Naglo-load...

Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 2 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Isang mas detalyadong pagpapaliwanag ng mga paraan ng kaparusahan at paliwanag sa mga layunin ng sistema ng pagpaparusa sa Islam.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 02 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 74 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,749 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang malaman ang tungkol sa mga ipinag-uutos na mga kaparusahan para sa hadd na mga krimen, pagpaparusa, at mga kaparusahang pinagpapasyahan.

·Upang malaman ang tungkol sa tatlong layunin ng sistema ng pagpaparusa sa Islam.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Hadd - Takdang mga kaparusahan.

·Shubha - walang katiyakan.

·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.

Mga Uri ng mga kaparusahan sa Islamikong Batas

1-Ipinag-utos na mga Kaparusahan sa Hadd na mga Krimen

Crime_and_Punishment_in_Islam_(Part_2_of_2)._001.jpgAng Hadd na mga krimen ay tinukoy bilang mga takdang pagkakasala, mga ipinag-uutos na kaparusahan batay sa Quran o sa Sunnah ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Pangunahing layunin sa pagtatatag ng pagpapapsya sa mga kaparusahang ito ay upang mahadlangan ang mga gawaing nakakapinsala sa lipunan.

Isang natatanging katangian ng batas sa mga krimeng hadd na ang doktrina ay ginawang lubhang mahirap bago makakuha ng hatol. Ito ay nakakamit sa pamamagitan ng tatlong mga kadahilanan:

(1)Mahigpit na panuntunan ng katibayan upang patunayan ang mga krimeng ito.

(2)Malawakang paggamit ng paniniwala sa shubha (walang katiyakan) sa pagtukoy ng mga krimen upang ipagpaliban ang mga mahigpit na parusa sa kadalasang mga pangyayari.

(3)Nililimitahan ang kahulugan ng mga krimen na nagtataglay ng mahigpit na mga kaparusahan upang ang katulad na mga paglabag ay mauwi na labas sa saklaw nito at hindi mapanagot sa mga parusang nakatakda, ngunit sa kapasyahan lamang ng hukom.

Ang mga krimen na may takdang mga parusa ay ang:

·Pagnanakaw

·Nakawan sa Lansangan

·Labag sa batas na pagtatalik

·Walang batayang paratang ng labag sa batas na pakikipagtalik (paninirang-puri, maling paratang, pagbibintang)

·Pag inom ng alak

·Pagtalikod sa Pananampalataya

Ang Apostasiya ay tinutukoy bilang pahayag ng isang Muslim na naglalahad o nagsasagawa ng isang aksyon na pagtalikod sa Islam. Ang kaparusahang ito ay bilang lunas sa mga problemang lumitaw noong kapanahunan ni Propeta Muhammad. Ilang grupo ng mga mapagkunwari ang nagpapahayag sa publiko ng pagyakap sa Islam at pagkatapos ay iniiwanan ito upang gumawa ng kaguluhan sa mga mananampalataya at himukin ang mga karaniwang tao na pagdudahan ang pananampalataya. Ang Quran ay inihayag ang pangyayaring ito:

“Isang pangkat mula sa mga Tao ng Kasulatan ay nagsabi: ‘Paniwalaan ninyo ang anuman na ipinahayag sa mga naniwala sa simula ng araw, at talikuran ninyo ito sa pagtatapos ng araw, nang sa gayon ay magkaroon sila ng pagdududa at magbalik sa dati nilang paniniwala.’” (Quran 3:72)

Ang itinagubilin na parusa para sa apostasiya o pagtalikod sa paniniwala ay itinatag upang hadlangan ang ganoong mga paguugali.

2-Paghihiganti

Ito ay isang uri rin ng pagpaparusa sa Islamikong Batas. Ang may sala sa krimen ay pinarurusahan ng kaparehong pinsala na kanyang nagawa sa biktima. Ang kriminal ay pinapatay kapag ang kriminal ay napatay ang biktima. Kung nasaktan niya o napinsala ang braso ng biktima, kung gayon ang sarili nitong braso ay puputulin o pipinsalain kung kinakailangan na hindi na kinikitil pa ang buhay ng kriminal. Ang mga dalubhasa ang siyang nagpapasya hinggil dito.

3-Diskrisyunaryong Pagpaparusa

Ito ay ang mga kaparusahang hindi takda sa Islamikong Batas. ito ay para sa mga krimen na alinman sa lumalabag sa mga karapatan ng Allah o sa mga karapatan ng isang indibidwal, ngunit walang takdang mga kaparusahan o nailatag na mga kabayaran sa teksto ng Quran o sa Sunnah. Ang mga ito ang pinaka-nai-aakmang uri ng kaparusahan dahil kinukunsidera nito ang mga pangangailangan ng lipunan at nagbabagong mga kundisyon. Tinukoy ng Islamikong Batas ang ibat-ibang uri diskrisyunaryong mga parusa mula sa pangangaralan hanggang sa paghagupit, magmumulta, at pagkakakulong.

Mga Layunin ng Islamikong Sistema ng Pagpaparusa

Unang Layunin: Nais ng Islam na mapangalagaan ang lipunan sa krimen. Ang laganap na pag-u-ugaling kriminal ay nagdudulot sa lipunan ng pagiging hindi ligtas na pamumuhay at inilalagay sa panganib ang kaligtasan ng buhay kung hindi siniyasat. Ang Islam ay naglalayong magtatag ng panlipunang pagkakaisa at katiwasayan, na nagpapalaganap ng kapayapaan. Ito ay may batas na may mga kaparusahan na ginawa upang pigilan ang krimen. Ang layuning ito ay binanggit sa sumusunod na talata na tumatalakay sa paghihiganti at ang epekto nito sa lipunan:

“Mayroong (pangangalaga ng) buhay sa paghihigantil, O kayong mga tao na may pag-unawa, upang kayo'y maging matuwid.” (Quran 2:179)

Magdadalawang-isip ang isang kriminal kung malalaman niya ang hindi magandang kahihinatnan ng kanyang krimen. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kaparusahan ang pipigil sa kriminal upang umiwas sa paggawa ng krimen sa dalawang paraan:

a)Ang kriminal na naparusahan na dati ay malamang na hindi na ulitin pa ang nagawang krimen.

b)Para naman sa lipunan, ang kanilang kabatiran sa resulta ng kaparusahan ay magpapa-iwas sa kanila sa pagkakasangkot sa krimen.

Upang maiwasan ang pag-uugaling kriminal, ipinag-uutos ng Islam na ihayag sa publiko kung kailan isasagawa ang pagpaparusa batay sa talata ng Quran:

“…Ang pangkat ng mga mananampalataya ay dapat masaksihan ang pagpaparusa.” (Quran 24:2)

Ikalawang Layunin: nais lamang talaga ng Islam magbago ang kriminal. Madalas na binabanggit ng Quran ang pagsisisi kaugnay ng mga krimen upang ipabatid ang katotohanan na ang pintuan ng pagsisisi ay laging bukas. Sa ilang sitwasyon, ginawang dahilan ng Islam ang pagsisisi para ipawalang-bisa ang takdang parusa. Halimbawa, bilang pagtukoy sa kaparusahan sa nakawan sa lansangan (highway robbery), ang Allah ay nagsbi sa Quran:

“…maliban sa mga nagsisisi bago mo sila mahuli. Kung gayon ay ipabatid na ang Allah ay ang Nagpapatawad, ang Maawain.” (Quran 5:34)

Ang Allah ay nagsabi tungkol sa parusa para sa pakikiapid:

“Kung sila ay parehong magsisi at inayos ang kanilang mga sarili, kung gayon ay hayaan sila. Katiyakan, ang Allah ang Tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.” (Quran 4:16)

Sinabi ng Allah matapos banggitin ang parusa para sa maling paratang:

“… maliban sa yaong mga nagsisisi pagkatapos at nagsasagawa ng pagbabago, kung gayon ay kaotohananh ang Allah ang Nagpapatawad, ang Maawain.”

Sinabi rin ng Allah matapos baggitin ang mga kautusan sa parusa sa pagnanakaw:

“Sinuman ang magsisi pagkatapos ng kanyang kasalanan at gumawa ng mga pagbabago, kung gayon ay katotohanan na ang Allah ay tatanggapin ang kanyang pagsisisi at katotohanan ang Diyos ay ang Nagpapatawad, ang Maawain.” (Quran 5:39)

Ang layuning ito ay mas nauukol sa diskrisyunaryong mga pagpaparusa kung saan isinasaalang-alang ng hukom ang mga kalagayan ng kriminal at kung paano masisiguro ang kanyang pagbabago.

Ikatlong Layunin: Ang parusa ay ang kabayaran para sa krimen. Hindi kanais-nais na pakitunguhan ng magaan ang isang kriminal na pinagbabantaan ang seguridad ng lipunan. Nararapat lamang makamit ng kriminal ang kanyang makatarungang kabayaran. Karapatan ng lipunan at ng mga inbidwal na miyembro nito na maging ligtas. Ang Quran ay nagbanggit sa layuning ito kaugnay sa bilang ng mga kaparusahan. Halimbawa, ang Allah ay nagsabi:

“Ang mga magnanakaw, lalaki at babae, putulin ang kanilang mga kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa...” (Quran 5:38)

“Ang kabayaran sa mga yaong nagtaguyod ng marahas na pagsuway laban sa Allah at sa Kanyang Sugo at nagpatuloy sa pagpapakalat ng katiwalian sa Lupa ay nararapat patayin o ipako sa krus o ang kanilang mga kamay at paa ay dapat putulin na magkakahalili o sila ay ipatapon sa ibang lugar.…” (Quran 5:33)

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 2 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.