Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
Deskripsyon: Ang aralin ay nagtatalakay ukol sa paglilibang, kasiyahan, at pag-aaliw ng isang Muslim na naaayon sa relihiyong Islam at moralidad nito.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 144 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,495 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
· Ang maintindihan na ang makabagong paglilibang ay isang industriya.
· Ang maintindihan na ang pagiging masaya ay hindi ipinagbabawal.
·Ang matutunan ang patungkol sa pitong halal na paglilibang at dalawang uri ng "pinaghalong" paglilibang.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Shirk – salitang nagpapahiwatig ng pagtatambal sa Allah, o pagsasabi ng katangiang pagkaDiyos sa sinuman maliban kay Allah, o maniwalang ang pinanggagalingan ng kapangyarihan, pinsala, at biyaya ay nagmumula sa iba maliban kay Allah.
·Dhikr- (pangmaramihan:adhkar) pag-alala sa Allah.
·Awrah–mga parte ng katawan na nararapat na takpan.
·Hijab– Ang salitang hijab ay nagtutukoy ng ibat ibang kahulugan, kasama ang pagkubli, pagtago at pagtabing. Ito'y karaniwang tumutukoy sa kumbong sa ulo ng isang babae at sa mas malawak na pagpapakahulugan, katamtamang pananamit (islamikong pananamit) at pag-uugali.
·Haram - Hindi pinahihintulot, bawal.
·Halal- Pinahihintulot.
Karamihan sa atin, ang paglilibang ay kawili-wili. ang layunin nito ay magdulot ng katiwasayan, at masayang kapaligiran na kung saan pansamantalang makakawala sa mga alalahanin sa buhay sa araw-araw, isang pampalipas oras at isang paraan para magpahinga sa panahong maluwag ang ating libring oras at ito'y binubuo ng napakaraming halimbawa sa nakalipas na mga panahon, sumasaklaw sa mga nakakalibang na kinawiwilian gaya ng pag takbo-takbo (jogging) o kaya ay sa nakagiliwan gaya ng panunuod ng telebisyon at pakikinig ng musika .
Ang paglilibang ay maari ding maging gaya ng pang araw-araw na gawain, halimbawa ang pagtatanim ng halaman o pagluluto. Sa katotohanan, ang ilan sa mga gawaing masasabing nakakapagbigay aliw ay napakarami at magkakaiba sa bawat tao.
Ganun pa man, ang Paglilibang ay isang hanap buhay at isang industriya na masyadong naapektuhan ng teknolohiya. Kasama ang mga makukulay na mga personalidad, nagniningnig at kaakit-akit na karaniwang nakakabit sa maraming uri ng paglilibang, ang napapanahong paglilibang para sa karamihan mula sa Hollywood sa Bollywood, X-boxes, at mga tablet ay lahat negosyo na denisenyo para pagkakitaan.
Para sa isang Muslim, ang bakanteng oras ay hindi kasama sa kanyang kaisipan na ang tao ay may sobrang oras para gugulin sa mga bagay na pagsasayang at walang kabuluhan. Ang Propeta ay nagsabi:
“ Ang Paa ng anak ni Adam sa araw ng paghuhukom ay di makakahakbang mula sa kanyang panginoon hanggat hindi siya tatanungin sa limang bagay: ang kanyang buhay at paano niya ito ginugol, ang kanyang kabataan bago dumating ang kanyang katandaan, ang kanyang kayamanan, paano niya ito nakuha at paano niya ito ginugol, ang kanyang kaalaman kung ano ang ginawa niya dito.”[1]
Ang isang Muslim ay nahaharap sa isang pagsubok sa kung paano at saan gugugulin ang kanilang oras sa paglilibang, dahil karamihan sa mga makabagong kinagigiliwan ng karamihan ay may maliit na puwang sa islam.
Ganap na Halal na Paglilibang at Pagsasaya
Ang mali na ang mga makamundong bagay lahat ay pinahihintulot maliban lang sa mga partikular na ipinagbabawal. Maraming muslim ang may maling kuro-kuro na ang pagiging masaya ay bawal. Wala ng hihigit pa sa katotohanang ang pagiging masaya ay bahagi ng buhay ng tao, ganun pa man, sa pangkalahatan ang sobrang kalayawan at anumang pagmamalabis ay kailangang iwasan lalo na at kapalit sa paggugol nito ay ang pagsagawa ng mga obligadong katungkulan. Kami ay magbibigay ng ilang halal na uri ng pagsasaya sa ibaba.
1. Ang Pagkain
Ang pagkain ng hindi labis na walang nasasayang at pagkain ng halal na pagkain. Para mas maganda ay gawin ito kasama ang mga kaibigan at pamilya. Lahat ng ito ay halal at masaya!
2. Pagbabasa, Pagsusulat, Pag tula at Pakikinig sa mga Audiobooks at mga Podcasts.
Maaring kang magbasa para maaliw at malibang, ang mga talambuhay ay mas mainam kaysa mga kathang isip. Piliin ang mga libro o mga magasin na may ibat ibang paksa. Ang pinakamainam na mapagkukunan ng mga libro at makahingi ng suhestiyon ay ang pinakamalapit na aklatang pang publiko sa iyong lugar, kung nahihirapan kang bumasa ay hingin ang suhestiyon ng tagapamahala ng aklatan para sa mga librong akma sa iyong kakayahang magbasa.
3. Paglangoy, Pagsibat, Sining ng Pagtatanggol sa sarili, at Pagtatanim
Ang rekomendasyon sa larangan ng paglangoy at pamamana ay nagmula kay Propeta Muhammad ang habag at pagpapala ng Allah ay sumakanya. Sa paglangoy ay siguraduhing magkahiwalay ang lalake at babae at ang mga kasuotan ay naayun sa pamamaraan ng Islam.
Ang Sining ng Pagtatanggol sa sarili ay may mga pakinabang, kaya lang ay dapat hindi mahahaluan ng mga ipinagbabawal na gawain gaya ng pagyuko at shirk.
5. Ang Pagmamasid sa magagandang tanawin, at Pag tanaw sa kalikasan
Ang natural na kapaligiran; karagatan, kabundukan, mga parke, mga talon, mga hayop, mga kabukiran, disyerto , at mga kakahuyan ay tunay na napakaganda at magdadala sayo upang maging malapit sa Lumikha ng mga ito (Allah) at magbibigay sayong kalooban ng kapayapaan, ilang mga gawain ang maihahalintulad dito ay ang pagdarasal sa ilalim ng mayabong na puno at sa pag-alaala (dhikr) sa Allah habang ika'y nasa isang mataas na lugar (hiking).
6. Nasheeds o Islamikong mga Awitin
May mga mabuti at masama at napapa-gitna na mga nasheed na nagkalat, may mga nasheed na mabuting kapalit sa mga sikat na awitin na may mga sekswal at bayolenting nilalaman, ang pagpili ng mabuti sa mga nasheed ay isang magandang paraan para mahalin ng iyong mga anak ang Islam, at propeta Muhammad at mga bagay tungkol sa Islam, sa kasamaang palad, ilang mga nasheed ay katulad ng mga rock-star, kayat iwasan ang mga ito.
7. Pakikisama
Ang iyong mga kaibigan ay maaring pasayahin ka o sirain ka ang Propeta ay nagsabi, " bawat tao ay sinusunod ang relihiyon ng kanyang matalik na kaibigan, kayat mag-ingat sa mga kakaibiganin."
Dahil tayong lahat ay namumuhay sa lipunan, ang pakikipag-kapwa tao at pakikipag mabutihan sa kapwa ay nasa taas ng listahan na dahilan para maging masaya, ngunit mahalaga na magkaroon ng mabubuti at tamang kaibigan, ang kaibigan ay siya na nagpapa-alala sayo para magdasal, o huwag magdasal para manuod ng sine, sila ang magsasabi sayo na napakaganda ng hijab mo o magsasabing kakaiba ang iyong hitsura, sa huli, kung sinuman ang pinili mo na pakisamahan ay magdudulot ng malaking pagbabago sa kung sino ka sa kasalukuyan.
“Mixed-Bag” na mga uri ng Pag-aaliw
1. Paglalaro ng video
ang mga nilalaman ng mga larong nasa video ay maaring bayolente, seksuwal, at nakakalulong, subalit, mahirap sabihin na lahat ng mga video games ay haram. Ang nilalaman at nakasananayan ng naglalaro at nagkakaiba-iba, ganito ang lagay sa kategoryang ito.
2. TV at Internet
Ganun din sa dalawang ito. Ang internet ay isang malaking tulong para matuto at magturo ng Islam, ang pagkakaroon ng online na kaalaman (degree), matuto ng mga bagong kakayahan at pagsasaliksik. Maari din itong magamit sa pornograpiya, sugal at isang malawakang pag-aaksaya ng oras.
Ganundin, ang telebisyon ay maaring magamit bilang makabuluhang kasangkapan, ngunit bihira lang. Ang mga patalastas at mga programa ay tulay para maipaabot sa mga kabataan at manunuod ang mensahe at produkto nila. Sa panahon ngayon pati ang pagbabalita ay ginawa na ding libangan!
Nakaraang Aralin: Ang Social Media sa Islam
Susunod na Aralin: Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)