Naglo-load...

Abraham (Unang-bahagi sa 2)

Marka:

Deskripsyon: Nilalaman ng araling ito ang pinakamahalagang pangyayari sa buhay ni Propeta Abraham (Ibrahim) batay sa Quran at Sunnah.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 31 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 89 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,111 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang malaman ang pinaka-mahalagang pangyayari sa buhay ni Propeta Abraham (Ibrahim) batay sa Quran at Sunnah.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Sunnah - ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan na nagdedepende sa larangan ng pag-aaral. Gayunpaman, ang kalimitang kahulugan nito ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa, deskripsiyon, at mga pinahintulutan ng Propeta. (At ginagamit din sa kahulugang: kanais-nais gawin na hindi inobliga, depende sa konteksto ng pangungusap).

Si Propeta Abraham, na kilala bilang Ibrahim sa Arabik, ay isinilang mga 2,000 taon bago ang kapanahunan ni Jesus, sa lugar malapit sa Ur, 200 milya mula sa Baghdad. Bata pa lang si Ibrahim ay tinatanong na niya ang relihiyon ng mga nakapalibot sa kanya.

Tulad ng mga nakapaligid sa kanya, ang kanyang amang si Azar ay isang sumasamba sa rebulto, na marahil ay isa sa mga iskultor ng mga ito; kaya ang unang pa-anyaya ni Abraham ay sa kanya. Batang ipinanganak na may di-nadungisang paniniwala na ang mundo ay may Panginoon, likas na batid ni Abraham ang katotohanan tungkol sa kanyang ama.

“At ipahayag mo mula sa Qur'an ang kwento hinggil kay Abraham, katotohanang dakila ang kanyang katapatan, at siya ay kabilang sa mga propeta ng Allah.”

Sinimulan ni Abraham na tanungin ang kanyang ama sa pagsamba nito sa mga idolo,

“Noong sinabi niya sa kanyang ama na si Azar: "O aking ama! Paano mo sinasamba ang mga (rebultong) hindi nakakarinig at hindi nakakakita, at walang maidudulot na pakinabang sayo sa kahit anumang bagay? O aking ama! dumating sa akin ang kaalamang hindi dumating sayo, kaya't sundin mo ako tungo sa paanyaya ko sayo, dahil ginagabayan kita tungo sa Matuwid na Landas ng ikaw ay di-maliligaw. O aking ama! Huwag mong sambahin si 'Shaytan', katiyakang nilabag niya ang Pinakamahabaging Allah. O aking ama! Ako ay nangangamba na dadatnan ka ng parusa mula sa Pinakamahabaging Allah, at ikaw ay maging kasama ni 'Shaytan' sa Impiyerno.”[1] (Qur'an 19:41-45) (Salin ng kahulugan)

“Ituturing mo ba ang mga rebulto bilang mga diyos?” (Quran 6:74) (salin ng kahulugan)

Ang tugon ng kanyang ama ay natural na pagtanggi sa isang hamon na nagmula sa hindi lamang mas bata kaysa sa kanya, ito pa ay sarili niyang anak, isang hamon laban sa kinasanayan na nilang pamantayan at tradisyong pinaglumaan na ng panahon.

Kanyang sinabi: “Tinatanggihan mo ba ang pagsamba sa aking mga diyos Abraham? Kung hindi ka titigil sa iyong pag-aalipusta ay pagbabatuhin kita! Kung kaya, lumayas ka at lumayo ka sa akin.” (Quran 19:46) (saling ng kahulugan)

Si Abraham ay nanatiling matatag sa kanyang katayuan na mali ang pagsamba ng kanyang ama at mga nakapaligid sa kanya. Sa pagsalungat niya sa pagsamba sa mga diyus-diyusan nagsimula si Abraham sa kanyang pangkaluluwang paglalakbay tungo sa Panginoon ng Sansinukob. Ang pagbubulay-bulay sa sansinukob ay nagdala sa kanya na pagmatyagan niya ang mga nilikha tungo sa Tagapaglikha, at sa ganito nagkaroon ng pagkakataon na pag-igihin pa niya ang kanyang panawagan na ang tanging Diyos na nararapat sambahin ay ang Pinaka-Makapangyarihang Tagapaglikha lamang. Sinabi sa atin ng Qur'an: (ayon sa salin ng kahulugan)

“(Upang patunayan niya ng paunti-unti sa kanyang sambayanan) Noong makulimlim na ang gabi, at nang nakita ni Ibrahim ang bituin ay sinabi niya: "ito ang aking panginoon" Subalit noong naglaho na ang bituin ay kanyang sinabi: "Hindi ko gustong sumamba sa mga naglalaho.’” (Quran 6:76)

Ginawang halimbawa ni Abraham ang mga bituin sa kanila, mahirap maunawaan sa kanila na makita ang isang bagay na mas dakila kaysa sa tao na may mga katangian ng iba't ibang kapangyarihan na hindi kanya. Ngunit sa paglaho ng mga bituin ay ipinakita ni Abraham ang kanilang kawalan ng kakayahan na lumabas ayon sa inaakala nila, na sa halip ay pang-gabi lamang.

Isa pang halimbawa ay ang bagay na mas kahanga-hanga at nasa kalangitan na mas maganda, at mas malaki, na pati sa umaga man ay nakikita rin! Gayunpaman, pinutol ngkanluran ang taglay nitong kamaharlikaan:

“At nang makita niya ang bilog na buwan na lumitaw, siya ay sumigaw: 'Ito ang aking Panginoon.' Ngunit nang ito'y lumubog, sinabi niya: 'Kung hindi ako gagabayan ng aking Panginoon, tiyak na ako ay magiging isa sa mga taong naliligaw.’” (Quran 6:77) (salin ng kahulugan)

At bilang panghuling halimbawa, siya ay naglahad ng mas matinding pagmumuni-munihan, isa pa sa mga pinaka-dakilang bagay na nilikha, na kung ito ay wala ang buhay din mismo ay hindi maaari.

At nang makita niyang sumikat ang araw, siya'y sumigaw: "Ito ang aking Panginoon! Ito ay mas malaki! "Ngunit nang ito'y lumubog, sinabi niya," O aking sambayanan! Tunay na ako'y walang pananagutan sa inyong pagtambal ng mga diyus-diyusan. Katiyakan, ihaharap ko ang aking mukha sa pagsamba sa Kanya lamang na Siyang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, dalisay na pagsamba sa bukod tanging tunay na Pinaka-Makapangyarihan, malayo sa idolatriya, at hindi ako kabilang sa mga sumamba ng iba bukod sa Allah.” (Quran 6:78) (salin ng kahulugan)

Sa gayon ay matibay na pinatunayan ni Abraham, na ikinasindak at bumagabag sa kanyang sambayanan, na ang Panginoon ng mga sanlibutan ay wala sa mga nilalang na kinakatawan ng kanilang mga diyus-diyusan, ngunit sa halip, ang Siyang lumikha sa kanila at lahat ng bagay na nakikita at nadama nila; ay ang Panginoon na hindi kinakailangang nasa harap nila upang sambahin. Siya ang Panginoong Lubos na Pinaka-Maykakayanan sa lahat, hindi nakagapos sa mga hangganan tulad ng mga umiiral sa mga nilikha na matatagpuan sa mundong ito.

“At katiyakan, ipinagkaloob Namin noon kay Ibrahim ang gabay.”[2]

Gayunpaman, sa kabila ng mga katibayan na ito ay nakipagtalo pa rin sa kanya ang kanyang sambayanan.[3] Sila ay nagsabi:

“...ngunit natagpuan namin ang aming mga ninuno na kumikilos sa ganitong paraan.”[4]

Ipinaliwanag niya na maling pag-unawa na ang mga ninuno ay palaging tama, o ang pag-alipin sa sarili na sumunod sa kanilang mga nakasanayan, sa kanyang sinabi: (ayon sa salin ng kahulugan)

“Katotohanang kayo at ang inyong mga ninuno ay nasa malinaw na pagkakamali.”

Ang kanyang mensahe ay simple:

“Sambahin ninyo nang bukod-tangi ang Allah, at magtaglay kayo ng takot sa Kanya, iyan ang mas makabubuti sa inyo kung batid lamang ninyo. Tunay na ang sinasamba ninyo bukod sa Allah ay mga rebulto at nag-iimbento kayo ng malaking kasinungalian. Tunay na ang mga sinasamba ninyo maliban sa Allah, ay hindi nagtataglay ng biyayang ipagkakaloob sa inyo, mithiin ninyo mula sa Allah ang biyaya, siya lamang ang tanging sambahin niyo, at Siya lamang ang inyong pasasalamatan, dahil tungo sa Kanya lamang din kayo magbabalik kapag kayo na ay binawian ng buhay.”[5]

At nang humantong sa punto na ang pangangaral ay kailangan nang samahan ng pisikal na pagkilos. Nagplano si Ibrahim ng isang malupit at mahigpit na hampas sa pagsambang pagano, isang plano na kasangkot ang kanilang mga rebulto,

“At sumusumpa ako sa Allah, na ako ay gagawa ng paraan upang wasakin ko ang inyong mga rebulto pagkatapos ninyong tumalikod at umalis.” (Quran 21:57) (salin ng kahulugan)

Dumating ang panahon ng isang pangrelihiyong pagdiriwang, na kung saan ang lahat ay aalis ng bayan, at si Ibrahim ay inanyayahang dumalo. Kaya, siya'y napatingala sa bituin at nag-isip, at nagdahilan sa pagsabing;

“Masama ang aking pakiramdam!” (Quran 37:89) (salin ng kahulugan)

Umalis ang buong sambayanan at naiwan siyang mag-isa. Walang katao-tao sa templong simbahan nila, naging pagkakataon ito. Nagpunta siya roon, nagtungo sa mga ginintuang mga rebulto, na may mga pagkaing iniwan ng mga pari sa harap ng mga ito. At kanyang sinabi bilang panlalait:

“Hindi ba kayo kakain nitong mga inialay sa inyo? Bakit hindi kayo nagsasalita?’” (Quran 37:91-2 ) (salin ng kahulugan)

At sa kabila ng lahat, ano ang makapaglinlang sa tao na sumamba sa mga diyus-diyusang estatwa na siya rin mismo ang nag-ukit?

“Sinugod niya ang mga ito ng malakas na paghampas gamit ang kanyang kanang kamay.” (Quran 37:93) (salin ng kahulugan)

Sabi sa Qur'an,

“pinagwawasak niya ang mga ito na naging pira-pirasong maliliit maliban sa isa na pinakamalaki sa mga ito.” (Quran 21:58) (salin ng kahulugan)

At nang bumalik ang mga pari sa templo, sila ay nasindak nang makita ang sa kanila ay kalapastanganan, ang pagkawasak ng templo. Nagtataka sila kung sino ang maaaring makagawa nito sa kanilang mga rebulto. At nang may nagbanggit tungkol sa isang batang nagngangalang Ibrahim, na siya raw ay nagsasalita ng masama laban sa mga ito. At nang siya ay kanilang pinatawag, matatag na sumalubong si Ibrahim at ibinulalas sa kanila ang kanilang kamangmangan,

“Sinabi niya: sinasamba ba ninyo itong mga hinugis at inukit ninyo, samantalang ang Allah naman ang naglikha sa inyo at sa inyong mga ginawa?” (Quran 37:95) (salin ng kahulugan)

Ang kanilang galit ay nangibabaw; bingi nang makinig ng pangangaral, sila ay dumeritso sa usapan:

“Ikaw ba ang gumawa nito sa aming mga diyos, O Ibrahim?” (Quran 21:62) (salin ng kahulugan)

Ngunit sadyang iniwan ni Ibraham ang malaking rebulto na hindi winasak para sa isang dahilan:

“Sinabi niya: ang nagwasak ay iyang malaking rebulto na yan, kung kaya’t tanungin ninyo iyang mga rebulto na iyan kung sila ay may kakayahang sumagot!’”(Quran 21:63) (salin ng kahulugan)

Nang hamunin sila ni Ibrahim, sila ay nataranta. Sinisi nila ang bawat isa bakit hindi nagguwardiya sa mga rebulto, iniiwasan nilang salubungin ang kanyang mga mata, kanilang sinabi:

“Paano namin tatanungin ang mga ito samantalang alam mo naman na ang mga ito ay hindi nakapagsasalita!”(Quran 21:65) (salin ng kahulugan)

Kaya idiniin ni Ibrahim ang kalagayan (o nangatwiran).

“Sinabi Niya: 'Sa halip na ang Allah lamang ang sambahin ay sumasamba kayo sa mga diyus-diyusang hindi nakakapagdudulot sa inyo ng pakinabang at hindi din makakapagpanakit sa inyo? Napakasama ninyo at ng inyong mga diyus-diyusan, na sinasamba maliban sa Allah, hindi ba ninyo ito naiisip at napag-aalaman na napakasama ng inyong kalagayan?’”(Quran 21:66-67) (salin ng kahulugan)

Ang mga nagsasakdal ay silang naging inakusahan. Sila ay inakusahan ng lohikal na pagkakasalungat, at sa gayon ay walang maisagot kay Ibrahim. Dahil ang pangangatuwiran ni Ibrahim ay hindi nila masagot, ang kanilang pagtugon ay galit at kabangisan, at isinumpa nila si Ibrahim upang sunuging buhay,

“Gumawa ng pugon at itapon siya sa naglalagablab na apoy!.” (Quran 37:97) (salin ng kahulugan)

Ang buong sambayanan ay tumulong sa pagtitipon ng kahoy para sa apoy, hanggang sa ito ay ang naging pinakamalaking sunog na kanilang nakita. Ang batang si Ibrahim ay nagsumiti sa kahihinatnan na pinili para sa kanya ng Panginoon ng Sanlibutan. Hindi siya nawalan ng pananampalataya, sa halip ang pagsubok ay nagpalakas sa kanya. Si Ibrahim ay hindi nahintakutan sa harap ng isang maapoy na kamatayan kahit sa murang edad niya na ito; sa halip ang kanyang mga huling salita bago ipinasok dito ay,

“Sapat na ang Allah para sa akin at Siya ang pinakamahusay na Tagapagsaayos ng mga suliranin.” (Saheeh Al-Bukhari) (salin ng kahulugan)

Narito muli ang pagiging huwaran ni Abraham na nagpapatunay sa kanyang tunay na pagkamatatag sa mga pagsubok na kinakaharap. Ang kanyang paniniwala sa Totoong Diyos ay nasubok dito, at pinatunayan niya na siya rin ay handa na isuko pati ang kanyang buhay sa panawagan ng Diyos. Ang kanyang paniniwala ay napatunayan sa kanyang pagkilos.

Hindi ginusto ng Allah na ito ang kahihinatnan ni Ibrahim, sapagkat siya ay may isang dakilang misyon sa kanyang hinaharap. Kaya iniligtas Niya si Ibrahim bilang tanda para sa kanya at sa kanyang sambayanan..

“Sinabi namin: 'O apoy, ikaw ay maging malamig at mangalaga kay Ibrahim. At ninais nila na saktan siya , datapuwa't Aming ginawa sila na pinakamasamang talunan.” (Qur'an 21:69-70) (salin ng kahulugan)

Si Ibrahim ay nakaligtas sa apoy na walang naging pinsala.

Matapos ang mga taon ng pag-uusig, si Ibrahim at ang kanyang pamilya ay nalamang lumipat sa Harran sa timog-silangan ng Turkey upang magpatuloy sa pangangaral ng katotohanan. Habang nasa Harran, patuloy ang pangangaral ni Ibrahim sa kanyang ama, ngunit ang kanyang ama ay patuloy pa rin sa kanyang pagtanggi. Sa huli, sinabi niya,

“Kung hindi ka titigil sa iyong pag-aalipusta ay pagbabatuhin kita! kung kaya, lumayas ka at lumayo ka sa akin!” (Quran 19:46) (saling ng kahulugan)

Sa pagtaboy ng kanyang ama, lumisan si Ibrahim at nag-iwan ng mabuting salita,

“Kapayapaan ay sumainyo mula sa akin! Idadalangin ko sa aking Panginoon ang iyong gabay at kapatawaran. Katiyakan, ang Allah na aking Panginoon ang Ganap na Mapagmahal at Maawain sa akin. At ako ay lalayo mula sayo at sa iyong mga diyos-diyosan na mga sinasamba bukod sa Allah, at ako ay nananalangin sa aking Panginoon nang taimtim, na nawa ay hindi maging bigo ang aking panalangin sa aking Panginoon.” (Qur'an 19:47-48) (salin ng kahulugan)



Talababa:

[1] Quran 19:41-50

[2] Quran 21:51

[3] Quran 6:80

[4] Quran 26:69-76

[5] Quran 29:16-19

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Abraham (Unang-bahagi sa 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.