Naglo-load...

Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang mahahalagang aral ng Islam ay batay sa limang prinsipyo, na tinukoy bilang 'Limang haligi ng Islam', at anim na pangunahing paniniwala, na kilala bilang 'Anim na Saligan ng Pananampalataya.’ Pangalawang Bahagi: Ang anim na mga artikulo ng pananampalataya at pagpapakahulugan nito.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 24 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 173 - Nag-email: 0 - Nakakita: 19,673 (pang-araw-araw na average: 8)


Mga kinakailangan

·Ang Pagpapahayag / Patotoo ng Pananampalataya.

Mga Layunin

·Upang matutunan ang mga batayan ng paniniwala sa Islam i'e. ang 'Anim na Saligan ng Pananampalataya' at kung ano ang katangian nila.

Mga Terminong Arabe

·Sunnah -Ang salitang Sunnah ay maraming kahulugan depende sa saklaw ng pinag-uusapan subalit ang karaniwang pagpapakahulugan dito na tinanggap ng karamihan ay, kahit anong naiulat na ginawa, gawain at kagawian, sinabi at pinahuntulutan ng Propeta.

·Imaan - pananampalataya, paniniwala.

Ang Anim na Saligan ng Pananampalataya

Ang pananampalataya ay tinutukoy sa Arabic bilang Imaan. Ito ay kumakatawan sa matibay na paniniwala sa puso, at hindi bulag na pananampalataya. Ang Islamikong doktrina ay umiikot sa anim na aspeto na inilarawan ng Propeta.

1. Paniniwala sa Allah, na nagsasaad sa mga sumusunod:

(i) Paniniwala sa pag-iral Ng Allah.

(ii) Ang Allah ay ang Panginoon. Siya ang Tagapaglikha, Tagatustos, Tagapanatili, at May-ari ng buong kalawakan. Walang sinumang kabahagi sa mga tungkulin na ito.

(iii) Ang Allah lamang ang tanging karapat-dapat sa pagsamba. Walang pagsamba, paglilingkod o pagsamba ang ihahandog sa iba maliban sa Allah o kaninuman na kasama Niya, maging sila man ay mga propeta, mga pari, mga santo, mga anghel, mga imahe o diyus-diyusan, o mga bato o rebulto.

(iv) Ang Allah ay ang may pinakamaganda at perpektong mga pangalan at mga katangian, na walang maaaring ihambing sa kanya. Siya ay Natatangi, bukod at hindi katulad sa Kanyang nilikha. Walang kasamaan o kakulangan ang maaaring maiugnay sa Kanya.

2. Paniniwala sa mga Anghel, na nagsasaad sa mga sumusunod:

(i) Paniniwala sa pagkakaroon ng mga anghel, isang nilikha ng Allah.

(ii) Paniniwala na wala silang karapatang tumanggap ng anumang uri ng pagsamba

(iii) Paniniwala sa mga pangalan, na kung saan binigyan ng pagkakakilanlan ang mga anghel sa Quran at Sunnah (mga turo ni Propeta Muhammad).

(iv) Paniniwala sa mga espesyal na gawain na nakatalaga sa bawat isa sa kanila na iniatas sa kanila ng Allah sa Quran at Sunnah (mga turo ni Propeta Muhammad).

3. Paniniwala sa mga Inihayag na Kasulatan, na nagsasaad sa mga sumusunod:

(i) Ang paniniwala na ipinahayag ni Allah ang mga kasulatan sa iba't ibang mga propeta.

(ii) Paniniwala na naglalaman ito ng katotohanan mula kay Allah.

(iii) Ang paniniwala na ang lahat ng naunang mga kasulatan maliban sa Quran ay nabago.

(iv) Mayroong maraming aspeto ang paniniwala sa Quran:

a) Paniniwala na ito ay isa sa mga banal na kasulatan ng Allah.

b) Paniniwala na ito ang Huling Rebelasyon sa sangkatauhan, at wala nang ibang banal na kasulatan ang maipapahahayag pagkatapos nito

c) Ang paniniwala na ang lahat ng nakasaad dito ay totoo, na walang kasinungalingan.

d) Ang paniniwala na ito ay mananatili at hindi magbabago, at mananatiling gayon magpakailanman

e) Paniniwala na pinawalang-bisa nito ang lahat ng nakaraang mga kasulatan bago ito.

4. Paniniwala sa mga Mensahero,na nagsasaad sa mga sumusunod:

(i) Ang paniniwala na Ang Allah ay nagpadala ng mga propeta sa bawat bansa, nanawagan sila upang sumamba at sumunod sa Allah lamang. Ang bawat isa ay dapat maniwala sa lahat ng mga ito, kilala o hindi kilala, nang hindi tinatanggihan ang sinuman sa kanila

(ii) Paniniwala na sila ang pinakanatatangi sa sangkatauhan, pinili dahil sa kanilang kabutihan.

(iii) Paniniwala na sila ay mga tao lamang, hindi banal sa anumang paraan, at wala silang karapatan na tumanggap ng pagsamba, ni hindi nila sinasabing sila ay sambahin.

(iv) Paniniwala na ipinahahayag lamang nila ang mensahe mula sa Allah at hindi ayon sa kanilang sariling kagustuhan lamang.

(v) Paniniwala na hindi sila nagkamali sa pagpapahayag ng mensahe

(vi) Ang paniniwala na ang pagsunod sa kanila ay isang nararapat.

(vi) Ang paniniwala na si Muhammad, nawa'y mapa sa kanya ang awa at pagpapala Ng Allah, ay isang propeta, na nagpahayag ng mga isyu na tinalakay sa aralin na pinamagatang Ang Pagpapahayag / Patotoo ng Pananampalataya.

5. Paniniwala sa Buhay pagkatapos ng Kamatayan at ang Huling Araw ng Paghuhukom, na nagsasaad sa mga sumusunod:

(i) Paniniwala na darating ang araw na ito at ang lahat ay magwawakas, at bubuhaying muli Ng Allah ang mga nilikha at sila ay hahatulan ayon sa kanilang mga gawa.

(ii) Ang paniniwala na ang mga naniniwala at sumunod sa tamang relihiyon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga propeta ay papasok sa Paraiso, mananahan dito magpakailanman, at ang mga hindi naniniwala ay papasok sa impiyerno at mananatili dito ng walang-hanggan.

6. Paniniwala sa Tadhana, na nagsasaad ng mga sumusunod:

(i) Ang paniniwala na ang Allah ay ang bukod tanging nakakaalam sa mga mangyayari sa hinaharap, na ito ay ganap at kumpleto at sumasaklaw sa lahat ng nilalang . Alam Niya ang lahat ng bagay na mangyayari o hindi mangyayari, simula sa umpisa bago pa simulan ang paglikha ng sangkatauhan.

(ii) Ang paniniwala na naitala na Ng Allah ang lahat ng bagay na mangyayari hanggang sa Araw ng Paghuhukom sa isang aklat na kilala bilang "Ang Ina ng mga Aklat" o "Ang Iningatan na Tablet".

(iii) Ang paniniwala na ang anumang naisin ng Allah ay nangyari, nangyayari, at mangyayari. Walang nangyayari na wala sa kapahintulutan ng Allah.

(iv) Nilikha ng Allah ang lahat.

Nabanggit natin dito ang pinakamaliit na pangangailangan ng pananampalataya, sa bawat isa sa anim na kategoryang ito na pinaniniwalaan ng mga Muslim, binanggit ng Propeta na ang mga saligan na ito ay ang batayan ng paniniwala at pananampalataya ng Islam.

Sa kasunod na mga aralin, susuriin natin ang mga mahahalagang aral sa pamamagitan ng pag-aaral sa bawat isa sa Limang Haligi ng Islam at ang Anim na Mga Saligan ng Pananampalataya nang detalyado.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.