Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Unang bahagi ng Dalawang bahagi)
Deskripsyon: Ang mahahalagang katuruan sa Islam ay batay sa limang prinsipyo, na tinutukoy bilang ‘Limang haligi ng Islam’, at anim na pangunahin paniniwala, na kilala bilang ‘Anim na Saligan ng Pananampalataya.’ Unang bahagi: Ang Kahulugan ng ‘Islam’ at ang paliwanag sa Limang Haligi ng Islam
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 24 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 250 - Nag-email: 2 - Nakakita: 37,300 (pang-araw-araw na average: 15)
Mga kinakailangan
·Ang Pagpahayag / Patotoo ng Pananampalataya.
Mga Layunin
·Upang malaman ang tungkol sa 'Limang haligi ng Islam.’
·Upang maunawaan ang kahulugan ng 'Islam.’
Mga terminong Arabik
·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang ulat ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.
·Kabah - Ang hugis-kwadrado na istraktura na matatagpuan sa lungsod ng Mecca. Nagsisilbi ito bilang isang direksyon kung saan nakaharap ang lahat ng mga Muslim kapag nagdarasal.
·Salah - salitang Arabic na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at Ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam, tumutukoy ito sa limang obligadong pagdarasal at ito ang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.
·Ramadan - Ang ikasiyam na buwan ng kalendaryong Islam. Ito ang buwan kung saan ang obligadong pag-aayuno ay ipinag utos.
·Sawm – Pag aayuno.
·Hajj – Ang paglalakbay sa banal na lugar sa Mecca kung saan ang pilgrimo ay nagsasagawa ng takdang mga ritwal na pagsamba. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, na ang bawat nasa tamang edad na Muslim ay kinakailangang magsagawa nang hindi bababa sa isang beses sa kanilang buhay kung may pinansyal at pisikal na kakayanan.
·Zakah - obligadong pagbibigay ng kawanggawa.
·Imaan - pananampalataya, o paniniwala.
Ang mahahalagang aral ng Islam ay batay sa limang mga prinsipyo, na tinutukoy bilang 'Limang haligi ng Islam', at anim na pangunahing paniniwala, na kilala bilang 'Anim na Saligan ng Pananampalataya.’ Ang pagkaka-bahagi na ito ay batay sa mga sumusunod na kilalang hadith ng Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ng Allah . Si Umar, isa sa pinakamalapit na kasamahan ng Propeta, ay nagsalaysay ng isang pangyayari:
“Minsan, habang kami ay nakaupo kasama ang Propeta, may isang lalaki na dumating at lumapit sa amin, ang kanyang mga damit ay busilak ang pagkaputi at ang buhok ay labis na maiitim. Walang makitang mga palatandaan ng paglalakbay mula sa kanya at walang nakakaalam o nakakakilala sa kanya. Umupo siya paharap sa Propeta, na ang kanilang mga tuhod ay magkatapat at ang kanyang mga palad ay nakapatong sa kanyang mga hita. Pagkatapos ay sinabi niya: 'O Muhammad, sabihin mo sa akin ang tungkol sa Islam.’
Sumagot ang Propeta: 'Ang Islam ay pagpapatunay na walang diyos na karapat-dapat sa pagsamba maliban sa Allah at si Muhammad ay ang Sugo ng Allah, isagawa ang mga Salah (pagdarasal ), magbigay ng obligadong kawanggawa (zakah), mag ayuno (Sawm) sa Ramadan, at gawin ang paglalakbay sa Macca (Hajj) kung may kakayanan na isagawa ito.’
Sinabi niya: 'Sinabi mo ang katotohanan.’
Namangha kami sa kanyang pagtatanong at pagkatapos ay sinabi niya na nagsasabi nang katotohanan ang Propeta !
Pagkatapos ay nagtanong siya muli: 'Sabihin mo sa akin ang tungkol sa pananampalataya (Imaan)?’
Ang Propeta ay sumagot: 'Ito ay ang maniwala Sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga banal na kapahayagan, sa Kanyang mga mensahero, at sa Huling Araw, at maniwala sa banal na Tadhana o nakatakda, maging ito man kasaganahan at kapighatian.'
Sinabi niya: 'Sinabi mo ang katotohanan.’
Pagkatapos ay isinalaysay ni Umar ang iba pang mga katanungan na binanggit nito at ang mga sagot na ibinigay ng Propeta. Nang makaalis ang lalaki, nagtanong ang Propeta:
‘O 'Umar, kilala mo ba kung sino ang nagtatanong?’
Sinabi ko: 'Ang Allah at ang Kanyang Sugo ang higit na nakaka alam.’
Sinabi ng Propeta: 'Si Gabriel ang dumating upang ituro sa iyo ang iyong relihiyon.’”[1]
Ang Kahulugan ng 'Islam’
Ang salitang Arabic na 'Islam' ay nangangahulugan ng kabuuang pagsuko, pagpapasakop at pagtalima sa Diyos. Samakatuwid, ang isang 'Muslim' ay 'tumutukoy sa nilkha na nagpapasakop, sumusuko at tumatalima sa Diyos.' Ang Islam ay nangangahulugan na magpasakop sa Allah lamang, sumamba at maglingkod sa Allah lamang, maniwala at sumunod sa propeta na ipinadala sa kanila. Sa maraming di-Muslim, ang 'Islam' ay isang relihiyon na nagsimula sa ikapitong siglo sa Gitnang Silangan, ngunit sa mga Muslim, ang Islam ay ang tanging relihiyon ni Allah mula noong panahon ni Adan, ang unang tao. Samakatuwid, ang Islam ay ang relihiyon ng lahat ng mga propeta na sumunod sa kanya. Sa panahon ni Moises, ang Islam ay pagsamba sa Allah lamang, maniwala at sumunod sa mga turo na dinala ni Moises, at ang Islam sa panahon ni Hesus ay sambahin ang Allah lamang, maniwala at sumunod sa mga turo na dinala ni Jesus, dahil sila ay parehong mga propeta na ipinadala ng Diyos upang ituro ang kanyang relihiyon. Pagdating ni Propeta Muhammad, ang Islam ay ang pagsamba sa Allah lamang, maniwala at sumunod sa mga turo ni Propeta Muhammad. Kahit na ang mga turo ng lahat ng mga propeta tungkol sa Diyos, ang buhay sa Kabilang Buhay, at lahat ng iba pang mga katotohanan ng paniniwala ay magkapareho, may mga bahagyang pagkakaiba sa mga pamamaraan ng kaugalian, pagsamba at paglilingkod, para sa bawat propeta na ipinadala sa isang partikular na bansa at partikular na panahon at oras. Bagaman ang mga nakaraang relihiyon ay nasa ilalim ng pangkalahatang pamunuan ng Islam, ang relihiyon ni Muhammad ay partikular na binigyan ng pangalang 'Islam' ng Diyos, dahil ito ang huling relihiyon na ipinag uutos para sa sangkatauhan hanggang sa Araw ng Paghuhukom.
Ang Limang haligi ng Islam
Ang Allah ay nag-utos ng limang gawain kung saan ang buong relihiyon ng Islam ay itinayo. Dahil sa kanilang kahalagahan, sinabi ng Propeta sa isa pang hadith:
“Ang Islam ay itinayo sa limang…”
…at pagkatapos ay binanggit ang parehong mga gawain ng pagsamba na inilarawan sa hadith ni Gabriel sa itaas.
Ang mga gawaing ito ng pagsamba ay tinatawag na mga Haligi ng Islam, at ang mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Patotoo o Pagpapahayag ng pananampalataya (Shahadah)
Ang isang nilikha ay dapat magpahayag ng patotoo na ito ng pananampalataya, na naka buod sa dalawang patotoo:
(a) Walang diyos na karapat-dapat sambahin kundi si Allah lamang.
(b) Si Muhammad ay kanyang Sugo.
Sa pamamagitan ng paniniwala at pamamatnubay ng Patotoo ng Pananampalataya (Shahadah) ang isang nilikha ay pumapasok sa pananampalatayang Islam. Ito ang sentro ng paniniwala ng isang mananampalataya at ito ay nananatili sa buong buhay niya, at siyang batayan para sa lahat ng kanyang mga paniniwala at gawaing pagsamba.
2. Mga Pormal na Panalangin(Salah)
Ang isa ay dapat magsagawa ng limang pang araw-araw na pagdarasal sa kanilang mga itinakdang oras. Sa pamamagitan ng pagdarasal, ang isang Muslim ay napapanatili ang kanyang relasyon sa Allah, ina-alala Siya madalas, at umiiwas na makagawa ng pagkakasala.
3. Obligadong Kawanggawa (Zakah)
Ang mga may nakatago ng tiyak na halaga ng kayamanan ay dapat maglaan ng isang partikular na bahagi nito taun-taon sa mga itinalagang mga karapat-dapat na tatanggap.
4. Pag Aayuno (Sawm)
Ang mga Muslim ay dapat na mag-ayuno sa loob ng isang buwan, at ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Ramadan, sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagkain, pag-inom at pakikipagtalik mula sa bukang liwayway hanggang sa takipsilim. Ang layunin ng pag-aayuno, tulad ng nabanggit sa Quran, ay upang madagdagan ang kabanalan ng isang tao at ang kamalayan sa Diyos.
5. Paglalakbay sa Landas ng Allah (Hajj)
Ang paglalakbay patungo sa Bahay ng Diyos, ang Kabah, sa Mecca ay obligado para sa bawat may kakayahang Muslim minsan sa kanilang buhay. Ang Hajj ay isang pisikal at bisual na katibayan ng kapatiran ng sangkatauhan, at ang kanilang pagkakapantay-pantay sa pagkaalipin sa harap ng Allah.
Nakaraang Aralin: Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya
Susunod na Aralin: Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)
- Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Unang bahagi ng Dalawang bahagi)
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)
- Karaniwang Tanong ng mga bagong Muslim.
- Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman
- Paraiso (part 1 of 2)
- Paraiso (part 2 of 2)
- Ang Gabi ng Paglalakbay
- Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim(part 1 of 2)
- Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa Pamilya (Bahagi 1 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa pamilya (bahagi 2 ng 2)
- Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim
- Mapanatili ang Magandang Samahan
- Paniniwala sa Allah (bahagi 1 ng 2): Ang Mga Kategorya ng Tawheed
- Paniniwala sa Allah (bahagi 2 ng 2): Shirk, ang Kabaligtaran ng Tawheed
- Paniniwala sa mga Propeta
- Paniniwala sa mga Kapahayagan
- Paniniwala sa mga Anghel
- Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (part 1 of 2)
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)
- Pamamaraan ng Pag-aaral para sa Bagong Muslim (part 1 of 2): Unahin ang Mahalaga