Naglo-load...

Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)

Marka:

Deskripsyon: Tatlong bahaging araling dinedetalye ang buhay ni Propeta Muhammad bago ang pagkapropeta at ang mga taong sumunod pagkatapos ng pagkapropeta hanggang ang mga Muslim ay napilitang lisanin ang Meka. 1 Bahagi : Bago ang Islamikong Arabya at ang unang bahagi ng buhay ni Propeta Muhammad.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 04 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 88 - Nag-email: 0 - Nakakita: 11,693 (pang-araw-araw na average: 5)


Mga Layunin

·Upang maunawaan ang Arabya bago ang Islam.

·Upang matutunan ang tungkol sa Panahon ng Kamangmangan.

·Upang matutunan ang tungkol sa kapanganakan at unang bahagi ng buhay ng Propeta.

·Upang matutunan ang tungkol sa kanyang reputasyon bilang isang binata.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Ka'bah - Ang hugis kwadradong na gusali na matatagpuan sa lungsod ng Meka. Ito ay nagsisilbi bilang isang tampulang dako kung saan ang lahat ng mga Muslim ay humaharap kapag nagdarasal.

Detailed-Biography-of-Prophet-Muhammad-part-1-of-3.jpgAng buhay ni Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsimula sa Arabya, subalit ang kanyang kasaysayan ay nagsimula na ng libu-libong taon bago pa ang kanyang kapanganakan. Ang aklat ng Henesis, na kapwang ang mga Hudyo at Kristiyano ay iginagalang, ay binabanggit ang kasaysayan tungkol kay Abraham at sa kanyang dalawang anak, sina Ismael at Isaak. Si Abraham ay inutusan ng Diyos na iwanan ang kanyang asawang si Hagar at ang kanyang anak na si Ismael doon, mag-isa, bilang pagsubok sa kanilang debosyon sa Diyos. Ang Diyos ay nagpabukal ng isang balon para sa kanila at sila ay nakaligtas sa katigangan ng disyerto.

Hindi nagtagal, ang ilan sa mga nakapalibot na tribo ay nagsimulang manirahan sa lambak na ito, na naging kilala bilang Meka. Si Ismael ay lumaki sa tribong Arabo ng Jurhum, natutunan ang kanilang wika, at naging kilala bilang Ismael.

Kalaunan, nang si Abraham, na kilala sa Arabe bilang Ibrahim, ay nagbalik, siya at ang kanyang anak ay tinuruan ni Allah upang bumuo ng isang maliit na lugar ng pagsamba na nakatuon sa Kanya. Ito ang unang gusaling ganap na nakatuon sa tanging pagsamba kay Allah. Ang mag-ama ay inanyayahan ang mga Arabo upang sambahin si Allah at itakwil ang lahat ng iba pang huwad na mga diyos.

Si Ismael sa kalaunan ay naging isang propeta tulad ng kanyang ama at nanatili sa Meka kasama ang kanyang pamilya. Pagkatapos ni Ismael, ang kanyang mga inapo ay sumamba kay Allah at sinunod ang kanilang moral na mga aral. Ang Ka'bah ay nanatiling tampulan para sa pagsamba kay Allah at ang mga mananampalataya ay dumarating mula sa buong Arabya para sa pilgrimahe.

Panahon ng Kamangmangan

Ang mga bagay ay nabago ng panahon at ang mga Arabo ay nakalimutan ang tunay na pamamaraan ni Ismael. Ang pilgrimahe ay naging isang hungkag na ritwal sa halip na isang gawaing pagsamba. Nang mga ika-4 na siglo, ang tribong nagngangalang Khuza'ah ay pina-alis ang mga inapo ni Ismael palabas ng Meka at isa sa kanilang mga pinuno ay pinasimunuan ang pagsamba sa idolo. Sa loob ng ilang siglo, ang idolatriya ay nananaig sa paligid ng Arabya at ang Bahay ni Allah ay naging isang Bahay ng Idolatriya. Ito ay hindi dahil sa hindi sila naniniwala sa isang Tagapaglikha; naniniwala sila. Gayunpaman, sila ay nagsimulang maniwalang si Allah ay hindi maaaring tuwirang malapitan at ang mga idolong ito ay ang mga tagapamagitan sa pagitan nila at ni Allah. Upang mapalubag ang mga rebultong ito, sila ay nagkakatay pa ng mga hayop at inaalay ang sakripisyo sa mga ito. Ang idolatriya ay naging organisadong relihiyon na nasamahan ng mga bagong tuklas ng kaugaliang pang-relihiyon.

May iba pang mga Arabo na hindi talaga naniniwala kay Allah. Ang ilan ay purong materyalista na naniniwala lamang na ang panahon sa kalaunan ang sumisira sa lahat. Ang iba ay sumasamba sa araw, sa buwan, o sa natatanging mga bituin at planeta. Karamihan sa mga sumasamba sa idolo ay may kaunti o walang konsepto ng kabilang buhay.

Ang katayuan ng kababaihan ay makikita mula sa katotohanang kapag ang isang bata ay ipinanganak, ang mga magulang ay hayagang ipinapahiwatig ang kanilang kawalang-kasiyahan kung ito ay isang babae. Ang ilang mga ama ay inililibing pa nga ang batang babae ng buhay, dahil sa takot sa kahirapan. Ang prostitusyon ay karaniwan at naging tanggap na pamantayan ng lipunan.

Napakakaunting mga tao ang nakakabasa o nakakasulat, o may anumang uri ng pormal na edukasyon. Ang tanging agham na nagkakahalaga para banggitin ay ang tula, kung saan ang mga Arabo ay mga Dalubhasa.

Mga Pangyayari Bago ang kanyang Pagsilang

Nang mga ika-5 siglo, si Qusayy ibn Kilab ay namuno sa isang pag-aalsa laban sa tribo ng Khuza'ah at nagawang makuhang muli ang pangangasiwa ng Meka. Ang mga miyembro ng kanyang tribo, na kilala bilang mga Quraysh, ay tuwirang mga inapo ni Propeta Ismael.

Nang ika-6 na siglo, ang mga Quraysh ay nagtamasa ng isang posisyon ng karangalan sa maraming mga tribong kalat sa paligid ng Arabya dahil inaalagaan nila ang Ka'bah at ang mga peregrinong darating upang bumisita.

Ang tribo ng Quraysh ay binubuo ng maraming magkakaibang pamilya o mga angkan. Ang pamilya ni Hashim ay kabilang na ngayon sa pinakatanyag. Si Abdul Muṭṭalib, ang pinuno ng angkan, ay naging pansamantalang pinuno ng Quraysh sa Meka. Marami siyang mga anak, subalit isa sa kanyang paborito si Abdullah. Hinulaang siya ang magdadala sa sinimulan ng kanyang ama, ngunit ito ay hindi nangyari. Si Abdullah ay pinakasalan si Aminah mula sa angkan ng Zuhrah. Ilang buwan ang nakalipas, sa kanyang paglalakbay patungong Yathrib sa hilaga, siya ay nagkasakit at pumanaw, na iniwanan ang kanyang asawang nagdadalang tao.

Isang Ulila Ang Ipinanganak

Si Aminah ay nagsilang sa isang anak na lalaki sa taong 570. Ang lolo ng bata ay pinangalanan siyang Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, na nangangahulugang 'isang kapuri-puri', isang pambihirang pangalan sa Arabya.

Kaugalian sa Arabya na ang mga sanggol ng mga mararangal na pamilya ay dinadala sa disyerto sa mga Bedouin. Si Muhammad ay lumaki sa sambahayan ni Halima na kanyang ina-inahan at natutunan ang mga pamamaraan ng disyerto. Siya ay dumadalaw sa Meka kada ilang mga buwan upang makipagkita sa kanyang ina, at bumalik muli sa disyerto. Pagkaraan ng maikling panahon, nang si Muhammad ay anim na taon pa lamang, ang kanyang inang si Aminah, ay nagkasakit at pumanaw habang sila ay nasa isang paglalakbay. Ang kanyang lolong si Abdul Muttalib ang nag-alaga sa kanya at itinuring siyang tulad ng kanyang sariling anak. Gayunpaman, nang ang batang si Muhammad ay walong taon pa lamang, siya ay pumanaw din. Ang kanyang tiyuhing si Abu Talib ang magtataguyod sa kanya mula ngayon.

Si Abu Talib ay mahal na mahal ang kanyang pamangkin at isinasama pa kapag siya ay maglalakbay papuntang Sirya at ibang lugar para sa pangangalakal.

Bilang isang Pastol

Gayunpaman, si Abu Talib ay hindi masyadong mayaman tulad ng kanyang ama, kaya si Muhammad ay kailangang magtrabaho para kumita sa kabuhayan at tulungan ang kanyang tiyuhin. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang isang pastol, pinangangalagaan ang mga kawan ng mga tupa at kambing para sa mga tao ng Meka. Ang isang pastol ay natututo ng dakilang pakikitungo sa responsibilidad. Kailangan niyang gabayan ang mga tupa, ng sama-sama bilang isang kawan, at pangalagaan din ang mga ito mula sa mga maninila.

Ito rin ay nagtuturo sa pastol ng pagtitiis at nagbibigay sa kanya ng maraming panahong mag-isip at magmuni-muning malayo sa labis na ingay ng lungsod.

Marami sa mga propetang ipinadala ni Allah sa ibang mga komunidad ay kilala bilang mga pastol sa ilang mga bahagi ng kanilang buhay dahil ang ikinabubuhay ng isang tao ay may malaking kinalaman sa kanyang pagkatao.

Ang Kanyang Reputasyon

Si Muhammad ay isa sa ilang tumangging sumamba sa mga idolo mula pa lamang sa napakabatang edad. Siya ay dadalaw sa Ka'bah subalit itutuon lamang ang kanyang pagsamba kay Allah. Siya rin ay umiwas sa pagkain ng anumang karneng kinatay sa pangalan ng idolo. Matapos ang pagpapastol ng ilang taon, siya ay nagka interes sa kalakalan at naging negosyanteng pinangangalakal ang mga kalakal ng mga tao para sa kanila. Karamihan sa mga taong maharlikang kabilang sa mga Quraysh ay mga mangangalakal ang propesyon. Gayunpaman, si Muhammad ay nangibabaw sa iba dahil sa kanyang katapatan at sinseridad. Agad siyang nakilala sa Meka bilang al-Amin, 'ang matapat.' Gayundin, kilala siya dahil sa kanyang mataas na moralidad, malinis na karakter, at pag-iwas sa alak, pagsusugal, bawal na relasyon, at iba pang mga bisyo.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 9