng mga taga-Europa.
·Si Abul-Hasan at-Tabari ang kauna-unahang doktor na nagturo ng tungkol sa scabies (galis) o ang isang sakit sa balat. Siya din ang kauna-unahang nakadiskubre na ang tuberculosis ay isang impeksyon.
·Abul-Qasim az-Zahrawi, kilala sa kanluran bilang Abulcasis ay lumikha ng ilang mga instrumento na pang-opera kagaya ng pantanggal sa katarata at pinirpekto ang mga pamamaraan sa pag-oopera.
·Ibn Zuhr, kilala bilang Avenzoar sa Kanluran ay ipinanganak sa Seville, ang unang nagtahi ng mga sugat gamit ang sutlang sinulid.
·Naglagay din ng anestesya o pang-pamanhid ang mga Doktor na Muslim upang mapanatiling kalmado at walang malay ang pasyente na aabot sa pitong araw habang nagsasagawa ng mahahalagang operasyon.
·Ang operasyon sa mata ay kanila ding nilinang ng husto. Si Ar-Razi ang kauna-unahang nagsaalang-alang sa operasyon para sa katarata sa mata.
·Nagpayo o nagbigay ang mga Doktor na Muslim ng mga salamin na may iba'-ibang grado para sa malabong paningin.
Nakaraang Aralin: Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
Susunod na Aralin: Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)