Nasaan ang Allah?
Deskripsyon: Ang sagot sa katanungan hinggil sa presensya ng Allah, na suportado ng mga patunay na Siya ay tunay na nasa ibabaw ng mga langit at ibabaw ng Kanyang nilikha, sa Kataas-taas na angkop sa Kanyang Kadakilaan.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 96 - Nag-email: 1 - Nakakita: 9,535 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin
·Maunawaan ang banal na katangian na ‘uluw’ at ang kahulugan nito.
·Maunawaan ang kahalagahan ng katangiang ito.
·Matutunan ang limang mga patunay.
·Mapahalagahan na ang paniniwala sa katangian na ito ay hindi nangangahulugan na ang Allah ay malayo sa Kanyang likha.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Sunnah - ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan na nagdedepende sa larangan ng pag-aaral. Gayunpaman, ang kalimitang kahulugan nito ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa, deskripsiyon, at mga pinahintulutan ng Propeta. (At ginagamit din sa kahulugang: kanais-nais gawin na hindi inobliga, depende sa konteksto ng pangungusap)
·Salah - ay salitang Arabik na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang mananampalataya at ng Allah. Mas partikular, sa Islam ito ay tumutukoy sa limang pang araw-araw na espesyal na pagdarasal at ito ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
Ang Pinaka-Mahabagin na Tagapaglikha ay nagpakilala ng Kanyang sarili sa Quran, at sa Sunnah naman ipinakilala ng Propeta ang kanyang Panginoon, dahil ang pag-iisip ng tao ay limitado at hindi kayang arukin ang lalim ng walang hanggang saklaw ng Kabanalan. Ang Allah ay nagbanggit ng mga kinakailangannatin upang malaman ang patungkol sa Kanya, tinutulungan tayo na maiwasan ang pagkalito patungkol sa Kanyang katangian, mga gawa at kinaroroonan. Sa ano't ano man, paano natin mamahalin ang sinuman na hindi natin kilala? Sa makatuwid, ang Quran at ang Sunnah ay nagsasabi sa atin ng lahat ng kailangan nating malaman para sumamba sa ating Tagapaglikha. Ang banal na katangian na 'Uluw', kataas-taasan o kadakilaan, ang usapin sa araling ito.
Kahulugan at Kahalagahan
Ang banal na katangiang ‘Uluw ay nangangahulugang ang Allah ay nasa ibabaw ng Kanyang likha, sa kataas-taasan na angkop sa Kanyang kadakilaan, at walang nakahihigit sa Kanya. Siya ay wala sa Kanyang nilikha, at hindi parte ng Kanyang nilikha. Ang mga likha ay hindi pumapalibot sa Kanya. Ang Tagapaglikha ay ganap na hiwalay at naiiba sa Kanyang nilikha.
Bago ang Islam, ang mga Hindu ay naniniwala na ang Diyos daw ay nananahan sa mga hayop, mga tao, at mga rebultong hindi mabilang ang dami. Ang kasulatan ng mga Hudyo ay nagsasaad na ang Diyos daw ay pumarito sa mundo sa anyong tao at nakipag-buno kay Propeta Jacob at nakatalo sa Kanya (ayon sa Genesis 32:24-30). Ang mga Kristiyano ay naghahayag na ang Diyos daw ay naging laman at pumarito sa mundo sa anyo ng tao para ipako. Ang ilan sa mga heretics o erehe (mga taong may paniniwalang taliwas sa nakasaad na katuruan) ay nagdala ng mga ganitong uri ng ideya sa Islam. Halimbawa na lamang, ay itong si Hallaj, isang magulong mistiko, na nag-aangking siya at ang Allah ay iisa. Ang taliwas na mga ideyang ito ay masyadong lumaganap na kung ang isang tao ay magtatanong sa ilang mga Muslim ngayon, 'Nasaan ang Allah?' sasabihin nilang Siya ay nasa kung saan-saan.
Ang pinaka-unang panganib ng mga pag-unawang ito ay nagbubukas ito ng pintuan para sa pagsamba sa nilikha. Kung ang Diyos ay nasa kung saan-saan, nangangahulugan na Siya ay nasa Kanyang nilikha. Kung ito ay totoo, kung gayon ay bakit hindi sambahin ang mismong nilikha? Nagiging madali para sa mga tao na umpisahang sabihin na ang Diyos ay nasa kanilang kaluluwa at tumanggap ng pagsamba. Ang hindi mabilang na mga hari, ordinaryong mga tao tulad ng mga Paraon sa Egypt at si Jesus ay lubos na sinamba, kahit pa na si Jesus ay tutol na siya ay sambahin ng kanyang mga tagasunod.
Ang Patunay
Ang Allah ay wala sa kung saan-saan. May limang pangunahing patunay para rito:
(1) Inihahayag ng Islam na bawat tao ay isinilang na may partikular na mga gawi na hindi resulta ng kanyang kapaligiran. Ang mga tao ay isinilang na may likas na pag-unawa't pagkilala sa Tagapaglikha na hiwalay at nasa ibabaw ng Kanyang nilikha. Ang simpleng isipin na ang Diyos ay nasa lugar na marurumi, na isa sa magiging likas na kalalabasan ng ideolohiyang ang Diyos ay nasa kung saan-saan ay karimarimarim para sa tao.
(2) Ang salah ay dapat na isagawa sa mga lugar na walang larawan o estatwa. Ang isang Muslim ay pinagbawalan na yumuko o magpatirapa bilang pagsamba sa kahit na anong nilikha. Kung ang Allah ay nasa kung saan-saan at nasa lahat ng bagay, ang mga tao ay maaring sumamba sa ibang tao o maging sa kanilang sarili.
(3) Dalawang taon bago nangibang-bayan ang Propeta (ang Kapayapaan at pagpapala ng Allah ay mapasakanya) mula sa Makkah patungong Madina, siya ay dinala sa isang milagrosong paglalakbay mula sa Makkah patungong Jerusalem, at mula sa Jerusalem paakyat lagpas sa pitong langit para pumaroon sa Allah. Ang Allah ay direktang nakipag-usap kay Propeta Muhammad. Wala nang pangangailangan para sa Propeta na magtungo paakyat sa pitong langit para makita ang Allah kung Siya ay nasa kung saan-saan.
(4) Maraming mga talata sa Quran na nagsasabi sa atin ng malinaw na ang Allah ay nasa ibabaw ng Kanyang nilikha, sa kataas-taasan na angkop sa Kanyang kadakilaan:
Ang Quran ay nagsasabi patungkol sa mga anghel na umaakyat patungo sa Allah:
“...At sila ay aakyat tungo sa Kanya, sa araw na ang haba nito ay libong taon kung sa inyong sukatan ng pagbibilang ng panahon.” (Quran 32:5) (salin ng kahulugan)
Ang mga panalangin ay itinataas din tungo sa Allah:
“...At patungo sa Kanya aakyat ang mga mabubuting salita...” (Quran 35:10) (salin ng kahulugan)
Ipinakilala ng Allah ang Kanyang sarili na Siya ay nasa ibabaw ng Kanyang mga alipin:
“Siya ang Pinaka-makapangyarihan, Kadakilaan, Kapangyarihan at Kataastaasan na ang lahat-lahat ay kusang nagpapasailalim sa Kanya, sa Kadakilaan na Siya ay nasa ibabaw ng Kanyang mga alipin.” (Quran 6:18, 61) (salin ng mga kapaliwanagan ng kahulugan)
Inilarawan niya ang Kanyang mga tagapagsamba bilang:
“Kinatatakutan ng mga anghel ang kanilang Panginoon, na nasa ibabaw nilang lahat - sa Kataastaas na angkop sa Kanyang Kadakilaan..” (Quran 16:50) (salin ng kahulugan)
Isa sa mga magagandang pangalan ng Allah ay Al-Aliy na nangangahulugang, "Ang Pinaka Taas-taasan"; walang napaibabaw sa Kanya.
(5) Ang kasamahan ng Propeta na nagngangalang Ibn al-Hakam ay mayroong aliping batang babae na tagabantay sa kanyang mga tupa. Isang araw, siya ay dumating para makita ang kanyang alipin, at nadatnan na may tupang nakain ng lobo mula sa lupon na kanyang inaalagaan. Pagkaalam nito, siya ay nagalit at sinampal ang kanyang alipin, ngunit kalaunan ay pinagsisihan ito. Kaya naman siya ay nagtungo sa Sugo ng Allah at isinalaysay ang nangyari, kung saan hiniling ng Sugo sa kanya na dalhin ang naturang alipin.
Nang dumating, ang Propeta ay nagtanong sa kanya, 'Nasaan ang Allah?' Ang alipin ay sumagot, 'Nasa ibabaw ng kalangitan.' Tinanong siya ng Propeta, 'Sino ako?' Siya ay sumagot, 'Ikaw ang Sugo ng Allah'. Ang Propeta ay nagsabi, 'Palayain mo siya, dahil siya ay isang naniniwala (sa Allah at sa Kanyang Sugo).[1]
Dito, sinang-ayunan at pinatotohanan ng Propeta ang sinabi ng bata na ang Allah ay nasa ibabaw ng kalangitan. Dahil kung mali, siya ay itatama ng Propeta katulad ng pagtatama niya sa ibang maling paniniwala.
Ang Allah ba ay Bukod o Hiwalay sa Kanyang Nilikha?
Ang Allah na nasa ibabaw ng Kanyang nilikha ay hindi nangangahulugan na Siya ay malayo mula sa Kanyang nilikha. Higit na batid Niya lahat ng nangyayari sa mga Sansinukob. Walang nakakalampas sa Kanyang paningin, pandinig, kapangyarihan at kakayahan. Ang mga sumusunod na talata ay dapat na maunawaan sa nilalamang ito:
“...At Kami ay mas malapit sa kanya (sa pamamagitan ng ganap na kaalaman) kaysa sa kanyang ugat sa leeg.” (Quran 50:16) (salin ng kahulugan)
“at dapat ninyong mabatid, na ang Allah ang nangangasiwa sa lahat ng bagay, na Ganap na Makapangyarihan na kaya Niyang harangan ang tao sa anumang bugso ng kanyang Puso.” (Quran 8:24) (salin ng kahulugan)
Ang mga talata na ito ay hindi nangangahulugan na ang Allah ay nasa loob ng tao. Nangangahulugan lamang ito na walang nakakalampas sa kaalaman ng Allah. Alam niya maging ang pinaka-kaibuturan ng pag-iisip ng tao, gaya ng sinabi ng Allah sa isa pang talata sa Quran:
“Hindi ba nila alam na batid ng Allah kung ano ang kanilang inililihim at inilalantad?” (Quran 2:77) (salin ng kahulugan)
Bilang buod, base sa Quran at Sunnah, ang Allah ay nasa ibabaw ng mga Sansinukob, sa Kataas-taasan na angkop sa Kanyang Kadakilaan; ang Kanyang nilikha ay wala sa loob Niya, o Siya man ay wala sa loob ng Kanyang nilikha. Gayunpaman, ay Higit na Saklaw at Higit sa Kapasidad ng Kanyang Kaalaman, Kapangyarihan, at Kakayahan na pamahalaan ang lahat at bawat isa sa mga pinakamaliliit na butil sa Sansinukob.
Komentaryo
Nakaraang Aralin: Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)
Susunod na Aralin: Abraham (Unang-bahagi sa 2)
- Halina’t kilalanin natin si Muhammad (part 1 of 2)
- Halinang Kilalanin si Muhammad (Sumakanya nawa ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah) (Ikalawang parte sa dalawang aralin)
- Pagpapanatili ng Banal na Qur'an
- Kahalagahan ng Salah
- Mga Alituntunin ng Espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Espesyal na Paghuhugas (Wudoo)
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (part 1 of 2): Bago ka magsagawa ng Pagdarasal
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal
- Benepisyong Pang-kaluluwa ng Pagdarasal
- Medikal na benepisyo ng Panalanagin
- Mga Alituntunin ng Pagtugon sa tawag ng kalikasan
- Ang Buwanang-dalaw (Regla)
- Pagpapakilala sa Mga Patakaran ng Islam hinggil sa Tamang Pagkain
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit (Unang Bahagi 1 ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Panimula sa Pag-aayuno
- Paano mag-ayuno
- Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)
- Nasaan ang Allah?
- Abraham (Unang-bahagi sa 2)
- Abraham (Ika-lawang bahagi ng 2)
- Simpleng Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha
- Simpleng Kapaliwanagan ng Tatlong Maiikling Kabanata ng Qur'an