Naglo-load...

Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Dalawang-bahaging aralin sa paglikha kay Adan at sa mga sumunod na mga kaganapan. Ang Bahagi 2 ay tumatalakay sa mga pangyayari na nagbunsod sa kanyang pagkakapaalis mula sa Paraiso.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 02 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 108 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,601 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Layunin

·Upang malaman ang tungkol sa asawa ni Adan at kanyang mga anak.

·Upang malaman ang kautusan ng Allah kay Satanas sa pagpapatirapa kay Adan.

·Upang malaman at matutunan na sina Adan at Eva ay pinatawad at walang sinuman ang may tangan ng kasalanan ng iba.

·Upang maunawaan ang banta ni Satanas na iligaw ang sangkatauhan, kaya't kinakailangang maging magingat dito.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Iblees - Pangalan ni Satanas sa wikang Arabe.

·Jinn - Isang nilikha ng Allah mula sa apoy na walang usok bago pa man likhain ang tao. Sila ay itinuturing din kadalasan bilang mga ispirito, diwata, engkanto multo at marami pang iba.

·Taqwa - Pagkamangha o takot sa Allah, kabanalan, pag-alaala sa Diyos. Nagsasalarawan sa kamalayan sa Allah sa lahat ng bagay na ginagawa ng isang tao.

Ang Asawa ni Adan

Prophet_Adam_-_Beginning_of_Humankind_(part_2_of_2)._001.jpgMatapos lalangin si Adan, nilikha ng Allah ang kanyang asawa, Hawwa o Eva. Mula sa kanila, ang Allah ay nagkaloob ng mga tao. (Quran 49:13). Si Hawwa ay nilikha mula sa tadyang ni Adan. Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah ay nagsabi, “Pangalagaan mo ang kababaihan, sapagkat ang (unang) babae na nilikha ay mula sa baluktot na tadyang (ni Adan), at ang pinaka-baluktot na parte ng tadyang ay ang bandang itaas. Kapag pinilit mong ituwid ito, mababali mo ito sa pagtutuwid sa kanya, mababali mo ito at kung iiwanan mo ito, mananatili itong baluktot. Kaya't pangalagaan ang kababaihan.” (Bukhari)

Ang mga Anak ni Adan (Adam)

Matapos likhain si Adan, kinuha ng Allah ang lahat ng kanyang angkan mula sa kanyang gulugod (Quran 7:172). Ang Propeta ay nagsabi, “Nang nilikha ng Allah si Adan, hinagod Niya ang kanyang likod, nalaglag mula roon ang bawat tao na magiging supling ni Adan na Kayang lilikhain hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.”[1]

Inutusan ng Allah ang mga Anghel na Magpatirapa kay Adan

Ipinagutos ng Allah sa mga anghel na magpatirapa kay Adan matapos niyang bigyan ng hininga si Adan. Ang Allah ay nagsabi sa kanila,

“Nang matapos siyang mabigyan ng anyo (Adan) at hipan ang kanyang kaluluwa, magpatirapa kayo sa kanya.” (Quran 15:29, 38:72)

Matapos bigyan ng buhay si Adan, ipinagutos ng Allah sa mga anghel na magpatirapa sa kanya,

“(Alalahanin) nang Aming sinabi sa mga anghel, ‘Magpatirapa kayo kay Adan.’” (Quran 2:34, 17:61, 18:50, 20:116)

Nang ang Allah ay ma-utos sa mga anghel na magpatirapa kay Adan, si Satanas (o Iblees sa Arabik) ay kabilang sa kanila. Ang mga anghel ay agarang nagpatirapa, subalit si Iblees ay hindi tumalima (Quran 2:34, 20:116, 15:30-31). Ang kanyang unang kasalanan ay ang hindi pagsunod sa utos ng Allah na magpatirapa. Si Iblees ay hindi isang anghel (Quran 18:50); siya ay isang jinn ngunit nakikisalamuha sa mga anghel. Sa halip na magpakita ng pagsisisi at humingi ng tawad sa kanyang inasal, ang Allah ay nagsabi,

“Kaya't sila (mga anghel) ay nagpatirapa, maliban kay Iblees, na tumanggi, nagmataas, at (kaya) napabilang sa mga hindi naniniwala.” (Quran 2:34)

Binigyan siya ng Allah ng pagkakataong magsisi; gayunpaman, si Iblees ay lalong sumuway at naghimagsik. Upang bigyang-katwiran ang kanyang pagmamataas, si Satanas ay nagsabi na mas nakakahigit siya kay Adan sapagkat ang apoy ay higit na mainam kaysa sa luwad.

Pinalayas ng Allah si Iblees mula sa Paraiso bilang parusa.

Batid ni Iblees na siya ay mapaparusahan sa kanyang hindi pagsunod, ngunit siya ay humiling na iantala ang kanyang kaparusahan hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Pinagbigyan ng Allah ang kanyang kahilingan para sa isang dakilang karunungan.

Inihayag ni Iblees ang kanyang masamang balak na iligaw ang sangkatauhan. Ipinagyabang niya kay Allah,

“Si (Iblees) ay nagsabi, ‘Sapagkat inilagay mo ako sa kamalian, katiyakang haharangan ko sila (mga tao) tungo sa Inyong matuwid na landas. Katiyakang ako ay sasalakay mula sa kanilang harapan at mula sa kanilang likuran sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa, at karamihan sa kanila ay matatagpuan mong walang pasasalamat (sa Inyo).’” (Quran 7:16-17)

Sinisisi ni Iblees ang Allah sa kanyang kasawian, kahit na ang Allah ay hindi pumigil sa kanyang kalayaang pumili. Ang karunungan ng Allah ay nag-uutos na si Iblees ay maging "instrumento' bilang pagsubok sa sangkatauhan at siya ay binigyan ng pambihirang kapangyarihan sa mga tao, subalit ang kanyang limistayon ay hindi niya magagapi ang mga totoong alipin ng Allah.

Pinahintulutan ng Allah si Iblees na ipagpatuloy ang kanyang balak. kapag natapos na niya ang kanyang masamang pakana, siya ay mananahan sa Impiyerno kasama ng kanya mga kampon mula sa mga jinn at tao (Quran 7:18).

Sina Adan at Hawwa sa Paraiso

Hinayaan ng Allah sina Adan at Eva na manahan sa Paraiso, ang pinakamainam na tirahan. Pinahintulutan Niya sila na magtamasa ng walang patid na kasaganahan doon. Gayunpaman, pinagbawalan sila ng Allah na kainin ang isang partikular na prutas,

“Aming sinabi, ‘O Adan, mamalagi, ikaw at ang iyong asawa, sa Paraiso, at kumain ng anumang nais mula sa kasaganahang naroroon. Ngunit huwag lalapitan ang punong ito, baka ikaw ay mapabilang sa mga masasama.’” (Quran 2:35)

Di-naglaon pagkatapos na si Adan at Hawwa ay nagsimulang manirahan sa Paraiso, pinakawalan ni Satanas ang kanyang mapanuksong panlilinlang sa kanila. Inosente ang dalawa at walang alam sa kasinungalingan at panlilinlang. Nagsagawa si Satanas ng huwad na panunumpa at ginamit ang kanilang kamangmangan sa kanyang sariling kapakinabangan. Iminungkahi sa kanila ni Satanas na matutulad sila sa mga anghel o mabubuhay magpakailanman sa Paraiso. Sina Adan at Hawwa ay dinaig ng pagnanasa at nahulog sa patibong ni Satanas at kumain mula sa ipinagbabawal na puno. Matapos nilang gawin iyon, ang kanilang pribadong bahagi ng katawan ay nalantad (Quran 2:36).Ang mabilis na resulta ng kanilang pagsuway ay ang pagtanggal ng espirituwal na damit ng taqwa, kaya sila ay pinarusahan sa pamamagitan ng pagkawala ng mga pisikal na kasuotan na tumatakip sa kanilang mga pribadong bahagi.

Sila ay pinarusahan sa pamamagitan ng pagkawala ng mga pisikal na kasuotan na tumatakip sa kanilang mga pribadong bahagi.

Unang tinukso ni Satanas si Hawwa at pagkatapos ay hinikayat niya si Adan na kumain mula sa ipinagbabawal na puno (ayon sa mga ulat nina Bukhari at Muslim).

Matapos akitin ni Satanas ang mag-asawa na suwayin ang Allah, sila ay pinalayas sa Paraiso upang mamuhay sa Mundo, na susundan ng kamatayan at muling pagkabuhay.

Nang mapagtanto nina Adan at Hawwa ang labis nilang pagkakasala, pinangsisihan nila ito at humingi ng tawad sa Allah. Ang kanilang naging pag-uugali sa nagawa nilang kasalanan ay lubhang malaki ang pagkakaiba kay Satanas. Sinisi ni Satanas ang kanyang Panginoon sa kanyang pagsuway at pagtanggi na magpamalas ng pagsisisi.

Ipinakita ng Allah ang pamamaraan ng paghingi ng tawad sa pamamagitan ng pagturo ng ilang mga salita upang ihayag ito. Ang mga salitang sinabi ni Adan at ng kanyang asawa ay:,

“Aming Panginoon, kami ay nagkamali sa aming mga sarili at maliban sa gawaran Mo kami ng kapatawaran at ipagkaloob ang habag sa amin, tunay na kami ay mapapabilang sa mga talunan.” (Quran 7:23)

Ang pinakamainam na paraan upang humingi ng tawad ay kilalanin ang pagkakasala at pagkakamali. Itinuro ng Allah kina Adan at Hawwa kung paano sabihin ang paghingi ng tawad.

Tinanggap ng Allah ang kanilang paghingi ng kapatawaran at sinabi sa kanila na ang tao ay kailangang mamalagi sa Mundo. Tanging ang gumagawa ng kabutihan ang siyang papapasukin sa Paraiso.



Talababa:

[1] Tirmidhi

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.