Pagpapanatili ng Banal na Qur'an
Deskripsyon: Ang Qur'an ay napreserba at naihatid sa paraan na walang katulad na pangrelihiyong teksto sa mundo. Ito ay naiparating mula sa pagmemorya nito at pagkatapos ay ang naisulat. Itong aralin na ito ay nag bigay dito ng ebidensya.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 30 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 106 - Nag-email: 0 - Nakakita: 12,909 (pang-araw-araw na average: 5)
Mga Layunin
·Mapahalagahan ang awtentisidad ng Banal na Quran sa orihinal nitong anyo dahil sa maiging pagkakapreserba at pagsasalin nito na walang bahid ng pagkakabago.
·Mapagtibay ang paniniwala at pananalig ng isang tao sa Banal na Quran sa pamamagitan ng mga patunay ng pagkakapreserba at pagkakasalin nito.
Terminolohiyang Arabik
·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa pinag-uusapan subalit sa kabuuan, tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat patungkol sa Propeta na kanyang mismong sinabi, ginawa o mga ipinahintulot.
Ang Qur'an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad ay dalawang banal na kapahayagan na pinagbabasehan ng katuruang Islam, at mula sa dalawang ito nakabase ang paniniwala at pagsamba sa Islam.
Maaring makapag-isip ang isang tao, 'Bakit mahalaga para sa isang bagong Muslim na malaman ang patungkol sa usaping ito?’ Una, sa kadahilanang ang pag-alam maging sa mga pangunahing impormasyon lamang ay makakadagdag sa kanyang paniniwala at pananalig na siya nga ay nasa tamang landas. Mararamdaman niya na ang kanyang relihiyon ay hindi mula sa mga pag-angkin lamang, bagkus ay mula sa kapahayagan na ipinangako ng Allah at tunay na napreserba. Pangalawa, ang taong batid ang mga pangunahing kaalaman ay hindi basta-basta maapektuhan ng anumang pagdadalawang-isip na kanyang makakaharap.
Ayon sa sinabi ng Allah (sa salin ng kahulugan):
"Walang pag-aalinlangan, Kami ang nagbaba ng Qur’ân kay Propeta Muhammmad at walang pag-aalinlangan na Kami rin ang patuloy na mangangalaga nito (mula sa pagdaragdag o pagbabawas, o sa anumang kasiraan)." (Quran 15:9)
Tingnan natin ang mga patunay sa kung paano napanatili at naipreserba ang Qur'an sa paglipas ng mga panahon.
Ang Quran ay napanatili at naisalin ng hindi gaya sa iba pang mga pangrelihiyong kasulatan sa mundo. Ito ay naipalaganap sa pamamagitan ng pagmememorya at pagsusulat tulad ng aming ipapakita.
Patunay ng Pagkakapanatili ng Quran sa Pagkakasulat
Noong panahon na yaon, wala pang mga palimbagan. Ang mga aklat ay kailangang isulat ng mga dalubhasang iskriba at ang pag-gawa ng kopya ay nangangailangan din ng parehong pagsisikap. Ang Quran ay binanggit mismo ng Propeta sa mga dalubhasang mga iskriba salita sa bawat salita at letra sa bawat letra.[1] Ang Propeta ay pumanaw noong 632 AD. Matapos nito, si Abu Bakr, na unang Kalifah - pinuno ng mga Muslim, ay nilikom ang mga orihinal na mga kasulatan ng mga iskriba bilang isang aklat, matapos ang ilang taon, nang lumaganap ang pamamahalang Muslim mula Silangan tungong Kanluran, si Uthman, asawa ng isa sa mga anak ng Propeta at ang ikatlong Kalifah (kahaliling pinuno), ay nag-utos na magkaroon ng limang kopya ng orihinal at ipakalat sa buong parte ng Kamusliman pagkaraan ng halos dalawampung taon.[2]
Sa kasalukuyan, mayroong tatlong kasulatan na mula pa sa manugang ng Propeta, ang Kalifah na si Uthman.
(1) Ang kasulatan ng Samarkand na nasa Tashkent, Uzbekistan. Ito ay nakasulat sa pergaminong mula sa balat ng gasel. Ayon sa Memory of the World Program, UNESCO, isa sa mga sangay ng United Nations, ‘it is the definitive version, known as the Mushaf of Uthman, superseding all other versions.’ (ito ay ang tiyak na bersyon, na kilala bilang ang Mushaf ni Uthman, na hinalilinan ang iba pang mga sumunod na naisulat) [3]
Si Mr. von Denffer, isang Germanong iskolar, ay nagsulat patungkol sa kasulatan:
“Ito marahil ang kasulatan ng Imam (pangalan na ginamit para sa kopyang tinago mismo ni Uthman) o isa sa iba pang apat na kopya na ginawa sa kapanahunan ni Uthman.”[4]
(2) Ang Museyo ng Palasyo ng Topkapi .[5]
(3) Ang ikatlong kasulatan ay nakatago sa Al-Hussein Mosque sa Cairo, Egypt at makikita sa ibaba.
Si Ginoong Von Denffer ay nagsulat patungkol dito:
“...malaki ang posibilidad na ito ay kinopya mula sa Mushaf ni Uthman" [6]
Konklusyon
Pinakamainam na tapusin ang bahaging ito sa mga pangungusap ni Ginoong Von Denffer:
“Sa madaling salita, dalawa sa mga orihinal na kopya ng Qur'an na mula pa sa kapanahunan ng Kalifah na si Uthman ay nariyan pa rin hanggang ngayon, maaring pagkomparahan ng sinumang nagnanais na ikompara ang kanilang pagkakasulat at pagkakasaayos sa iba pang kopya ng Qur'an, nailimbag man o sulat-kamay, mula sa isang lugar o panahon. Makikita na ang mga ito ay magkapareho."[7]
Patunay ng Pagkakapreserba ng Quran dahil sa Pagkakamemorya
Ginawa ng Allah ang Qur'an na madaling mamemorya:
“At katotohanan na ginawa Namin ang Qur'an na madaling mamemorya; sino, kung gayon, ang nais na meimemorya ito?” (Qur'an 54:17)
Ang katangian ng Qur'an na madali itong mamemorya ay walang katulad. Walang anumang kasulatan o alinmang pangrelihiyong kasulatan sa mundo na kasing-dali mamemorya, maging ang mga taong hindi Arabo ay madaling nakakasaulo sa Quran. Sobrang bihira ang makahanap ng mga tao na nakamemorya ng buong bibliya, samatalang, ang buong Quran ay memoryado ng halos lahat ng iskolar sa Islam at milyong-milyong mga ordinaryong Muslim, sa bawat henerasyon. Halos lahat ng mga Muslim ay may parte ng Quran na memoryado para basahin sa mga nai-atas na pagdarasal. Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang na nakasanayan para maging dalubhasa sa Quran:
Una, ang Quran ay menimemorya ng bata, kalalakihan at kababaihan, sa napaka murang-edad. Ang proseso ay kadalasang umaabot ng 2 hanggang 4 na mga taon.
Pangalawa, ang pagmememorya lamang ng Quran ay hindi sapat. Ang Quran ay hindi lamang basta mga salita, kundi may tono at kahulugan din. Ang Quran ay dapat na bigkasin sa kung paano ito mismong binigkas ng Propeta ni Allah 1400 taon na ang nakararaan. Ito ay dapat ring bigkasinkung paano ito ipinahayag ng Allah. Ito ay ginagawa na sa loob ng 1400 taong gulang na solidong kaugalian ng pagpapakadalubhasa ng mga panuntunan ng tonong-pagbigkas (tajweed) mula sa isang dalubhasa na natutunan pa ang kaalaman mula sa kanyang guro, isang 'tuloy-tuloy na hanay' na nagmula pa sa Propeta ng Allah. Ang proseso ay kadalasang umaabot ng 3 hanggang 6 na mga taon. Matapos makamit ang pagiging dalubhasa at masuri na ang pagbibigkas ay walang kamalian, ang isang tao ay binibigyan ng pormal na lisensya (ijaza) patunay na siya ay nagpakadalubhasa sa mga panuntunan ng tonong-pagbigkas at may kakayahan na bigkasin ang Qur'an sa paraan kung paano ito binigkas ng Propeta ng Allah na si Muhammad.
Si A.T. Welch, isang hindi Muslim na dalubhasa sa Silangan ay sumulat:
“Para sa mga Muslim, ang Qur'an ay hindi lamang basta kasulatan o sagradong literatura tulad ng karaniwang pag-aakala ng mga taga-Kanluran. Ang pangunahing kahalagahan nito sa mga nakararami sa pagdaan ng mga siglo ay ang anyo ng pagkabigkas, sa anyo na noong una pa nang ito ay ipinahayag, sa pagkakatono nito ni Propeta Muhammad noong binigkas niya ito sa kanyang mga taga-sunod sa loob ng higit dalawampung taon... Ang kapahayagan ay namemorya ng mga taga-sunod ni Muhammad noong siya ay nabubuhay pa, at dahil sa nakasanayang pagbigkas nito na namalagi at naitatag na noon sa kasaysayan , na sa ilang paraan ay independiyente at humigit pa kaysa sa naipreserba sa pagkakasulat na Qur'an… Sa pagdaan ng mga siglo, ang nakasanayang pagbigkas sa buong Qur'an ay napanatili ng mga kilala sa pagiging dalubhasa sa pagbigkas (Qur'ra). Hanggang sa kamakailan lamang, ang kabuluhan ng binigkas na Qur'an ay bihirang pahalagahan sa Kanluran.”[8]
Hindi lamang ang mga salita ng Qur'an ang napreserba, kundi maging ang orihinal na pagkakatono ng mga salita na ito ay mahusay ding napreserba. Walang ibang pang-relihiyong kasulatan na napreserba sa ganitong paraan – isang pahayag na kahit sinong walang kinikilingang mambabasa ay makakasiyasat at mabe-beripika. Samakatuwid, ang Qur'an ay tumayong hindi matutularan sa paraan ng kanyang pagkapanatili sa pagdaan ng mga siglo tulad ng naipahayag at naipangako ng Allah mismo.
Komento
Talababa:
[1]‘Ulum al-Quran’ ni Ahmad von Denffer, isang Germanong iskolar, p. 43.
[2]Para sa malalim na pagsusuri, maaring sumangguni sa isang mahusay na pag-aaral na ginawa ng isang iskolar ng Oxford University, “The History of the Quranic Text from Revelation to Compilation: A Comparative Study with the Old and New Testaments” ni Dr. Mustafa al-Azami.
I. Mendelsohn, "The Columbia University Copy Of The Samarqand Kufic Quran", The Moslem World, 1940, p. 357-358.
A. Jeffery & I. Mendelsohn, "The Orthography Of The Samarqand Quran Codex", Journal Of The American Oriental Society, 1942, Volume 62, pp. 175-195.
[4]‘Ulum al-Quran’ ni Ahmad von Denffer, p. 63.
[5]Museum website is http://www.ee.bilkent.edu.tr/%7Ehistory/topkapi.html
[6]‘Ulum al-Quran’ ni Ahmad von Denffer, p. 62.
[7] ‘Ulum al-Quran’ ni Ahmad von Denffer, p. 64.
[8]The Encyclopedia of Islam, ‘The Quran in Muslim Life and Thought.’
- Halina’t kilalanin natin si Muhammad (part 1 of 2)
- Halinang Kilalanin si Muhammad (Sumakanya nawa ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah) (Ikalawang parte sa dalawang aralin)
- Pagpapanatili ng Banal na Qur'an
- Kahalagahan ng Salah
- Mga Alituntunin ng Espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Espesyal na Paghuhugas (Wudoo)
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (part 1 of 2): Bago ka magsagawa ng Pagdarasal
- Pagdarasal para sa mga Baguhan (Ika-2 bahagi ng 2): Isang Paglalarawan ng Pagdarasal
- Benepisyong Pang-kaluluwa ng Pagdarasal
- Medikal na benepisyo ng Panalanagin
- Mga Alituntunin ng Pagtugon sa tawag ng kalikasan
- Ang Buwanang-dalaw (Regla)
- Pagpapakilala sa Mga Patakaran ng Islam hinggil sa Tamang Pagkain
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-1 bahagi ng 2)
- Isang Pagpapakilala sa Pamilyang Muslim (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Kung Paano ito Makakamit (Unang Bahagi 1 ng 2)
- Ang Pagmamahal sa Diyos at Paano ito Makakamit (Ika-2 bahagi ng 2)
- Ang Panimula sa Pag-aayuno
- Paano mag-ayuno
- Ang Eid at ang Katapusan ng Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan)
- Nasaan ang Allah?
- Abraham (Unang-bahagi sa 2)
- Abraham (Ika-lawang bahagi ng 2)
- Simpleng Kapaliwanagan ng Surah Al-Fatiha
- Simpleng Kapaliwanagan ng Tatlong Maiikling Kabanata ng Qur'an