Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
Deskripsyon: Tatlong bahaging araling dinedetalye ang buhay ni Propeta Muhammad bago ang pagkapropeta at ang mga taong sumunod pagkatapos ng pagkapropeta hanggang ang mga Muslim ay napilitang lisanin ang Meka. 2 Bahagi : Ang kanyang karampatang gulang, ang unang kapahayagan at ang lihim na pag-anyaya.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 04 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 76 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,830 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga Layunin
·Upang matutunan ang tungkol sa pag-aasawa at pamilya ng Propeta.
·Upang matutunan ang tungkol sa pag-iisa ng Propeta bago natanggap ang kapahayagan at paano ang kapahayagan nagsimula.
·Upang matutunan ang tungkol sa lihim na pag-anyaya sa Islam sa pinakaunang mga yugto.
Pag-aasawa at Pamilya
Isang mayamang babaing nagngangalang Khadijah ang umupa sa kanya upang ibenta ang kanyang kalakal sa Sirya para sa kanya. Siya ay makatatanggap ng porsiyento ng komisyon mula sa mga maibebenta. Ginawa niya ang tungkulin nang may katiyakan at katapatan na siya sa kalaunan ay nag-alok na pakasalan siya sa pamamagitan ng pagpapadala ng isa sa kanyang mga kaibigan upang tanungin siya kung interesado siya. Nakatanggap siya ng maraming mga pag-alok matapos pumanaw ang kanyang pangalawang asawa, subalit tumanggi siya sa lahat ng mga ito. Gayunpaman, nakita niya ang isang bagay na natatangi kay Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, at tinanggap siya nito.
Si Muhammad ay kinailangang lumikom ng nakatakdang halaga upang bayaran ang kanyang dote na halos 500 dirham. Siya ay dalawampu't limang taong gulang habang si Khadijah ay hindi lamang higit na matanda kaysa sa kanya kundi siya ay naikasal na ng dalawang beses dati.
Ito ay hindi pa rin humadlang sa kanya dahil nasa kanya ang lahat ng mga katangiang maaari niyang hilingin: isang matuwid na katangian, marangal na angkan, kagandahan, at kayamanan. Si Muhammad at si Khadijah ay ikinasal at nang lumaon ay nagkaroon ng anim na anak: dalawang lalaki at apat na babae. Ang parehong lalaki ay pumanaw nong sila ay sanggol pa habang isa lamang anak na babae ang umabot na buhay ang kanilang ama. Gayunpaman, ang dalawang lalaki ay itinakdang mapalitan ng dalawa pa. Isang batang lalaki na nagngangalang Zayd ibn Harithah na nahiwalay sa kanyang pamilya at humantong sa Meka. Si Muhammad at Khadijah ay nagpasyang ampunin siya at siya ay nakilala bilang Zayd ibn Muhammad.
Pagkalipas ng ilang taon, nagkaroon ng taggutom sa Meka at ito sa katunayan ay naging napakahirap, lalo na para kay Abu Talib na kailangang suportahan ang malaking pamilya. Upang mapagaan ang pasanin niya, si Muhammad at Khadijah ay inampon ang isa sa kanyang mga anak, si Ali, sa kanilang sambahayan at pinalaki siya bilang sarili nilang anak. Sa gayon, sila ay naging masayang pamilya ng walo.
Ang Kanyang Pagtutol sa Politeismo
Si Muhammad ay ipinagpatuloy ang kanyang propesyon bilang isang mangangalakal ng maraming taon at namuhay sa isang payak na pamumuhay kasama ang kanyang asawa at mga anak. Siya ay nababagabag sa imoralidad na umiiral sa kanyang lipunan. Subalit ang pinaka-kasuklam-suklam sa lahat ng mga kasamaan ng kanyang mga mamamayan ay ang kanilang pagsamba sa idolo. Sinasabi ng kanilang mga labi ang paglilingkod kay Allah habang sumasamba sila sa mga rebulto at mga larawang ginawa ng kanilang sariling mga kamay. Nakikita niya mismo ng hayagan sa harapan ng mga pakanang ritwal kung saan ang mga Arabo ay nakikibahagi, kahit habang nasa pilgrimahe.
Sa katunayan, hindi siya nag-iisa sa kanyang pagtutol sa pagsamba sa idolo. Nariyan si Waraqah ibn Nawfal na nilisan ang idolatriya at naging isang Kristiyano. Nabasa niya ang mga kasulatan ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa Hebreo at nagpasiyang sundin ang landas na ito. Hindi nalaman kung anong sekta ng Kristiyanidad ang sinunod niya, subalit dahil siya ay isang iskolar, marahil ay nagkaroon siya ng sariling ideya tungkol sa tunay na itinuro ni Propeta Hesus.
Kapahayagan
Isang gabi, malapit sa katapusan ng buwan ng Ramadan, si Muhammad ay nagdarasal at nagninilay-nilay nang nadama niya ang isa pang presensya sa kuweba. "Basahin!", utos ng tinig. "Hindi ako nakakabasa," si Muhammad ay tumugon ng may katapatan, dahil siya ay walang pinag-aralan tulad ng karamihan sa mga Arabo. Isang bagay ang sumunggab at pumiga sa kanya nang husto hanggang sa hindi na niya matiis ang sakit, pagkatapos ay pinalaya siya. "Basahin!", Ang tinig ay nag-utos muli. "Hindi ako nakakabasa," sagot ni Muhammad ulit.
Sinunggaban siya nito sa pangalawang pagkakataon at pinisil siya. Ito ay hindi panaginip. Ang isang maliit na pagkurot ay sapat na makagising sa kanya kung panaginip nga.
Nang hindi na niya matiis ang sakit, pinalaya din siya. "Basahin!", ang tinig ay nag-utos sa pangatlong pagkakataon. Si Muhammad ay natakot. Ano ito? Ano ang nangyayari? Maraming mga tanong ngunit walang panahon para mag-isip. Kinailangan niyang tumugon nang mabilis, "Hindi ako nakakabasa." Muli siyang kinapitan ng puspusang lakas, pagkatapos ay pinakawalan siya. Ang tinig ay ipinahayag ang sumusunod na salita: "Basahin sa pangalan ng iyong Panginoong Tagapaglikha. Nilikha niya ang tao mula sa namuong dugo. Basahin! Ang iyong Panginoon ay Lubos na Mabuti. Itinuro Niya sa pamamagitan ng panulat. Itinuro Niya sa tao kung ano ang hindi niya nalalaman. "(Qur'an 96: 1-5)
Ito ang Anghel ng Kapahayagan, si Gabriel (Jibreel). Malinaw na siya ay sinabihang ulitin kung ano ang narinig niya, at siya ay sumunod ng lubos. Ang mga salitang yaon ay ganap na naka-ukit sa kanyang memorya. Pagkatapos ang presensya ay nawala, at siya ay nag-isa muli.
Anong nangyari? Ano ang mga talatang yaon? Si Muhammad, bilang isang Arabo, ay pamilyar sa mga tula, subalit ito ay ni alinman sa dalawa, tula ni prosa. Walang panahon para magnilay. Siya ay natakot at tumakbo pababa ng bundok. Nagpunta siya nang tuluyan sa kanyang asawa, na lubos na makaaalo sa kanya. "Takpan mo ako! Takpan mo ako! "Si Khadijah ay naglagay ng isang kumot sa ibabaw niya hanggang sa siya ay huminahon. Pagkatapos ay sinabi niya sa kanya ang tungkol sa kanyang karanasan at inamin na siya ay natakot. Pinaalala niya ang mga talata sa kanya, titik sa titik. Siya ay kaagad na inalo na nagsasabing, "Si Allah ay hindi ka ipapahamak. Mabuti ka sa iyong pamilya, tinutulungan mo ang mga mahihina, tinutulungan mo ang mga taong nangangailangan, ikaw ay mapagbigay sa iyong mga panauhin, at nagpupunyagi ka para sa katotohanan." Siya ay matatag na naniniwalang si Allah ay hindi hahayaan ang anumang masamang mangyayari sa isang matuwid na tao.
Lihim na Pag-anyaya
Ang Propeta ay patuloy na nakatanggap ng mga pahayag para sa natitirang bahagi ng kanyang buhay. Una lamang niya itong ipinagtapat sa mga taong alam niyang maaaring mapagkatiwalaan. Ang Meka ay ang puso ng idolatrya at hindi madali ang baguhin ang mga bagay ng magdamag. Ang misyon ay nangangailangan ng pangmatagalang pagpaplano at sa gayon ay nagsimula sa isang lihim na pag-anyaya para lamang sa mga malamang na magiging interesado. Ang Propeta ay nagsimula sa kanyang sariling sambahayan. Matapos ang pakikipagkita kay Waraqah, si Khadijah ay naniniwala na ang kanyang asawa ay tunay na isang propeta. Kilala niya ang kanyang asawa sa loob at sa labas para sa huling labinlimang taon at ito ay malinaw pa sa kristal sa kanya na siya ay hindi alinmang isang sinungaling o sinasaniban. Siya ang itinuturing na unang mananampalataya. Pagkatapos ay ang kanyang pinsang si Ali at ang kanyang ampong si Zayd ang sumunod. Sila ay parehong mga kabataan at maaaring sabihin ang pagkakaiba sa pagitan ng isang impostor at isang matapat na tao. Ang mga kabataan minsan ay may kakayahang makita ang mga bagay na kahit ang makaranasang mga nakatatanda ay hindi kayang mahalata.
Ang unang tao sa labas ng pamilyang tinanggap ang mensahe ay si Abu Bakr. Siya ang naging pinakamatalik na kaibigan ng Propeta sa loob ng maraming taon. Siya ay isang mangangalakal ng marangal na angkan at iginagalang sa buong Meka para sa parehong pagiging isang pilantropo pati na rin bilang isang dalubhasang henealohista. Si Abu Bakr ay agad nagsimulang sabihin sa kanyang malalapit na kasamahan ang tungkol sa Propeta. May ilang mga tumugon tulad ng'uite n, al-Zubayr, 'Abd al-Rahman, Sa'd at Talha. Ang mensahe ay nagsimulang kumalat sa Meka, kahit na palihim.
- Mga Pagdarasal – Pinahusay (1 bahagi ng 2)
- Pagdarasal - Pauna (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Layunin ng Buhay
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 1 ng 2)
- Bakit at Paano Pag-aaralan ang Quran (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Himala ng mga Propeta
- Karne ng mga tao ng Kasulatan (1 bahagi ng 2)
- Karne ng Angkan ng Kasulatan (2 bahagi ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 1 ng 2)
- Ang Dhikr (Pag-alaala kay Allah): Kahulugan at Mga Pagpapala (bahagi 2 ng 2)
- Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 1 ng 2)
- Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom (bahagi 2 ng 2)
- Ang mga Kabutihan ng Quran (bahagi 1 ng 2)
- Ang Kabutihan ng Quran (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (1 bahagi ng 2)
- Mga Kagandahang-asal (2 bahagi ng 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Panahon (part 1 of 2)
- Ang Islamikong Ginintuang Kapanahunan (part 2 of 2)
- Ang Social Media sa Islam
- Malayang oras, Kasiyahan, at Paglilibang
- Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula
- Mga Himala ni Propeta Muhammad (1 bahagi ng 2)
- Mga Himala ng Propeta Muhammad (2 bahagi ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 1 ng 2)
- Masasamang Pag-uugali na Dapat Layuan (Bahagi 2 ng 2)
- Ang Espiritwal na mga Kapakinabangan ng Pag-aayuno at Kawang-gawa
- Interpretasyon ng Panaginip
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan sa Meka (1 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - kapanahunan ng Meka (2 bahagi ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Kapanahunan ng Meka (3 bahagi ng 3)