Kuwento ng Paglikha (bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Ang unang aralin na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng paglikha mula sa perspektibo ng Islamikong cosmolohiya, kinikilalala na ang Allah ang nag-iisang Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Sinasabi rin sa araling ito ang tungkol sa pagsasalarawan ng Kahanga-hangang Trono at ang Luklukan.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 03 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 91 - Nag-email: 0 - Nakakita: 12,991 (pang-araw-araw na average: 5)
Mga Layunin
·Upang pahalagahan na nilikha ng Allah ang lahat.
·Upang malaman ang tungkol sa paglalarawan sa Trono.
·Upang malaman ang tungkol sa paglalarawan sa Luklukan.
Mga Terminolohiyang Arabik
. Arsh - Trono
·Kursi - Luklukan.
·As-sama ad-dunya - Ang unang Kalangitan.
·Firdaws - Ang mataas na bahagi ng Paraiso.
·Surah – Kabanata ng Quran.
Ang Allah ang Lumikha ng Lahat ng Bagay
Paano nga ba nagsimula ang lahat ng ito? Allah. Wala nang iba. Ang Propeta ng Islam ay tinanong, “O Sugo ng Allah, Nasaan ang ating Panginoon bago Niya nilikha ang Kanyang mga nilikha ?” Sinabi niya: “Walang anumang umiiral maliban sa Kanya, walang nasa ilalim Niya at walang nasa ibabaw Niya.”[1]
Isipin kung gaano kahanga-hanga iyon, nais nitong ipabatid na walang anumang bagay kundi ang Allah na Siyang karapatdapat; ang nilikha ay nangangailangan sa Allah at wala nang iba dahil sa simula pa lang ay nandoon na ang Allah at wala nang iba pa.
Ang Allah ay nagsabi sa Quran:
“Ang Allah ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay at Siya ang Tagapangalaga sa lahat ng bagay.” (Quran 39:62)
Kaya lahat ng bagay maliban sa Allah ay nilikha Niya, nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan at ng Kanyang pamamahala, at sinanhi Niyang umiral ito.
Si Jubayr, kasabayan ni Propeta Muhammad ay inilarawan ang kanyang sarili, na sinabi, “Isa ako sa pinakamatinding kalaban ng Propeta,” at sinabi niya, “galit ako sa kanya higit kaninuman dito sa mundo,” ngunit may kakaibang nangyari. “Isang pagkakataon ako ay napadaan sa moske at narinig ang Propeta na dinadalit ang talata mula sa Surah at-Toor (Quran 52:35-36), ‘Sila ba ay nilikha mula sa kawalan o sila mismo ang nagmumungkahi na sila ang mga tagalikha? O nilikha ba nila ang langit at ang lupa? Sa halip wala silang ideya, sila ay nasa kalituhan!’”
Sinabi ni Jubayr na sa sandaling iyon habang sinasabi iyon ng Propeta, kahit na hindi pa man niya opisyal na tinatanggap ang Islam hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay, “ang pananampalataya ay pumasok na sa kanyang puso. Alam ko sa puntong iyon na talagang walang paraan na paniwalaang walang Diyos!”
Kung mauupo ka sa isang sulok at tanggalin ang mga posibilidad kung paano tayo at lahat ng iba pa sa paligid natin ay narito, matutuklasan mo na walang ibang paraan upang ipaliwanag ito maliban kay Allah.
Paglikha sa Tubig at sa Throne (Arsh)
Si Propeta Muhammad ay nagsabi: “Walang umiral kundi Siya, na walang nasa ilalim Niya o nasa ibabaw Niya. Pagkatapos ay nilikha Niya ang Kanyang Trono sa ibabaw ng tubig.”[2]
Sinasabi sa atin ng Propeta na nauna ang Allah at wala ng iba pa. Pagkatapos, nilikha Niya ang tubig at ang Trono (Arsh). Nilikha sila hindi ng sinumang mga anghel at nilikha bago pa ang paglikha sa mga kalangitan at kalupaan. Si Propeta Muhammad ay nagsabi, “Nandoon na ang Allah, at walang sinuman ang kasama Niya, at ang Kanyang Trono ay nasa ibabaw ng tubig. Isinulat Niya ang lahat ng bagay sa Aklat (sa kalangitan) at nilikha Niya ang mga kalangitan at kalupaan.”[3] Lahat ng mga bituin, mga planeta, mga kalawakan ay nasa ilalim ng “unang kalangitan” (As-sama ad-dunya).
Maraming beses na binanggit ng Diyos sa Quran na siya ang Panginoon ng Maluwalhating Trono, dahil ito ay isa sa mga nangunguna sa lahat at pinaka-kahanga-hanga sa kanyang mga nilikha.
Paglalarawan sa Trono
1. Nilikha ng Allah ang Trono sa Ibabaw ng Tubig
Ang Allah ay nagsabi, “At Siya ang lumikha ng langit at lupa sa loob ng anim na araw at ang kanyang trono ay nasa tubig.” (Quran 11:7)
2. Ang Trono ay ang Bubong ng Paraiso
Ang propeta ay nagsabi: “Kung hihiling ka kay Allah, kung gayon ay hilingin mo sa Kanya ang (Paraiso ng) Firdaws, dahil ito ang pinakamataas na bahagi ng Paraiso, at sa ibabaw nito ay ang Trono ng Pinaka-Mahabagin, at mula dito ay dumadaloy ang mga ilog sa Paraiso.”[4]
3. Ang Trono ay nasa Ibabaw ng mga Kalangitan at sa Ibabaw ng Lahat ng Nilikha
Si Abdullah Ibn Masud, isang Kasamahan ng Propeta, ay nagsabi, "Sa pagitan ng pinakamababang langit at ang isa pagkatapos nito ay nasa layong limang daang taon, at sa pagitan ng bawat dalawang kalangitan ay may layo na limang daang taon, at sa pagitang ng ika-pitong langit at ng Kursi ay nasa layo na limang daang taon, at sa pagitan ng Kursi at ng tubig ay may layo na limang daang taon, at ang Trono (Arsh) ay nasa ibabaw ng tubig. Ang Allah, ang Pinaka-Makapangyarihan, ay nasa ibabaw ng Trono. At walang mga gawa ninyo ang maitatago sa Allah.”[5]
4. Ang Trono ay may mga Haligi
Ang propeta ay nagsabi: “Mawawalan ng malay ang mga tao sa Araw ng Pagbabangong-Muli at ako ang unang magkakaroon ng malay, at masdan, Makikita ko si Musa na nakakapit sa mga haligi ng Trono. Hindi ko alam kung nauna siyang nagkamalay sa akin o di nasali dahil sa pagkawalang-malay niya sa bundok ng Toor (sa Sinai).”[6])
5. Mga Anghel na Nagbubuhat Nito
Ang Allah ay nagsabi: “Ang mga (anghel) na nagbubuhat ng Trono at ang mga nasa palibot nito ay niluluwalhati ang papuri sa kanilang Panginoon.”(Quran 40:7)
Sinabi rin Niya: “At ang mga anghel ay nasa mga gilid nito, at ang walong mga anghel, sa Araw na iyon, ay buhat-buhat ang Trono ng inyong Panginoon .” (Quran 69:17)
Bukod dito, binabanggit ng Allah ang mga dakilang anghel na nagbubuhat ng Trono. Sila ay malalaki't maririlag na mga nilalang mula sa mga mainam na anghel ng Allah. Sa Araw ng Paghuhukom, binabanggit sa atin ng Allah na mayroong walong mga anghel na nagbubuhat ng kanyang Trono (Quran 69:17). Ang Propeta ay nagsabi, “Pinahintulutan akong sabihin ang tungkol sa isa sa mga anghel ng Allah, ang Makapangyarihan, ang Pinaka-Malakas, na isa sa mga taga-buhat ng Trono at (upang sabihin sa inyo) na ang layo sa pagitan ng kanyang tainga at balikat ay pitong-daang taon na paglalakbay.” (Abu Dawud) Isinalaysay din sa pananalitang ito, “Ang layo ay (katulad) ng pitong-daang taon na paglipad ng isang ibon.”[7]
Ipinapahayag sa atin ng Diyos na ang mga anghel na iyon na nagbubuhat ng Kanyang Trono at ang mga nasa paligid nito ay lumuluwalhati ng papuri sa Kanya, at humihiling ng kapatawaran para sa mga naniniwala. Sila ay nananalangin para sa kanila na nagsasabing “Aming Panginoon, saklaw mo ang lahat ng bagay ng Inyong awa at kaalaman, kaya't patawarin yaong mga nagsisisi at sumunod sa Inyong landas at pangalagaan sila mula sa kaparusahan sa Impiyernong-apoy.” (Quran 40:7)
Niluluwalhati nila ang Allah at ipinapahayag ang Kanyang pagiging ganap upang ipakita na Siya ay malaya sa Trono at malaya sa mga nagbubuhat nito. Ang Allah ay hindi nangangailangan ng Trono o kailangan ang mga nagbubuhat ng Trono.
Ang Luklukan (Kursi)
Ang Kursi ay isang luklukan na katulad ng isang hagdanan sa Trono at ang Allah ay nasa ibabaw ng Trono, subalit walang anumang bagay ang naitatago sa Kanya.
Ang Kursi, ang Luklukan, lamang ay nagtataglay ng lahat ng kalangitnan at kalupaan sa ilalim nito (Quran 2:255). Si Propeta Muhammad ay nagsabi, “Ang Luklukan bilang kaugnay ng Trono ay hindi hihigit sa isang singsing na bakal na inihagis sa malawak na disyerto sa mundo.” (Tafsir Tabari) Walang anumang palatandaan kung gaano kadakila ang Trono sa laki nito at malinaw na hindi natin matatantiya ang kadakilaan ng Allah mismo.
Hindi malayo ang Allah; Binibigyang diin niya sa buong Quran na kasama Niya tayo saan man tayo naroon. Sa Surah al-Hadid (Kabanata 57), pagkatapos sabihin ng Allah na Siya ay umakyat sa Kanyang Trono, Sinasabi niya sa atin na alam Niya ang lahat ng bagay na pumapasok at lumalabas sa lupa, lahat ng bagay na bumababa mula sa langit at kung ano ang umaakyat dito, sa madaling salita, Alam niya ang pinakamaliit na detalye ng lahat ng bagay (Quran 57:4). Alam nating si Allah ay nasa itaas ng Kanyang Trono, ngunit Siya ay Makapangyarihan at ang Kanyang kaalaman ay sumasaklaw sa lahat.
Talababa:
[1] Ibinilang na sahih ni Tabari at hasan ni Tirmidhi, Dhahabi at Ibn Taimiyya, Tirmidhi, Abu Daud
[2] Tirmidhi, Ibn Majah
[3] Saheeh Al-Bukhari
[4] Al-Bukhari, Musnad
[5] “al-`Adhamah” ni Abu Ash-Shaykh al-Asbahani, “Al-Mujalasah wa Jawahir Al-`Ilm” ni Ahmad ad-Daynuri, “An-Naqd” ni Ad-Darimi, “Sharh I`tiqad Ahl AsSunnah wal Jama`ah” ni Al-Lalikai, “Ithbat Sifat Al-Ulu” ni Ibn Qudama.
[6] Saheeh Al- Bukhari
[7] Ibn Abi 'Asim
Nakaraang Aralin: Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 3 ng 3)
Susunod na Aralin: Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)
- Ano ang Jihad?
- Si Propeta Adan (Adam) Pinagmulan ng Sangkatauhan (bahagi 1 ng 2)
- Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)
- Pagpapaliwanag sa kabanata ng Quran - Surah Az-Zalzalah
- Mga kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2)
- Pangangalaga ng Kapaligiran
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 1 ng 2)
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Pagpapatirapa ng Pagkalimot
- Pambungad sa Terminolohiya ng Hadith
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 1 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 3 ng 3)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 1 ng 2)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)
- Islamikong mga habilin at pamana (bahagi 1 ng 2)
- Islamikong mga Habilin at Pamana (bahagi 2 ng 2)
- Salaysay ng Propeta: Katapatan
- Pag Unawa sa Media Stereotyping
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1 of 2)
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1of 2)
- Sensitibong Usapinn (intimate Issues)
- Ang Islam ay nag simula na kakaiba