Si Propeta Adan (Adam) Pinagmulan ng Sangkatauhan (bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Ito ay dalawang-bahaging aralin sa paglikha kay Adan at sa mga sumunod na mga pangyayari. Ang Unang bahagi ay tumalakay kung paano pinarangalan at nilikha si Adan.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 02 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 184 - Nag-email: 1 - Nakakita: 19,705 (pang-araw-araw na average: 8)
Mga Layunin
·Upang matutunan ang tungkol sa pagiging katangi-tangi at mga karangalan ni Adan.
·Upang maunawaan na ang lahat ng mga propeta ay dumating na may magkakatulad at pangkalahatang mensahe at pawang mga magkakapatid.
·Upang malaman ang tungkol sa kuwento ng pagkakalikha kina Adan at Eva at ang mga kaugnay na mga pangyayari.
·Upang matutunan ang kaugalian sa pagbahin at salam.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Khalifah (pangmaramihan: Khulafa’) – Caliph. Binabaybay kung minsan na Khalif. Siya ang pinuno ng mga Muslim, ng relihiyon at sibil na tagapangasiwa, itinuturing na kapalit ni Propeta Muhammad. Ang Khalifah ay hindi isang hari o reyna.
·Salam - Ang Islamikong pagbati katulad ng 'As-Salamu Alaikum'.
Mga Karangalan ni Adam
Hinirang ng Allah si Adan (Quran 3:33) higit pa sa ibang mga tao na may ilang dakilang mga katangian:
1.Si Adam ay ang ama ng lahat mga tao. Pinili siya ng Allah na maging ama ng sangkatauhan gaya ng sinabi ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah “Kayong lahat ay mga anak ni Adam at si Adam ay nilikha mula sa lupa.”[1]
2.Nilikha ng Allah si Adam sa pamamagitan ng Kanyang mga Kamay. Habang tinutukoy si Satanas, ang Allah ay nagsabi, “Ano ang humahadlang sa iyo na magpatirapa sa isa na nilikha Ko sa aking mga kamay?” (Quran 38:75).
3. Ang Allah ang lumikha ng kaluluwa na inihinga kay Adam. Ang anghel ng Allah, Gabriel, ang huminga ng buhay sa kanya. (Quran 15:29, 38:72).
4.Ang Allah ang nag-utos sa kanyang mga anghel na magpatirapa kay Adam (Quran 15:29, 38:72).
5.Ang Allah ang nagbigay sa kanya ng malaking kaalaman, higit pa sa Kanyang ibinigay sa mga anghel (Quran 2:31).
6.Ang Allah ang nagbigay sa kanya ng tahanan sa Paraiso kasama ng kanyang asawa, Eva, at pinahintulutan silang maging maligaya doon (Quran 2:35).
7.Si Adam ang unang Propeta sa sangkatauhan. Si Propeta Muhammad ay nagsabi, “…Si Adam ay isang Propeta at tumanggap ng kapahayagan.”[2]
8.Si Adam ay nagtataglay ng katulad na relihiyon sa lahat ng mga Propeta at nanawagaan sa kaparehong pananampalataya, Islam. Lahat sila ay nag-anyaya sa paniniwala sa Allah at pagsamba sa Allah lamang (Quran 21:25, 16:36).
Paglikha kay Adam
Ang Allah ay nagsabi sa mga anghel na siya ay nagbabalak na magtayo ng isang ‘khalifah’[3] sa Mundo. Ang ‘Khalifah’ ay isang tao na sinusundan ng iba. Naunawaan nila kaagad na hindi si Adam lamang ang mabubuhay sa Mundo, ngunit sa halip, ito ay mahabang kawing ng sangkatauhan, marami sa kanila ang magiging masama:
“At (sabihin mo, O Muhammad), nang ang iyong Panginoon ay nagsabi sa mga anghel, ‘Katotohanan, Lilikha ako ng mga magkakasunod na mamumuno sa mundo.’ Sila ay nagsabi, ‘Maglalagay baga Kayo ng magdudulot ng katiwalian at pagdanak ng dugo, habang kami ay nagpapahayag ng pagpuri sa Iyo at nagpapabanal sa Iyo?’ Ang Allah ay nagsabi, ‘Katotohanan, Nababatid Ko ang hindi ninyo nalalaman.’” (Quran 2:31)
Ang tanong ng mga anghel ay hindi upang kwestiyunin ang karunungan ng Allah o bunga ng inggit o poot sa mga tao. Nais lamang nilang maunawaan ang layunin ng paglikha kay Adam. Ang tugon ng Allah ay nagsasabi sa atin na sa Kanyang ganap na kaalaman, batid Niya ang mga bagay tungkol kay Adam na hindi nalalaman ng mga anghel.
Nangangamba ang mga anghel na maaaring hindi karapat-dapat si Adam na maging isang khalifah sa Mundo, pinatunayan sa kanila ng Allah na hindi iyon totoo dahil sa ang bagong nilalang ay maaaring malampasan pa sila sa kaalaman. Ang Quran 2:31-33 ay nagsalaysay na tinuruan ng Allah si Adam ng mga pangalan ng lahat ng mga nilikhang bagay na hindi alam ng mg anghel. Binigyang-diin ng Allah sa kanila na ang kanilang kaalaman ay limitado at ang alam lamang nila ay kung ano ang itinuro Niya sa kanila. Nang matalo ni Adam ang mga anghel sa ‘paligsahan ng kaalaman,’ nakuha niya ang kanilang paggalang. Kaya't, nang pag-utusan ng Allah ay nag-unahan sila sa pagpapatirapa kay Adan.
Ilan pang mga detalye sa Paglikha kay Adam
Ang Allah ang nagsabi sa atin sa Quran 20:55 at sa 30:20 na nilikha Niya tayo mula sa lupa. Tinipon ng Allah ang ibat-ibang mga uri at kulay ng lupa upang likhain si Adam. Ang Propeta ay nagsabi, ‘Katotohanan, si Adam ay nilikha mula sa tatlong uri ng purong: itim, puti, at pula.’[4]
Ang lupang tinipon sa paglikha kay Adam ay ginawang luwad katulad ng nabanggit sa Quran 6:2. Ang luwad ay malagkit (Quran 37:11). Matapos matuyo ang luwad ni Adan, ito ay naging uri na gaya ng palayok, gumagawa ng tunog kapag tinatapik (Quran 15:26).
Matapos hubugin ang luwad ni Adam, Inanyuan ito ng Allah at inilagay sa Paraiso nang ilang panahon bago Niya ito binigyan ng buhay. “Sinimulan ni Satanas na paikutan ang luwad, pinag-aaralan ang kanyang kalikasan. Nang malaman na ito ay marupok, naisip niya, ‘lulupigin ko ito, dahil sa ito ay nilikha na hindi kayang magsama-sama.’ ‘Hindi kayang magsama-sama’ ay nangangahulugang hindi niya kayang pigilin ang kanyang pagnanasa.
Si Adam ay higit na malaki sa sukat kumpara sa mga tao sa ngayon. Ang Propeta ay nagsabi, ‘Ang Allah ay nilikha si Adam na anim-napong pulgada ang taas, at ang sangkatauhan ay patuloy na lumiliit hanggang sa (sumapit sa matatag na taas) ngayon.’ (Bukhari, Muslim) Kaya't, ang mga tao ay hindi dumaan sa mga antas ng ebolusyon.
Sa ilang mga talata ng Quran (2:117, 3:47, 6:73, 16:40, 19:35, 36:82. 40:68), ang Allah ay nagpahayag na Siya ay lilikha sa pamamagitan lamang ng salita o pag-uutos. Minsan, sa halip na tuwirang magutos, Ang Allah na ang gumagawa ng paraan para mangyari ito. Para sa tao, ang Allah ay nagpadala ng mg anghel upang huminga at bigyan sila ng buhay. Sa sitwasyon nina Adam at Hesus, ipinadala ng Allah si Gabriel upang ihinga ang buhay sa kanila. (Quran 15:29, 38:72).
Ibinuga ang buhay kay Adan sa araw ng Biyernes. Ang Propeta ay nagsabi, ‘Katotohanan, kabilang sa mga mainam na araw ay ang Biyernes. Sa araw na ito, si Adan ay nilikha, at sa araw ding ito siya ay namatay. Ganun din, sa araw na ito Hihipan ang Trumpeta at sa pagkabigla mamamatay ang lahat.’[5]
Pinaalis si Adan sa Paraiso at ibinaba sa Lupa sa araw ng Biyernes. Ito ang tanda nang pagsisimula ng pananagutan para sa sangkatauhan. Ang kasalanan ni Adan ay pinatawad sa araw ng Biyernes. Mula noon, siya at ang kanyang mga inapo ay magsisimula ng kanilang buhay na may malinis na talaan na pupunuan nila ng kanilang mga gawa, mabuti man o masama.
Kaugalian sa Pagbahin at Salam
Pagkatapos na ihinga ng Allah ang kaluluwa kay Adan, Itinuro Niya kay Adan ang asal sa pagbahin at pagbati. Sa pagpasok pa lamang ng kaluluwa sa kanyang katawan, bumahin si Adan at nagsabi, Alhamdu-lillah Rabbil-‘Alameen (Purihin ang Panginoon ng nilikha). Ang Allah ay tumugon, Yarhamu-kallah (Kahabagan ka nawa ng Allah)[6].
Sinabi ng Allah kay Adan na magtungo sa pangkat ng mga nakaupong anghel malayo sa kanya at bumati sa pamamagitan ng pagsasabi , ‘As-Salamu Alaikum’ (sumaiyo ang kapayapaan). Sila ay tumugon, ‘Alaykas-Salam wa-Rahmatullah’ (at suma inyo rin ang kapayapaan at habag ng Allah)[7].
Nakaraang Aralin: Ano ang Jihad?
Susunod na Aralin: Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)
- Ano ang Jihad?
- Si Propeta Adan (Adam) Pinagmulan ng Sangkatauhan (bahagi 1 ng 2)
- Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)
- Pagpapaliwanag sa kabanata ng Quran - Surah Az-Zalzalah
- Mga kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2)
- Pangangalaga ng Kapaligiran
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 1 ng 2)
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Pagpapatirapa ng Pagkalimot
- Pambungad sa Terminolohiya ng Hadith
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 1 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 3 ng 3)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 1 ng 2)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)
- Islamikong mga habilin at pamana (bahagi 1 ng 2)
- Islamikong mga Habilin at Pamana (bahagi 2 ng 2)
- Salaysay ng Propeta: Katapatan
- Pag Unawa sa Media Stereotyping
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1 of 2)
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1of 2)
- Sensitibong Usapinn (intimate Issues)
- Ang Islam ay nag simula na kakaiba