Sensitibong Usapinn (intimate Issues)
Deskripsyon: Isang maiksing alituntunin sa maselang usapan at mga kaasalan sa kwarto (mag-asawa) na naaayon sa batas ng Islam.
Ni Aisha Stacey (© 2017 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 01 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 84 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,463 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Upang maunawaan na ang sekswal na kalagayan ay isang mahalagang isyu sa kalusugan.
·Mayroong mga halal at haram na mga aspeto ang usapin na ito.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Zina – Ang pangangalunya at pakiki-apid na kinasasangkutan ng vaginal at anal na pakikipagtalik, ngunit tumutukoy din sa iba pang mga uri na hindi naaangkop na sekswal na pag-uugali.
·Halal – pinapayagan /pinapahintulutan
·Haram – ipinagbabawal
·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta..
·Ibadah – pagsamba..
·Ghusl – ritual o espesyal na pagligo.
·Sahabah - katawagan (pang maramihan) sa salitang “Sahabi,” na ang ibig sabihin ay kasamahan. Ang sahabi, ay salitang madalas na din gamitin ngayon, tumutukoy ito sa tao na nakakita kay Prophet Muhammad, naniwala sa kanya at namatay na Muslim.
Pambungad
Ang pangunahing sangunian ng Islam, Ang Quran at ang Sunnah ng Propeta Muhammad, ay magkatulong sa pagbuo ng kumprehensibong gabay sa pamumuhay. Kung kaya, ang Islam ay isang holistic na relihiyon na isinasaalang-alang ang emosyonal at pisikal na kalusugan pati na rin ang espirituwal na mga pangangailangan. Ang pagtingin sa ating kalusugan at kabutihan ay napakahalaga at kabilang dito ang ating sekswal na kalusugan. Ang Islam ay hindi nahihiya na talakayin ang paksang ito sa halip ito ay hayagang tinatalakay. Nilikha ng Allah ang pisikal na pagkilos ng pakikipagtalik upang matupad ang parehong mga pangangailangang physiological at emosyonal, at ang kasal ay isang halal na paraan upang matugunan ang mga pangangailangan na ito. Samakatuwid, Ang pag-unawa sa mga sensitibo o maselan na isyu at bedroom etiquette ay napakahalaga.
Zina / Pakiki-apid
Sa Islam, ang ipinagbabawal na sekswal na gawain ay saklaw ng katawagang zina. Mayroong hindi magandang epekto sa pakikisangkot sa naturang mga gawain, na hindi bababa sa pagiging ganap na haram.
1.Ang Zina ay isang kasalanan. Ang pagkasangkot sa gawain na ito ay mapanganib sa ating pisikal, emosyonal at espirituwal na kabutihan. “kahit ang paglapit sa ipinagbabawal na sekswal na pakikipag-ugnayan sapagkat ito ay kahiya-hiya at imoral na gawain, nagbubukas ng pintuan (sa iba pang imoralidad).” (Quran 17:32)
2.Ang pagkalat ng mga sakit na nakukuha sa sekswal na pakikipag-ugnayan. Pisikal na pagdurusa ang kahihinatnan ng mga karamdamang ito na maaaring humantong sa kawalan ng ginhawa hanggang sa pagka-baog.
3.Hindi inaasahang pagbubuntis.
4.Pagkasira / pagkawasak ng pamilya.
5.Ang mga emosyonal na paghihirap na dulot / bunga ng mga relasyon na nabuo nang walang anumang pananagutan.
Ang tao na sangkot sa zina ay nagiging sanhi ng malaking pinsala sa kanilang sarili at sa kanilang asawa. Kapag sinubukan ng isang kapareha na matupad ang kanyang mga pisikal o emosyonal na pangangailangan sa haram na paraan, ang isa naman ay maghihirap sa maraming paraan. Ang kanilang pagpapahalaga sa sarili ay nasisira at ang kanilang pakiramdam ng seguridad ay nawawala dahil sa kawalan ng tiwala sa kanilang kapareha. Maaari silang magsimulang makaramdam ng hindi matatag na emosyon, pakiramdam na ang kanilang mundo ay nakabaligtad. Ang tao na sangkot sa zina ay nagtatamo ng hindi magandang kahihinatnan, hindi lamang ito maglalagay ng harang sa pagitan ng isang tao at ng Allah, kundi ito rin ay magsasanhi ng malubhang pagkasira ng pamilya, pagkakawatak-watak ng pamilya at mga kaibigan at masakit na damdamin tulad ng pagkakasala at kahihiyan.
Kasal
Hindi lamang ipinagbabawal ng Allah ang isang bagay na bahagi ng likas na pag-uugali ng tao; binibigyan niya tayo ng alternatibo. Kasal, isang kontrata sa pagitan ng isang lalaki at isang babae, nagpapahintulot sa dalawang tao na maging isa sa kanilang mga ibadah at pagsunod sa Allah. Sa tuwing nagpapakita ang isang kabataan ng pagnanais na mag-asawa dapat silang hikayatin at tulungan. Ang mga hadlang ay hindi dapat bigyang daan sa halip dapat silang suportahan at tulungan na magpakasal agad hangga't maaari upang hindi sila matukso na mahulog sa kasalanan. Ang halal na pag-aasawa ay isang paraan upang matugunan ng ganap ang normal na sekswal na hangarin , samakat'wid si Propeta Muhammad, ang habag at biyaya ng Allah ay sumakanya nawa, hinihikayat ang mga tao na mag-asawa at ang kanyang mahusay na payo ay matatagpuan sa buong Sunnah.
“Sinuman sa inyo na nagtataglay ng pisikal at pinansiyal na kakayahan upang mag-asawa ay dapat gawin ito, dahil nakakatulong ito na pangalagaan ang kanilang kayumian, at sinuman na hindi makapag-aasawa ay dapat na mag-ayuno, dahil ang pag-aayuno ay nakakabawas ng sekswal na pagnanais ng isang tao.”[1]
Maraming mga pakinabang ng pag-aasawa. Sinabi sa atin ng Allah na ang mga taong may asawa ay tulad ng mga damit para sa isa't isa; pinoprotektahan nila ang isa't isa at malapit na magkasama. Ang kasal ay itinuturing na pinakamahaba, at patuloy na gawaing ibadah na maaaring magawa ng mananapalataya sa tanang buhay nila. Si Propeta Muhammad ay nagsabi na kapag ang isang tao ay nag-asawa, kanya nang natupad ang kalahati ng relihiyon, ipinagpatuloy niya ang kanyang payo na nagsasabi na matakot sa Allah sa pakikitungo sa kabiyak.[2] Ang mga may-asawa ay tinatrato ang isa't isa nang mabuti at may pagmamahal. Ang sekswal na ugnayan ay isang bagay na dapat tamasahin at magpahanggang ngayon si Propeta Muhammad ay hinihikayat ang masiglang ugnayang sekswal. Sinabi niya, “Walang sinuman sa iyo ang dapat lumapit sa kanyang asawa tulad ng isang hayop; magkaroon ng isang 'mensahero' sa pagitan ninyo.” “At ano ang isang mensahero?” ang tanong nila, at sinagot niya ito, “mga halik at mga salita.”[3]
Habang sinisikap ng mga mag-asawa na tugunan ang mga karapatan at pangangailangan ng bawat isa, ang kanilang pagmamahal sa bawat isa ay lalago, at ganoon din ang kanilang gantimpala. Ang mismong pagtatalik ng mag asawa ay kapaki-pakinabang. Ipinaliwanag ni Propeta Muhammad sa mga sahabah na ang legal na sekswal na ugnayan ay isang anyo ng kawanggawa. Ang sahabah ay tumugon at nagtanong, “Kapag natutupad ng isa sa atin ang kanyang sekswal na pagnanais, bibigyan ba siya ng gantimpala para diyan?” At si Propeta Muhammad ay nagsabi, “Hindi mo ba iniisip na kung siya ay kikilos nang labag sa batas, siya ay magkakasala? Ganun din, kung siya ay kumikilos ng ayon sa batas ay gagantimpalaan siya.”[4]
“ Ang inyong mga asawa ay isang taniman ng binhi, kaya't pumunta kayo sa inyong mga asawa (mayamang taniman) sa anumang paraan na inyong naisin, kung kailan at kung paano ninyo ibig, at alalahaning isagawa ang kabutihan sa inyong mga sarili. Matakot sa Allah, at tandaan na Siya ay inyong makakadaupang palad…” (Quran 2:223)
Sa talata sa itaas, ipinaliwanag ng Allah na ang mag-asawa ay malayang magtamasa at gumalugad sa katawan ng bawat isa sa maraming iba't ibang mga paraan na pinahihintulutan pareho ng mag asawa. Pinapayagan para sa mag-asawa na i-masturbate ang isa't-sa. Pinapayagan ang oral sex ngunit hindi ito dapat maging sanhi ng pinsala o pagkasira, at ang mga karumihan ay hindi dapat lunukin. Halal para sa kanila na makita ang lahat ng bahagi ng kanilang sariling katawan at ang katawan ng kanilang asawa. Sa katunayan, napaka-kaunti ng mga pagbabawal para sa mag-asawa.
Mga ipinagbabawal
1.Iwasan ang pakikipagtalik kapag ang isang babae ay may buwanang dalaw o may pagdurugo na sanhi ng post-partum o panganganak. Ang pakikipagtalik ay dapat lamang manumbalik kapag nakapag-ghusl na ang asawa.
2.Ang 'anal' na pakikipagtalik ay isang matinding kasalanan. Kahit pa ang magkapareha ay sang-ayon sa gawaing ito, ito ay mananatiling kasalanan. Ang kasunduang mutual ay hindi ito mababago o magpapabago na ito ay bawal.
3.Ang isang mag-asawa ay dapat umiwas sa pagtalik habang nag-aayuno. Dapat hilingin ng asawa na pahintulutan sila ng kanilang asawa na mag-ayuno ng boluntaryo kung sakaling ang kakulangan ng pakikipagtalik ay magdudulot ng paghihirap sa isa.
4.Ipinagbabawal na ihayag ang usapan na nangyayari sa pagitan ng mag-asawa sa kanilang higaan. Sa intimate /maselan na sitwasyon ang lihim ay nasisiwalat at walang maitatago. Ang mga bagay na ito ay hindi dapat ihayag maliban na lamang kung kinakailangan ng sitwasyon, halimbawa, sa kaso ng isang medikal na emergency.
Nakaraang Aralin: Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1of 2)
Susunod na Aralin: Ang Islam ay nag simula na kakaiba
- Ano ang Jihad?
- Si Propeta Adan (Adam) Pinagmulan ng Sangkatauhan (bahagi 1 ng 2)
- Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)
- Pagpapaliwanag sa kabanata ng Quran - Surah Az-Zalzalah
- Mga kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2)
- Pangangalaga ng Kapaligiran
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 1 ng 2)
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Pagpapatirapa ng Pagkalimot
- Pambungad sa Terminolohiya ng Hadith
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 1 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 3 ng 3)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 1 ng 2)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)
- Islamikong mga habilin at pamana (bahagi 1 ng 2)
- Islamikong mga Habilin at Pamana (bahagi 2 ng 2)
- Salaysay ng Propeta: Katapatan
- Pag Unawa sa Media Stereotyping
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1 of 2)
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1of 2)
- Sensitibong Usapinn (intimate Issues)
- Ang Islam ay nag simula na kakaiba