Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
Deskripsyon: Dalawang aral ang magpapaliwanag sa likas na mga himala at mga detalye ng mga himalang itinanghal ng Propeta Muhammad.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 108 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,263 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Upang matutunan ang tungkol sa 8 iba't ibang uring napatunayang mga himala ng Propeta Muhammad.
Bukod sa pinakadakilang himalang ipinagkaloob sa kanya, ang Qur'an, ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagtanghal ng maraming pisikal na himala na nasaksihan ng kanyang mga nakasabayan na umaabot sa daan-daan, at libbu-libo sa ilang mga kaso.
Sa bahaging ito ay tatalakayin natin ang ilan sa mga pisikal na himalang itinanghal ng Propeta Muhammad.
Paghahati ng Buwan
Isa sa mga panahong si Allah ay nagtanghal ng mga himala sa kamay ng Propeta ay nang ang mga taga Makkah ay humiling na makakita ng isang himala mula sa Propeta Muhammad upang ipakita ang kanyang pagkatotoo. Si Allah ay hinati ang buwan sa dalawang hiwalay na mga bahagi at pagkatapos ay muli itong pinagsama. Itinala ng Qur'an ang kaganapan:
"Ang Huling Oras ay malapit na, at ang buwan ay nahati sa dalawang bahagi! At kung nakakakita sila ng isang himala, tumatalikod sila palayo at nagsasabi, "nagdaang salamangka." At tinanggihan nila at sinunod ang kanilang mga hilig. Subalit para sa bawat bagay o gawain ay may karampatan na katapat." (Qur'an 54:1-3)
Paglalakbay sa Gabi at Pag-akyat sa Langit
Ilang buwan bago ang paglipat mula sa Makkah patungong Madina, dinala ni Allah ang Propeta Muhammad isang gabi mula sa Dakilang Moske sa Makkah hanggang sa Moske al-Aqsa sa Herusalem, ilang buwang paglalakbay ng 1230 km para sa isang karaban. Mula sa Herusalem, umakyat siya sa kalangitan, na dumaraan sa mga hangganan ng pisikal na sansinukob upang makarating sa harapan ng banal, makaharap si Allah, at saksihan ang mga Dakilang Tanda (al-Ayat ul-Kubra). Ang Kanyang katotohanan ay naging maliwanag sa dalawang paraan.
Una, ang Propeta ay inilarawan ang mga karaban na kanyang nalampasan pabalik ng bahay at sinabi kung saan sila at tungkol sa kung kailan sila inaasahang makararating sa Makkah; at ang bawat isa ay dumating gaya ng pagkakahula, at ang mga detalye ay tulad ng inilarawan niya.
Ikalawa, hindi siya kailanman nakikilalang nakarating na sa Herusalem, gayunpaman inilarawan niya ang Moske al-Aqsa sa mga nag-aalinlangang katulad ng isang saksi.
Ang paglalakbay ay binanggit sa Qur'an:
"Kataas-taasan sa Kanya na nagdala sa Kanyang Lingkod [ang Propeta Muhammad] sa gabi mula sa Moske al-Haram patungo sa Moske al-Aqsa, na yaong mga kapaligiran ay pinagpala Namin, upang ipakita sa kanya ang Aming mga tanda. Katiyakan, Siya ang Nakaririnig, ang Nakakakita."(Quran 17:1)
"Kaya makikipagtalo ka ba sa kanya sa kung anong nakita niya? At siya ay katiyakang nakita siya sa isa pang pagpanaog sa Puno ng Lote sa Pinakadulong Hangganan - malapit dito ang Hardin ng Kanlungan (Paraiso) - kapag natakpan na ang Puno ng Lote ng anumang nakatatakip (nito). Ang paningin (ng Propeta) ay hindi lumihis, ni lumabag man (sa limitasyon nito). Siya ay katiyakang nakita ang pinakadakilang palatandaan ng kanyang Panginoon." (Quran 53:12-18)
Ang Puno ng Kahoy
Sa Madinah, si Propeta Muhammad ay naghahatid ng mga sermong nakahilig sa isang tuod ng puno. Nang ang bilang ng mga mananamba ay nadagdagan, isang tao ang nagmungkahing isang pulpito ang itayo upang magamit niya itong maihatid ang sermon. Nang itinayo ang pulpito, nilisan niya ang punung kahoy. Si Abdullah ibn Umar, isa sa mga kasamahan, ay nagbigay ng saksing testimonya sa kung ano ang nangyari. Ang punung kahoy ay narinig na tumatangis, ang Propeta ng awa ay nagpunta patungo dito at inalo ito ng kanyang kamay.[1]
Ang Pagdaloy ng Tubig
Sa higit na isang pagkakataon kapag ang mga tao ay nasa matinding pangangailangan ng tubig, ang pagpapala ng Propeta ay inililigtas sila. Sa ika-anim na taon matapos siyang lumipat mula sa Makkah patungo sa Madinah, ang Propeta ay tumungo sa Makkah para sa pilgrimahe. Sa mahabang paglalakbay sa disyerto, ang mga tao ay naubusan lahat ng tubig, tanging ang Propeta ang natirahan ng isang sisidlan na kanyang ginagamit para sa paghuhugas para sa pagdarasal. Inilagay niya ang kanyang kamay sa sisidlan, ang tubig ay nagsimulang dumaloy mula sa pagitan ng kanyang mga daliri. Si Jabir ibn Abdullah, na nakasaksi ng himala, ay nagsabing sa labinlimang daang kalalakihan, 'Kami ay uminom at naghugas dito.'[2]
Pagpapala ng Pagkain
Sa higit na isang pagkakataon, ang Propeta ay pinagpapala ang pagkain alinman sa pamamagitan ng pagdarasal o paghawak nito upang ang lahat ng naroroon ay makakain at mabusog. Ito ay nangyari sa mga panahong kapag ang kakulangan sa pagkain at inumin ay nagpapahirap sa mga Muslim (Bukhari). Ang mga himalang ito ay naganap sa harapan ng isang malaking bilang ng mga tao, kung sa gayon, hindi maaaring itanggi.
Pagpapagaling sa may Karamdaman
Si Abdullah ibn Ateek ay nabali ang kanyang binti at ang Propeta Muhammad ay pinagaling ito sa pamamagitan ng pagpahid ng kanyang kamay sa ibabaw nito. Sinabi ni Abdullah na parang walang nangyari dito! Ang taong nakasaksi sa himala ay isa pang kasamahang, si Bara 'ibn Azib. [3]
Sa panahon ng pandarayuhan ng Khyber, ang Propeta Muhammad ay pinagaling ang masakit na mga mata ni Ali ibn Abi Talib sa harap ng isang buong hukbo. Si Ali, pagkatapos ng maraming taon, ay naging ikaapat na Kalipa (pinuno) ng mga Muslim (Bukhari, Muslim).
Pagpapalayas ng mga Diyablo
Ang Propeta Muhammad ay pinalayas ang diyablo palabas sa isang batang lalaking dinala ng kanyang ina para mapagaling ito sa pagsasabing, 'Lumabas ka! Ako si Muhammad, ang Sugo ni Allah!' Ang babae ay nagsabi, 'Sa pamamagitan Niya na nagpadala sa iyo ng katotohanan, hindi na kami nakakita ng anumang nakitang kakaiba sa kanya(bata) simula noon.'
Mga Pagdarasal na Tinugon
(1) Ang ina ni Abu Hurayrah, isang malapit na kasamahan ng Propeta Muhammad, ay nagsasalita ng masasama sa Islam at sa Propeta nito. Isang araw, si Abu Hurayrah ay dumating na tumatangis sa Propeta Muhammad at hiniling sa kanyang manalangin para sa kanyang ina upang maligtas. Ang Propeta Muhammad ay nagdasal at nang nagbalik si Abu Hurayrah sa bahay, naabutan niya ang kanyang inang nakahanda nang tanggapin ang Islam. Sinambit niya ang Patotoo ng Pananampalataya sa harap ng kanyang anak at pumasok sa Islam (Muslim).
(2) Si Jarir ibn Abdullah ay inatasan ng Propeta upang alisin sa isang lupain ang isang anito (idol) na sinasamba bukod pa kay Allah, subalit dumaing siyang hindi siya maaaring makasakay sa kabayo ng maayos! Ang Propeta ay nagdasal para sa kanya, 'O Allah, gawin siyang malakas na kabalyero at gawin siyang isang gumagabay at ginabayan.' Si Jarir ay nagpatotoong hindi na siya nahulog sa kanyang kabayo matapos magdasal ang Propeta para sa kanya.[4]
Nakaraang Aralin: Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
Susunod na Aralin: Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)