Gabay para sa mga Baguhan sa Quran (part 1 of 3)
Deskripsyon: Ito ay tatlong-bahagi na aralin para sa mga baguhan na nakatuon sa mga pangunahing isyu na kinakaharap nila kapag bubuklatin ang Quran. Bahagi 1: Tungkol sa kung ano ang Quran, ang organisasyon nito, mga pangunahing tema at estilo ng paglalahad.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 27 Aug 2022
Nai-print: 133 - Nag-email: 0 - Nakakita: 11,567 (pang-araw-araw na average: 5)
Mga Layunin
·Upang maunawaan kung ano ang Quran.
·Upang malaman ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa Quran at kung paano ito isinasaayos.
·Upang malaman ang mga pangunahing tema na kasama sa Quran.
·Upang maunawaan ang estilo ng Quran sa pagtalakay ng mga tema nito.
Arabikong terminolohiya
·Surah – kabanata ng Quran.
·Ramadan - Ang ikasiyam na buwan sa Islamikong kalendaryong lunar. Ito ay ang buwan kung saan isinasagawa ang obligadong pagaayuno.
·Juz’ - isa sa tatlumpung bahagi ng Quran.
·Aayaat - (pang isahan – ayah) ang salitang aayaat ay maraming mga kahulugan. Kadalasang ginagamit ito kapag pinag-uusapan ang mga patunay mula kay Allah. Kabilang dito ang mga ebidensiya, mga talata, mga aralin, mga palatandaan, at mga paghahayag.
Sa tatlong mga aralin, Pagtutuunan natin ang ilang mga pangunahing isyu na kakaharapin ng isang baguhan sa pagbuklat ng Quran. Ano ang Quran at paano ito nakaayos? Ano ang mga pangunahing tema at estilo ng pagkakalahad nito? Ano ang ilang mga mahusay na pagkakasasalin para sa isang baguhan, at ano ang dapat nating tandaan kapag binabasa ito? Maari bang mabigyang-kahulugan ang Quran ayon sa sariling pag unawa? Paano kung hindi ko maintindihan ang isang bagay na nabasa ko? Saan ako makakakuha ng mga sagot? Panghuli, anong balangkas ng pag-iisip ang kailangan ko bago ko buksan at basahin ang Quran?
Ano Ang Eksaktong Kahulugan ng Quran?
Ang Quran ay ang literal, na binigkas na Salita ng Allah na ipinahayag sa huling Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, sa pamamagitan ni Gabriel, ang Anghel ng Kapahayagan, na ipinadala sa atin sa pamamagitan ng maraming mga yugto, kapwa sa salita at sa nakasulat na anyo. Walang kapantay at natatangi, pinangangalagaan ng Diyos mula sa katiwalian. Ang Diyos ay nagsabi:
‘Katotohanan, Kami ang nagpadala ng mensahe [ie, ang Qur'an] at katotohanan, Kami ang magiging tagapangalaga nito..’ (Quran 15:9)
Ang mga Pangunahing Kaalaman
Ang unang bagay upang maunawaan ng isang baguhan ang tungkol sa Quran ay ang anyo nito. Ang salitang Arabik, 'Quran,' ay literal na nangangahulugang 'pagbigkas' at 'pagbabasa'. Kaugnay nito, ang Quran ay parehong binibigkas nang pasalita at isinulat sa anyo ng isang aklat. Ang tunay na lakas ng Quran ay nananatiling sa pagbigkas, na nangangahulugang basahin nang malakas at mahimig, ngunit ang mga talata ay isinulat sa mga magagamit na mga materyales bilang gabay sa pagsasaulo at pangangalaga nito, at tinipon at inayos sa anyong aklat ng kapwa pribado at, sa mga huling yugto, institusyunal. Ang Quran ay hindi ginawa upang maghayag ng mga kwentong magkakasunod, kung kaya't, ang Quran ay hindi dapat tingnan bilang sunud-sunod na mga salaysay tulad ng aklat ng Genesis.Ang Quran ay madalas nag uulit ng ilang mga bersikulo at mga tema, nagbabago ang mga paksa sa pagitan nila, at kadalasang nag-uugnay sa mga salaysay sa anyo ng isang pagkakabuod. Nakikita natin ang dalawang dahilan para dito. Una, kumakasangkapan ito sa isang layunin ng wika at isa sa mga makapangyarihang pamamaraan ng retorika ng klasikal na Arabik. Pangalawa, ang lahat ng mga tema ng Quran, gaano man kamag-kakaiba, ay pinagisa sa loob ng isang aklat: walang tunay na diyos kundi si Allah, at si Muhammad ay Kanyang mensahero. Ang Quran, hindi gaya ng Bibliya, ay hindi nakatauon sa mga talaangkanan (Genealogies), mga kronolohikong (pagkakasunod sunod) pangyayari, o mga detalye ng kasaysayan , na karamihan ay hindi angkop na pagtalunan. Ang layunin ay ang paggamit ng mga kaganapan, mula sa nakaraan at kasalukuyan, upang ilarawan ang sentral nitong mensahe. Kaya kapag tinatalakay ng Quran ang nakagagamot na sangkap ng pulot (- pukyutan) o ang buhay ni Hesus, alin man sa mga paksang ito ay hindi tuwirang wakas, ngunit ang bawat isa ay may kaugnayan sa isa o sa anumang paraan sa sentral nitong mensahe - ang Kaisahan ng Diyos at pagkakaisa ng mensahe ng propeta.
Ang isa pang mahalagang punto na dapat tandaan na ang Quran ay hindi ipinahayag sa isang upuan lamang, sa halip ito ay ipinahayag bawat bahagi sa loob ng 23 taon. Maraming talata ang tumutugon sa mga partikular na kaganapan. Kadalasan, ang Quranikong paghahayag ay magmumula kay anghel Gabriel patungo kay Propeta Muhammad bilang tugon sa mga tanong ng mga di-mananampalataya. Ang Quran ay tumutukoy sa mga di-mananampalataya, ang mga Tao ng Banal na Kasulatan (isang terminong ginagamit ng Quran para sa mga Hudyo at mga Kristiyano), ang sangkatauhan sa kabuuan, mananampalataya, at, bilang panghuli, ang Propeta mismo - na nag utos sa kanya kung ano ang gagawin sa isang partikular na sitwasyon o umaliw sa kanya sa mga panahon ng panlilibak at pagtutol. Ang kaalaman sa makasaysayang at panlipunang konteksto ng paghahayag ay naglilinaw ng mga kahulugan na nilalaman ng mismong teksto.
Paano Isinaayos ang Quran?
Ang Quran ay binubuo ng 114 mga bahagi o mga kabanata na mayroong ibat-ibang haba. Ang bawat kabanata ay tinatawag na isang surah sa Arabik at ang bawat pangungusap o parirala ng Quran ay tinatawag na isang ayah, literal na kahulugan 'isang tanda.' Tulad ng Bibliya, ang Quran ay nahahati sa mga hiwalay na yunit, tinutukoy bilang 'verses' sa Ingles. Ang mga talatang ito ay walang sinunusunod na haba at ang simula maging wakas nito ay hindi mula sa kapasyahan ng tao, kundi idinikta ng Diyos. Ang bawat isa ay natatangi sa pagka-matalinhaga ng pagpapakahulugan, o 'tanda', na tinutukoy ng salitang ayah sa Arabik. Ang lahat ng mga surah, maliban sa isa, ay nagsissimula sa Bimillah hir-Rahman nir-Rahim, 'Nagsisimula ako sa Pangalan ng Allah, ang Pinakamahabagin, ang Maawain.' Ang bawat surah ay may isang pangalan na naguugnay sa isang sentral na tema sa loob nito. Halimbawa, ang pinakamahabang surah, Surah al-Baqarah, o "Ang Baka", ay pinangalanan ayon sa kuwento ni Moises na nag-utos sa mga Hudyo na mag-alay ng baka, na nagsisimula sa sinabi ng Diyos:
“At alalahanin nang sinabi ni Moises sa kanyang mga tao: 'Iniutos ng Allah na mag alay (katay) ka ng baka.’” (Quran 2:67)
Dahil ang mga kabanata ay may iba't ibang haba, ang Quran ay hinati ng mga iskolar ng unang siglo pagkatapos ng pagkamatay ng Propeta sa humigit-kumulang tatlumpu na magkakapantay na bahagi , ang bawat bahagi ay tinatawag na juz 'sa Arabik. Ang dibisyon na ito ng Quran ay ginawa upang ang mga tao ay isaulo o basahin ito sa isang mas organisadong paraan, at walang nabago sa orihinal na istraktura, dahil ang mga ito ay pawang mga marka lamang sa gilid ng mga pahina na nagpapahiwatig ng bahagi nito. Sa buwan ng pag-aayuno, ang Ramadan, ang isang juz 'ay karaniwang binibigkas tuwing gabi, at ang buong Quran ay natatapos sa katapusan ng buwan.
Ang Istilo ng Quran
Anong mga paksa ang tinatalakay ng Quran? Sinasakop nito ang iba't ibang mga paksa. Ang pinakamahalaga, binabanggit nito ang Kaisahan ni Allah at kung paano mamuhay ng kalugod-lugod sa Kanya. Kasama sa iba pang mga paksa ang doktrina ng relihiyon, paglikha, kriminal at sibil na batas, Hudaismo, Kristiyanismo at politismo, pakikitungo sa kapwa, moralidad, kasaysayan, mga kuwento ng mga nakaraang propeta, at agham. Ang pinakamahalagang katangian ng estilo ng Quran sa pagtalakay sa mga temang ito ay:
(1) Ang paggamit ng mga talinghaga upang pukawin ang kuryusidad ng mambabasa at ipaliwanag ang malalim na mga katotohanan.
(2) Mahigit sa dalawang daang talata na nagsisimula sa salitang Arabik na Qul - 'Sabihin' - na naguutos kay Propeta Muhammad na sabihin kung ano ang kasagutan sa tanong, upang ipaliwanag ang mga usaping may kinalaman sa pananampalataya, o ipahayag ang isang legal na paghatol. Halimbawa:
“Sabihin: 'O Mga Tao ng Kasulatan! Hindi ninyo baga kami sinasangayunan maliban sa kadahilanang kami ay naniniwala kay Allah , at sa kapahayagang dumating sa amin at sa mga mga nauna pa (sa amin), at dahil karamihan sa inyo ay suwail at masuwayin?’” (Quran 5:59)
(3) Sa ilang mga talata ng Quran, ang Allah ay sumumpa sa pamamagitan ng Kanyang kamangha-manghang likha, upang kapwa palakasin ang isang katwiran o upang iwaksi ang mga pagaalinlangan sa isip ng tagapakinig:
“Sa pamamagitan ng araw at ang liwanang nito,
Sa pamamagitan ng buwan kapag sumusunod ito dito,
Sa araw kapag nagpapakita ito,
Sa gabi kapag ito ay lumulukob sa kanya,
Sa pamamagitan ng langit at Siya na lumikha nito,
Sa pamamagitan ng lupa at Siya na naglatag nito,
Sa pamamagitan ng kaluluwa at Siya na lumikha ng angkop nitong sukat…” (Quran 91:1-7)
Minsan ang Allah ay sumumpa sa pamamagitan ng Kanyang Sarili:
“Ngunit hindi, sa pamamagitan ng iyong Panginoon, sila ay hindi (tunay) na maniniwala hanggang hindi ka nila, (O Muhammad), gawing hukom tungkol sa kanilang mga pinagtatalunan, at kanilang makita sa pagitan nila ang kaginhawahan sa kung anumang iyong hinatulan at maluwag nilang tatanggpin ang mga ito nang ganap.” (Quran 4:65)
(4) Panghuli, ang Quran ay mayroong tinatawag na 'ang mga putol na titik,' na binubuo ng mga letra ng alpabetong Arabe na, kung kukuning magkakasama, ay walang tuwirang kahulugan sa leksikong Arabiko. Ito ay isa sa mga paraan nang paghamon ng Allah sa mga Arabo, bilang mga taong pinaka-mahusay sa paggamit ng salita sa larangan ng pagtatalumpati, upang magdala ng katumbas ng Quran, na kung saan ay binubuo ng mga putol na titik. Lumilitaw ang mga ito sa simula ng dalawampu't siyam na mga surah. Halimbawa, ang unang aayah ng Surah al-Baqarah ay lumilitaw sa iba't ibang mga pagsasalin bilang:
Yusuf Ali: A.L.M.
Pickthal: Alif. Lam. Mim.
Muhsin Khan: Alif-Lam-Mim.
Susunod na Aralin: Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 2 ng 3)
- Gabay para sa mga Baguhan sa Quran (part 1 of 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 2 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 3 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Hadith at Sunnah
- Ang Kahalagahan ng Pagdarasal
- Mga Kinakailangan sa Pagdarasal
- Kalinisan sa Islam
- Ritwal o espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Ritwal o espesya na Paglinis (Wudoo)
- Pagdarasal ng Dalawang Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Tatlong Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Apat na Yunit o Raka'a
- Pangkalahatang punto hinggil sa Panalangin
- Isang Araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 1 ng 2): Mula pagkagising hanggang sa bandang huli ng umaga.
- Isang araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 2 ng 2): Mula sa Tanghali hanggang sa Pagtulog
- Tadhana ng mga hindi Muslim
- Pagsisisi (bahhagi 1 ng 3): Pintuan ng Kaligtasan
- Paghingi ng Tawad o Kapatawaran (Bahagi 2 ng 3): Mga Kondisyon ng Paghingi ng Kapatawaran
- Pagsisisi (Bahagi 3 ng 3): Pagdarasal para sa Pagsisisi
- Makikita ba natin ang Allah?
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 1 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (Bahagi 2 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 3 ng 4)
- Pangangalaga ng Sunnah (bahagi 4 ng 4)
- Pagkain – Sa pamamaraang Islamiko (bahagi 1 ng 2)
- Pagkain – Sa Islamikong Paraan (Bahagi 2 ng 2)
- Payak na Kapaliwanagan sa Dakilang Talata ng Quran: Aaya tul-Kursi
- Pagpupunas sa mga Medyas, Pagbabayad sa Panalangin, at ang Pagdarasal ng Naglalakbay
- Pangitain / Pamahiin
- Mga Gayuma at Agimat/Dala-dalahan