Islamikong mga Habilin at Pamana (bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Ang pangalawang mga tagapagmana, ang mga hindi magmamana at ang pagsusulat ng huling habilin.
Ni Aisha Stacey (© 2017 IslamReligion.com)
Nai-publish sa 04 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 87 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,533 (pang-araw-araw na average: 2)
Mga layunin
·Upang maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng mga maaaring magmana at ang mga maaaring makatanggap ng isang pamana. Upang maintindihan na ang pagsulat ng isang legal na dokumento ay maaaring maging kumplikado kung kaya't ang paghingi ng payo ay kapaki-pakinabang.
Mga Terminolohiyang Arabe
·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.
·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.
·Al-wasiyah – Ito ang Arabikong termino para sa Islamikong habilin. Nagbabahagi ito ng hanggang sa 1/3rd ng ari-arian ng namatay. Ang habilin sa pamana ay hindi dapat ibigay para sa mga may karapatan na magmana.
·Shariah – Batas ng Islam
Ang Pangalawang mga Tagapagmana
Pagkatapos ng pangunahing mga tagapagmana ay kasunod ang kategorya na tinatawag na pangalawang mga tagapagmana. Sila ay magmamana sa kawalan ng isa o higit pa sa mga pangunahing tagapagmana. Sila ay nakalista alinsunod sa kagustuhan.
·Paternal na (mga) apong lalaki, paternal na (mga) apong babae
·Mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae
·Kapatid na lalaki sa ibang magulang at kapatid na babae sa ibang magulang
·Paternal na lolo
·Anak na lalake ng kapatid na lalake
·Anak na lalake ng Paternal na kapatid na lalake
·Paternal na Tiyuhin (kapatid na lalake ng ama)
Ang mga Hindi Magmamana
Ang mga kategoryang ito ng mga tao, kahit hindi tagapagmana, ay maaaring makinabang sa al-wasiyah.
1.Ampon
2.Mga Hindi-Muslim. Sinabi ni Propeta Muhammad na ang isang mananampalataya ay hindi maaaring magmana mula sa isang di-mananampalataya at ang di-mananampalataya ay hindi maaaring magmana mula sa isang mananampalataya.[1]
3.Ang mga anak ng anak na babae ng namatay.
4.Ang mga anak ng kapatid na babae ng namatay.
5.Ang mga anak na babae ng kapatid na lalake ng namatay.
6.Ang mga anak ng maternal na kapatid sa ibang magulang.
7.Ang kapatid na lalaki ng ina ng namatay.
8.Ang kapatid na babae ng ama ng namatay.
9.Sinuman at lahat ng mga in-laws.
10.Mga kaanak na tinatawag na ‘step’ (i.e. na hindi kabahagi sa mga magulang sa kapanganakan ng namatay.)
11.Dating asawa o dating mga asawa.
Ang isang mamamatay-tao ay hindi maaaring magmana o makatanggap ng isang pamana mula sa taong pinatay niya.
Ang isang anak sa labas ay makakatanggap lamang ng mana mula sa ina.
Mga Kumplikasyon
Sa ilang mga lugar sa buong mundo ay hindi karaniwan para sa mga magulang na itakwil ang isa o higit pa sa kanilang mga anak. Kadalasan ang habilin ay sinusulat upang makita na ang ilang mga tagapagmana ay hindi magkakaroon ng bahagi kailanman mula sa ari-arian ng namatay. Ito ay isang bagay na hindi pinahihintulutan ng Islam. Ang mga tagapagmana ay tinutukoy ng Allah at walang sinuman ang may kapamahalaan na pigilan ang mga tagubilin na ito. Hindi pinapayagan ang isang tao na pagkaitan ang isang karapatdapat na tagapagmana mula sa kanyang mana. Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi na hindi papapasukin ng Allah sa Paraiso ang sinumang nagtatangkang pagkaitan ang mga tagapagmana ng kanilang mga karapatang bahagi.[2]
Kahit na ang mga listahan ng mga tagapagmana ay sinubukang masakop lahat ng mga ugnayang pampamilya at mga kalagayan, kung minsan ay nagiging masalimuot pa rin ang mga bagay-bagay. Kapag may lumitaw na kumplikadong sitwasyon, Ang mga iskolar ng Islam ay gumagamit ng pangunahing mga pinagkukunan ng batayan, ang Quran at ang Sunnah, upang makuha ang kapwa makatarungan at kasiya-siyang mga kapasyahan. Minsan ay kumukuha sila mula sa mga desisyon na ipinataw ng ibang mga iskolar ng Islam at mga hukom.
Isaalang-alang natin bilang halimbawa ang nangyaring trahedya ng mag-asawang walang anak na namatay sa isang aksidente sa sasakyan. Sa ilalim ng normal na pangyayari kapag ang isang asawa ay namatay ang kabiyak ang magmamana. Gayunpaman, sa sitwasyon na ito hindi natin alam kung sino sa dalawa ang naunang namatay. Sa pagtalakay ng gayong kaso si Sheikh Uthaymeen (1925 – 2001 CE) ay nagsabi na isa sa limang magkakaibang mga senaryo ang magagamit. Hindi na gaanong idinetalye pa, nagpapakita lamang ito na lumilitaw ang mga masasalimuot na sitwasyon, at ang paghingi ng payo sa mga pamilyar sa mga batas ng Islam tungkol sa pamana ay kinakailangan minsan.
Pagsusulat ng Habilin
Ang pagsusulat ng habilin ay maaaring maging isang komplikadong bagay sapagkat tulad ng nakita natin ang mga batas sa mana ay masalimuot at napakarami. Bago magsulat ng iyong sariling habilin, mainam na kumuha ng payo mula sa isang tao na pamilyar sa mga batas ng Islam tungkol sa pamana. Maaari itong isang sheikh o imam, at kahit na sa isang Muslim na bansa ay marapat na humingi ng tulong mula sa mga abogado at sa sistema ng korte. Sa mga hindi-Islamikong bansa ay mas higit na mahalaga na humingi ng tulong at nakakagulat na madaling makahanap ng mga law firms na nag-aasikaso ng mga Islamikong habilin.
Halimbawa, kinikilala ng sistema ng hudikatura ng Australia ang anumang habilin, katuruang pang-relihiyon man ito o sekular na tuntunin. Ang mga Habilin, sa Australia, ay hindi itinuturing na walang bisa dahil sa kanilang kalagayang pang-relihiyon at kultural gayunpaman maaari silang ipawalang bisa sa mga kadahilanan tulad ng kawalan ng legal na kaangkupan. Ang mga habilin sa Australia ay maaaring tanggihan sa maraming kadahilanan kasama na ang mental na kapasidad, masamang impluwensiya, at panloloko. Nasa indibidwal na ang pagpapasya kung paano hahatiin ang ari-arian at hindi ito maaaring tutulan dahil lamang sa ito ay sumusunod sa Shariah.
Isa sa mga dahilan kung bakit ang bawat nasa katinuan at may edad na Muslim ay dapat asikasuhin ng mabuti ang huling habilin ay upang ito ay hindi matutulan dahil sa kawalan ng legal na kaangkupan. Nasa Muslim o hindi-Muslim ka man na mga bansa, kung ang huling habilin ay inayos ng isang law firm ang mga legal na mga kinakailangan para sa bawat indibidwal na bansa ay dapat sundin. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito ay mahihirapan ang sinuman na kontrahin ang huling habilin sa anumang dahilan. Kung ang mga alituntunin ng Islamikong batas sa mana ay itinakda mismo ng Allah hindi makatwiran na ipaubaya ang paghawak ng ari-arian ng isang tao sa iba na hindi pamilyar sa mga kautusang iyon.
Ano ang nilalaman ng huling habilin?
Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing seksyon na makikita mo sa isang Islamikong huling habilin. Ang taong gumagawa ng huling habilin ay tinatawag sa wikang Ingles na testator.
1.Paunang salita. Ipinapahayag ng testator ang kanyang pananampalataya.
2.Libing. Sa seksyon na ito ang testator ay nagbibigay ng mga tagubilin kung paano gagawin ang kanyang lamay at libing.
3.Mga Pagkakautang. Dito ang testator ay nagbibigay ng mga tagubilin para sa lahat ng natitirang utang na babayaran.
4.Al-wasiyah. Dito pinamamahalaan ng testator ang pamamahagi ng hanggang 1/3 ng kanyang ari-arian.
5.Pamamahagi ng Natira. Ang seksyon na ito ay nagtatakda ng pamamahagi ng natitirang 2 / 3rds ng ari-arian alinsunod sa Shariah.
Nakaraang Aralin: Islamikong mga habilin at pamana (bahagi 1 ng 2)
Susunod na Aralin: Salaysay ng Propeta: Katapatan
- Ano ang Jihad?
- Si Propeta Adan (Adam) Pinagmulan ng Sangkatauhan (bahagi 1 ng 2)
- Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)
- Pagpapaliwanag sa kabanata ng Quran - Surah Az-Zalzalah
- Mga kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2)
- Pangangalaga ng Kapaligiran
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 1 ng 2)
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Pagpapatirapa ng Pagkalimot
- Pambungad sa Terminolohiya ng Hadith
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 1 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 3 ng 3)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 1 ng 2)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)
- Islamikong mga habilin at pamana (bahagi 1 ng 2)
- Islamikong mga Habilin at Pamana (bahagi 2 ng 2)
- Salaysay ng Propeta: Katapatan
- Pag Unawa sa Media Stereotyping
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1 of 2)
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1of 2)
- Sensitibong Usapinn (intimate Issues)
- Ang Islam ay nag simula na kakaiba