Naglo-load...

Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang pangalawang paksa sa 'Golden Age" ng Islamikong Agham at ang mga naging kontribusyon ng mga Muslim sa ating sibilisasyon.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 123 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,016 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin

·Upang matutunan ang tungkol sa mga institusyon na itinatag ng mga sibilisasyon ng mga Muslim.

·Upang matutunan ang tungkol sa mga kontribusyon ng mga Muslim sa edukasyon, pagtatatag ng mga silid aklatan, pang-kapaligiran, geopgraphy, mathematics at chemistry.

Terminong Arabik

·Ummah - ito ay tumutukoy sa kabuuan ng komunidad ng Muslim, na di isinasaalang-alang ang kulay, lahi, wika at nasyonalidad.

Quotation (sipi) tungkol sa kontribusyon at sa sibilisasyon ng mga Muslim

“…ang sinasabi kong sibilisasyon ay tungkol sa mundo ng Islam mula sa taong 800 hanggang sa 1600, kasama na rito ang Ottoman Empire at ang hukuman ng Baghdad, Damascus at Cairo, at mga naliwanagang (enlightened) mga namumuno kagaya nila Suleiman ang kahanga-hanga. Kahit na madalas tayong walang kamalayan sa mga utang na loob sa ibang sibilisasyon, ang mga handog o kapakinabangan nito ay malaking parte ng ating namana. Ang industriya ng teknolohiya ay hindi iiral nang wala ang mga kontribusyon ng mga Arabong matematisyans. Sufi, isang makatang pilosopo gaya ni Rumi ang humamon sa ating paniniwala sa sarili at sa katotohanan. Ang mga namumuno gaya ni Suleiman ay nag-ambag sa paniniwala sa pagpapahintulot at sibil na pamumuno. At marahil tayo ay matututo sa kanyang mga halimbawa: Ito ay ang pamumuno na base sa meritocracy, hindi namana. Ito ay ang pamumuno na hango sa buong kakayahan ng magkakaibang populasyon--kabilang dito ang Kristiyanismo, Islam, at Jewish traditions. Ang ganitong uri ng pamumuno--pamumuno na nagpapalago ng kultura, pagpapanatili, pagkakaiba-iba at tapang -- humantong sa 800 taon ng paglikha at kasaganaan”. - Carly Fiorina, former CEO ng HP, sa isang talumpati sa Minneapolis, Minnesota noong Sep 26, 2001 “Technology, Business, and Our Way of Life: What’s Next”.

Mga Institusyon

islamic-goden-age-part-2.jpgAng bilang ng mahahalagang pang-edukasyon at siyentipikong mga institusyon na dating hindi kilala sa sinaunang mundo ay nagmula sa sinaunang mundo ng Islam, kabilang na dito ang mga kilalang halimbawa: ang pampublikong ospital (na nagpabago sa uri panggagamot sa mga templo at sleep temples) at psychiatric na ospital, ang pampublikong sild-aklatan at hiramang silid-aklatan, ang academic degree-grantingna unibersidad, at ang astronomical observatory bilang isang institusyon sa pananaliksik laban sa mga pribadong posteng pang obserba.

Edukasyon

Ang unang unibersidad na namigay ng mga diploma ay ang Bimaristan Medical University at Hospitals of the Medieval Islamic world, kung saan ang mga medikong diploma ay napamigay mula ika-9 siglo sa mga estudyante ng Islamikong medisina na kwalipikado na gumanap bilang doktor ng medisina. Kinilala ng Guinnes Book of World Records ang University of Al-Karaouine sa Fez, Morocco bilang pinakamatandang unibersidad na nagbibigay ng degree or katibayan sa buong mundo na itinatag noong 859 siglo. Ang Al-Azhar University na itinatag sa Cairo, Egypt noong 975 CE, ay nag alok ng ibat-ibang akademikong mga antas kasama na rito ang postgraduate degrees, at kadalasang kinokonsidera na unang full-pledged na unibersidad. Ang pinagmulan ng mga doctorate ay sa panahon ng ijazah at-tadris wa al-ifta ( "lisensya upang magturo at magbigay ng mga legal na opinyon") sa medieval Madrasahs (medieval na mga paaralan) na siyang nagturo ng Islamikong batas.

Silid-Aklatan

Ang silid-aklatan ng Tripoli ay sinasabing may tatlong milyong mga libro bago ito sinira ng mga krusada. Ang bilang ng mga mahahalaga at orihinal na medieval na gawa ng mga Arabo sa siyensang matematika ay higit sa pinagsamang kabuuan na gawa ng medieval Latin at Griyego sa pagkukumpara sa kahalagahan, bagamat may maliit na bahagi ng mga nakaligtas na siyentipikong gawa ng mga Arabo na pina-aralan sa modernong panahon.

Environmentalism (pang-kalikasan)

Ang mga sinaunang proto-environmentalist na mga kasunduan ay isinulat sa Arabik ni al-Kindi, ar-Razi, Ibn al-Jazzar, at-Tamimi, al-Masihi, Avicenna, Ali ibn Ridwan, Abd-el-latif, at Ibn al-Nafis. Ang kanilang mga gawa ay sakop ang ilang paksa na may kaugnayan sa polusyon, gaya ng polusyon sa hangin, tubig, at kontaminasyon sa lupa, at maling pamamahala sa mga basura. Sa Cordoba, al-Andalus ang unang may mga lalagyan ng mga basura at pasilidad ng pagtatapon ng mga nakolektang mga basura.

Ang mga Muslim na iskolar ay hindi lamang nagtuon ng pansin sa isang paksa gaya ng ginagawa ng nakararami sa ngayon. Si Abu Rayhaan al-Bairuni (ipinanganak sa 973 CE), ay isang astronomer,mathematician at isang estudyante ng life sciences mula ika-11 siglo Uzbekistan, pati na rin ang kanyang paglalakbay sa buong mundo.

Heograpiya (Geography)

Si Al-Mas'oodi, ang ika-10 siglong Muslim na geographer at isang mananalaysay, ay naglakbay sa Baghdad, India, Tsina, at ibang mga bansa sa mundo, na naglalarawan sa mga tao, klima, heograpiya, at kasaysayan ng mga lugar na kanyang binisita.

Inimbento ng mga Muslim ang compass at al-Fargaani, kilala bilang Alfraganus sa Kanluran, tinatantya ang sukat ng mundo na 24,000 milya. Ang mga Muslim din ang naunang gumamit ng pendulum at nagpatayo ng mga obserbatoryo.

Mathematics

Inilipat ng mga Muslim ang numerong "zero" mula sa India hanggang sa buong mundo.

Isinulat ni Al-Khawarizmi ang kauna-unahang libro sa linear at quadratic equations na tinatawag na Algebra.

Kimika (Chemistry)

Pinayabong ng mga Muslim ang kimika bilang ibang bahagi ng siyensya. Ang mundo ng kimika ay hango sa salitang Arabo na al-keemya. Kilala bilang 'ama ng kimika' si Jabir ibn Hayyan. Nadiskubre nya na ilan sa mga mineral at prepared acids gaya ng sulphuric acidsa unang pagkakataon.

Ang pagpapabaya ng mga Muslim hindi ang kakulangan ng mga turo sa Islam ang sanhi ng pagkabulok o pagkalugmok ng ating lipunan sa ngayon.

Magkaroon dapat tayo ng kagustuhang matuto at umunlad upang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa siyensa at ukol sa kabuhayan. Ngunit, ang pinakamahalagang bagay ay manatili tayong mga Muslim. Hindi natin dapat ipagapalit sa mga materyal na bagay mula sa kanluran ang ating ispiritwal na sibilisasyon ng Islam.

Nararapat na tayo, minsan man lang, ay ating ipagmalaki na tayo ay parte ng Ummah o komunidad ng mga Muslim at mayaman na pamana. Pangalawa, dapat nating sundan ang yapak ng mga dakilang siyentipikong Muslim at iskolar at pamunuan muli ang mundo.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9