Naglo-load...

Mga Kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Dalawang aralin tungkol sa mga katangian at paguugali ni Propeta Muhammad bago at pagkatapos niyang maging propeta ng Allah.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 02 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 85 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,668 (pang-araw-araw na average: 2)


Mga Layunin

·Upang malaman ang pagiging makatotohanan, katapangan, pagka-makatarungan, kabaitan, katapatan, at kababaang-loob ni Propeta Muhammad.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Salah - ay salitang Arabe na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang mananampalataya at ng Allah. Higit pa rito, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang araw-araw na pormal na pagdarasal na siyang pinakamahalagang uri ng pagsamba.

·Masjid - ang Arabikong terminolohiya para sa mosque.

Katapatan

Si Aisha, asawa ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:

“Ang pag-uugali at katangian na lubhang hindi nagugustuhan ng Propeta ay pagsisinungaling. Kapag may isang tao na nagsasabi ng isang kasinungalingan sa harapan ng Propeta ay pinanghahawakan niya ito laban sa kanya, haggang sa malaman niyang pinagsisihan na niya ito.”[1]

Kamangha-manghang maging ang kanyang mga kalaban ay nagpapatotoo sa kanyang katapatan. Si Abu Jahl, isa sa mga matinding kalaban ng Islam, ay nagsabi: “O Muhammad! Hindi ko sinasabing ikaw ay sinungaling! Tinatanggihan ko lamang ang dala-dala mo at ang ipinapanawagan mo sa mga tao.” Ang Allah ay nagsabi:

“Katotohanang batid namin ang dalamhati na idinudulot ng kanilang salita sa iyo, katiyakang hindi nila ikaw matatawag na sinungaling; ngunit silang mga hindi makatarungan ang nagtatakwil sa mga talata ng Allah.” (Quran 6:33)

Matapang at Magiting

Si Ali ay nagsabi:

“Kung nakita mo lamang siya sa Araw ng Badr! Kami ay kumanlong sa Sugo ng Allah. Siya ang pinakamalapit sa amin sa mga kaaway. Sa araw na iyon, Ang Sugo ng Allah ang siyang pinakamalakas sa amin.”[2]

Si Anas, na nagsasabi tungkol sa kanyang katapangan sa sandali ng kapayapaan, ay nagwika:

“Ang Sugo ng Allah ang pinakamahusay na tao at ang pinaka-magiting. Isang gabi, ang mga taga-Madina ay natakot at nagsipuntahan sa pinanggalingan ng mga tunog na kanilang narinig sa gabi. Sinalubong sila ng Sugo ng Allah matapos manggaling sa pinangalingan ng tunog, tiniyak niyang walang anumang problema. Nakasakay siya sa kabayo na pag-aari ni Abu Talha nang walang anumang upuan, at dala niya ang kanyang espada. Sinisiguro niya sa mga tao, nagsasabing: ‘Huwag matakot! Huwag matakot!”[3]

Nakita siya ng mga tao na nakasakay sa kabayo na walang upuan, at dala niya ang kanyang espada. Nanguna siya at hindi na naghihintay pa sa iba upang siyasatin ang pinanggalingan ng gulo.

Katarungan at Katapatan

Ang Sugo ng Allah ay makatarungan sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay at sa paggamit ng relihiyon. Sinabi ni Aisha:

“Ang mga Quraish ay labis na nag aalala tungkol sa isang babae mula sa tribo ng Makhzum na nagnakaw. Habang tinatanong ang kanilang mga sarili, sila ay nagsabi, ‘Sino ang maaaring mamagitan para sa kanya sa Sugo ng Allah?’

Sa wakas ay sinabi nila: ‘Sino ang may lakas ng loob na makipag-usap sa Sugo ng Allah sa bagay na ito maliban kay Usama, ang anak ni Zaid, ang pinakamamahal na batang lalake ng Sugo ng Allah.’ Kaya't nakipag usap si Usama sa Sugo ng Allah hinggil sa babae. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:

‘O Usama! namamagitan ka ba (para sa kanila upang pabayaan) sa isa sa mga kaparusahan ng Allah!’

Tumayo ang Sugo ng Allah at nagbigay ng talumpati, nagsasabing:

‘Ang mga tao bago pa kayo ay nilipol dahil kapag ang marangal sa kanila ay nagnakaw, ay pakakawalan nila siya at kapag ang mahirap at mahina ay nagnakaw ay pinaparusahan nila. Sumpa man sa Allah! Kung si Fatima, anak ni Muhammad ay magnakaw, puputulin ko ang kanyang kamay.’”[4]

Sa masidhi niyang pagkamakatarungan ay pinahintulutan niya ang iba na maghinganti sa kanya kung nasaktan niya sila. Si Usaid, anak ni Hudhair, ay nagsabi:

“Isang lalake mula sa mga Ansar, ay nagpatawa sa mga tao at napatawa niya sila, at ang Propeta ay hindi sinasadyang nahampas siya ng bahagya ng isang sanga ng kahoy na kanyang dala-dala.

Napasigaw ang lalaki: ‘O Propeta ng Allah! Hayaan mong maipaghiganti ko ang aking sarili!’

Ang Propeta ay nagsabi: ‘Sige lang!’

Ang lalaki ay nagsabi: ‘O Sugo ng Allah, ikaw ay may suot na damit, at ako ay wala nang nahampas mo ako (i.e. nahampas mo ang nakalantad kong balat, kaya't patas lamang kung gagawin ko rin ito sa iyo)!’

Ang Sugo ng Allah ay iniangat ang kanyang damit pang-itaas(upang ilantad ang isang bahagi), at ang Ansari hinalikan (lamang) ito, at nagsabing: ‘nais ko lamang gawin ito, O Sugo ng Allah!’”[5]

Kabaitan at Pagkamahabagin

Ang Propeta ang pinakamabait sa mga tao at ito ay makikita sa kanyang pakikitungo sa mga bata.

“Ang Sugo ng Allah ay nagsagawa ng salah (pagdarasal) habang may dala-dala siyang bata na nagngangalang Umama, anak ni Abul-Aas. kapag siya ay yuyuko, inilalagay niya siya sa sahig, at kapag tatayo, kukunin niya itong muli.”[6]

Katapatan

Ang Propeta ay tunay at tapat sa lahat ng bagay, ang Allah ay pinag-utusan siya sa Quran:

“Sabihin mo, katotohanan, ang aking panalangin, ang aking mga sakripisyo, ang aking buhay at kamatayan ay para sa Allah, Panginoon ng mga mundo. Wala Siyang katambal. At ito ang ipinag-utos sa akin at ako ang una (sa inyo) sa mga Muslim.” (Quran 6:162-163)

Kababaang-loob

Ang Sugo ng Allah ang pinaka mapag-pakumbabang tao. Siya ay napakababa ng loob na kung ang isang dayo ay papasok sa mosque at lalapitan siya habang nakaupo kasama ng mga Kasamahan, ay hindi mo makikilala siya sa iba. Si Anas ay nagsabi:

“Minsan, habang kami ay nakaupo kasama ng Sugo ng Allah sa masjid, isang lalaking nakasakay sa kamelyo ay lumapit. Pagkatapos niyang itali ito, siya ay nagtanong: ‘Sino sa inyo si Muhammad?’ Ang Sugo ng Allah ay nakaupo sa sahig habang nakahilig, kasama ng kanyang mga Kasamahan. Itinuro namin sa Bedouin, nagsasabing: ‘Ang nakaputing lalaki na nakahilig sa sahig!’ Ang Propeta ay hindi naiiba o iniiba ang sarili mula sa kanyang mga Kasamahan.”

Ang Propeta ay hindi nag-aalinlangan sa pagtulong sa mahihirap, nangagailangan at mga balo sa kanilang pangangailangan. Si Anas ay nagsabi:

“Isang babae na taga-Madina na may bahagyang problema sa pag-iisip ay nagsabi sa Propeta: ‘May nais akong hilingin sa iyo [ang iyong tulong] tungkol sa isang bagay.’ Tinulungan niya siya at ibinigay ang kanyang mga pangangailangan.”[7]



Talababa:

[1] Tirmidhi

[2] Ahmed

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Saheeh Al-Bukhari

[5] Abu Dawud

[6] Saheeh Al-Bukhari

[7] Saheeh Al-Bukhari

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Mga Kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.