Naglo-load...

Halinang Kilalanin si Muhammad (Sumakanya nawa ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah) (Ikalawang parte sa dalawang aralin)

Marka:

Deskripsyon: Pangalawang (2) parte sa dalawang bahagi ng aralin sa pagkilala sa lalaki na nagngangalang Muhammad (Mapasakanya nawa ang Kapayapaan) na ang pangalan ay nabanggit sa Shahadah o kapahayagan ng pananampalataya.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 17 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 107 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,206 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Kinakailangan

·Ang Pagpahayag ng Pananampalataya

Mga Layunin

·Upang malaman ang kahalagahan ng Pagpapahayag ng Pananampalataya.

·Upang malaman ang kahulugan ng pangalawang bahagi ng Pagpapahayag ng Pananampalataya.

Mga Arabikong Katawagan

·Shahadah - Pagpapahayag ng Pananampalataya.

·Tahajjud - Kusang-loob o boluntaryong pagdarasal na isinasagawa sa gabi.

Pinangunahan niya ang isang simpleng buhay ng walang anumang karangyaan o pagmamalabis! Tinalikuran niya ang mga makamundong buhay at lumayo dito. Itinuring niyang kulungan ang mundo, hindi Paraiso.

Kung kanyang naisin, ay maaari siyang magkaroon ng anumang bagay na kanyang gustuhin dahil sa susi ng mga kayamanan na ipinakita sa kanya, nguni't tumanggi siyang tanggapin ang mga ito.

Hindi niya ipinagpalit ang kanyang bahagi sa Kabilang buhay para sa makamundong buhay na ito. Alam niya na ito ay isa lamang pasilyo, at hindi permanenteng tirahan. Naintindihan niya ng lubusan na ito ay isang himpilan, hindi isang lugar libangan. Ginamit niya ito sa kanyang tunay na kahalagahan - tulad ng isang ulap sa tag-init na kakalat ng mabilis.

Gayunpaman, sinabi ng Allah na siya ay Kanyang pinagyaman mula sa kahirapan:

"Hindi ka ba Niya nakitang naghihirap at pinagyaman ka?" (Mula sa Qur'an- 93:8)

Si Aisha (Kalugdan nawa siya ng Allah), ang kanyang maybahay, ay nagsabi:

" May isang buwan na lumipas na ang pamilya ni Propeta Muhammad (SAW) ay hindi nagningas o nagsindi ng apoy sa kanilang mga tahanan. Sila ay nabuhay sa dalawang mga bagay - mga datiles at tubig. Ang ibang Ansar na kanyang mga kapitbahay ay nagpapadala ng gatas mula sa kanilang tupa, kung saan ay kanyang iinumin at pagkatapos ay ibibigay sa kanyang pamilya." (Saheeh Al Bukhari at Saheeh Muslim)

Kanyang sinabi na ang pamilya ni Propeta Muhammad (Sumakanya nawa ang Habag at Pagpapala ng Allah), ay hindi kumain ng tinapay na sapat sa kanilang pangangailangan o kasiyahan sa loob ng tatlong magkakasunod na araw mula sa panahon ng pagdating niya sa Madina hanggang sa siya ay mamatay, sa kabuuan ng halos 10 mga taon!

Sa kabila ng mga ito, siya ay tumatayo sa kalagitnaan ng gabi upang mag-alay ng kanyang pasasalamat sa kanyang Nag-iisang Panginoon sa pamamagitan ng pagdarasal, ang dasal sa gabi o Tahajjud. Siya ay magdarasal ng matagal na hanggang ang kanyang mga paa ay mamaga! Nang siya ay tanungin kung bakit siya sumasamba sa Allah ng labis, ang kanyang tugon ay:

"Hindi ba ako dapat na maging isang mapagpasalamat na alipin sa Allah?" (Saheeh Al-Bukhari at Saheeh Muslim)

Si Omar (Kalugdan nawa siya ng Allah), isa sa malapit niyang kaibigan, ay ginunita ang mga araw niya na lumipas na siya ay gutom, at nagsabi na kung minsan ang Propeta (SAW) ay wala kahit na lumang datiles upang mapawi ang kanyang gutom!

Si Abdullah Ibn Mas'ud, isa pang kasamahan ng Propeta (SAW), ay minsang nagsabi, na kapag ang Propeta (SAW) ay gumising mula sa kanyang pagtulog, ang mga marka ng higaan na yari sa mula sa dahon ng puno ng datiles na kanyang ginagamit sa kanyang pagtulog ay nakaukit sa kanyang katawan, si ibn Mas'ud ay naghinanakit:

"Ang aking ama at ina ay maaring tumulong sa iyo! Bakit hindi mo kami hayaang maghanda ng isang bagay na (mas malambot) para sa iyo, kung saan maaari mong pangalagaan ang iyong sarili.?

Siya ay tumugon:

'Wala akong magagawa sa mundong ito. Ako ay nasa mundong ito tulad ng isang manlalakbay na hihinto sa ilalim ng lilim ng puno sa isang maikling panahon at, pagkatapos ay magpapahinga, muling magpapatuloy sa kanyang paglalakbay, na iiwan ang puno pagkaraan." (Al-Tirmidhi)

Ang iba't-ibang mananakop sa mga salaysay ng kasaysayanay ay kilala sa pagpapadanak ng dugo at pagtatayo ng mga mataas na baytang ng mga bungo. Si Propeta Muhammad (SAW) ay kilala sa kanyang pagiging mapagpatawad. Kailanman siya ay hindi naghiganti mula sa sinuman na nagkamali sa kanya, sa punto na siya ay hindi kailanman nanakit ng kahit sino gamit ang kanyang mga kamay, maging isang babae o isang alipin, maliban na lamang kung siya ay nakikipaglaban sa landas ng Nag-iisang Tagapaglikha (Allah) upang ipagtanggol ang pananampalataya.

Ang kanyang kapatawaran ay makikita sa araw na siya ay pumasok sa Makkah bilang isang mandirigma pagkatapos ng walang taong pagkakatapon sa ibang lugar.

Pinatawad niya ang marami sa mga umusig o umapi sa kanya, at ang sapilitang nagpatapon sa kanya at sa kanyang pamilya sa loob ng tatlong taon, sa mga tumawag sa kanya na isang baliw, isang manunula, at sinasanibang tao. Pinatawad niya si Abu Sufyan, isa sa pinakamasamang tao na nagplano ng pag-uusig sa kanya, araw at gabi, kasama ang kanyang asawa, si Hind na pumutol-putol sa bahagi ng patay na katawan ng tiyuhing Muslim ng Propeta (SAW) at kumain sa hilaw na atay pagkatapos mag-utos kay Wahshi, isang mabangis na alipin na kilala sa kanyang mga kasanayan sa pakikipaglaban, upang siya ay patayin, na sa kalaunan ay humantong sa kanila na tanggapin ang Islam. Sino pa ang maaaring magkaroon ng tulad ng isang may mataas na pamantayan ng pag-uugali maliban sa pinaka-marangal at pinaka-matapat na Sugo ng Allah (SAW)?

Si Wahshi, isang alipin mula sa Makkah, ay nakamit ang kanyang kalayaan sa mga unang taon ng Islam mula sa kanyang amo o nagmamay-ari kapalit ng pagpatay kay Hamza, ang tiyuhin ni Propeta (SAW), kung saan ang katawan ay pinutol-putol. Nang ang Islam ay dumating sa Makkah, siya ay tumakas papunta sa ibang lungsod, ang Taif. Sa huli ang Taif ay sumuko din sa mga Muslim. Sinabi sa kanya na pinapatawad ni Propeta Muhammad (SAW) ang sinumang tumatanggap sa Islam. Kahit na ang nagawang pagkakasala ay lubhang malaki. Tinipon ni Wahshi ang kanyang tapang at pumunta sa kanya (Propeta) at ipinahayag ang kanyang pagpasok sa Islam, at siya ay pinatawad ni Muhammad (SAW). pinatawad din niya ang dating nagmamay-ari kay Wahshi, na si Hind, ang babae na pumutol-putol sa patay na katawan ni Hamza at kumain sa kanyang puso at atay dahil sa kanyang labis na galit sa Islam!

Ang kanyang pagpapatawad ay umabot hanggang kay Habbar. Noong panahon na ang kanyang sariling anak na babae, na si Zaynab (Kalugdan nawa siya ng Allah), ay mangingibang-bayan mula Makkah hanggang sa Madina, sinubukan ng mga paganong taga-Makkah na pwersahan siyang patigilin. Si Habbar ay isa sa kanila. Ginawa niyang paglakbayin ang buntis na anak na babae ng Propeta (SAW) mula sa Kamelyo. Bilang resulta, nawala ang kanyang dinadalang sanggol! Upang makatakas mula sa pag-uusig sa kanyang ginawang mga krimen, umalis si Habbar papuntang sa Iran, nguni't binuksan ng Allah ang kanyang puso pabalik sa Propeta (SAW). Kaya nagpakita siya at inamin at pingsisihan ang kanyang mga kasalanan (SAW) , nagpahayag ng pagpapatotoo o paniniwala, at siya ay pinatawad ng Propeta (SAW)!

Itinuro niya ang kanyang daliri sa buwan, nahati ito ni Muhammad (SAW) sa dalawa. Sa loob ng isang gabi, ay nilakbay niya mula Makkah hanggang sa Jerusalem, pinamunuan ang lahat ng mg Propeta sa pagdarasal, at pagkatapos ay umakyat lagpas sa ikapitong Langit upang makipagkita sa kanyang Nag-iisang Panginoon. Pinagaling niya ang may sakit at ang bulag. Iniwanan ng mga demonyo ang kanilang sinapian sa pamamagitan ng kanyang utos, ang tubig ay umagos mula sa kanyang mga daliri, at ang kanyang pagkain ay maririnig na nagpagpupuri sa Allah.

Sa kabila nito, siya ang pinaka-mapagpakumbaba sa lahat ng tao.

Umuupo siya sa sahig o sa lupa, kumakain sa lapag, at natutulog sa sahig.

Isinalaysay ng isang kasamahan na kapag may isang dayuhan na darating sa isang pagtitipon kung saan siya naroroon, ay hindi niya makikilala kung sino ang Propeta (SAW) mula sa kanyang mga kasamahan dahil sa kanyang pagka-mapagpakumbaba.

Si Anas, ang kanyang tagapaglingkod, ay sumumpa na sa loob ng siyam na taon niyang paglilingkod, kailanman ang dakilang Propeta (SAW) ay hindi siya pinarusahan o sinisi sa kahit na anong bagay..

Ang kanyang mga kasamahan ay inilarawan siya bilang isang labis na mapagpakumbaba na kahit na ang isang maliit na batang babae ay mahahawakan ang kanyang kamay at madadala siya kahit saan niya naisin. Palagi siyang pumupunta sa mga mahihina kasama ang mga Muslim upang bisitahin ang maysakit at dumalo sa mga prusisyon ng kanilang libing. Palagi siyang nananatili sa likod ng grupo ng mga tao o karawan upang gamutin ang mahihina at manalangin para sa kanila. Hindi siya nag-aatubiling lumakad kasama ng isang balo at isang mahirap na tao, o kahit na ang isang alipin hanggang sa matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Tumutugon siya kahit na sa paanyaya ng mga alipin na kumain ng hindi hihigit sa tinapay na gawa sa sebada o barley na sila ay kasama.

Siya ang pinaka-mabuting tao sa kanyang pamilya. Inilarawan ni Aisha (Kalugdan nawa siya ng Allah) ang kanyang kababaang-loob:

"Nananatili siyang abala sa paglilingkod at pagtulong sa kanyang buong pamilya, at kapag dumating ang oras ng pagdarasal o Salah, ay magsasagawa siya ng paghuhugas o Wudhu at aalis para magdasal. Tinatagpian niya ang kanyang sariling mga tsinelas at tinatahi ang kanyang sariling mga damit. Siya ay isang pangkaraniwang tao... na ginagatasan ang kanyang tupa, at ginagawa ang sarili niyang mga gawain." (Saheeh Al-Bukhari)

Tunay na siya ay pinaka-mabuti sa kanyang pamilya. Ganito ang kanyang mga katangian na ang mga tao ay di lumalayo mula sa kanya!

Siya ang pinaka-matapang, ang pinaka-walang takot, at ang pinaka-malakas ang loob sa lahat ng kalalakihan sa larangan ng digmaan. Ang mandirigma ng Ansar, si Al-Bara ay nagulat at napasigaw:

"Nang tumindi ang labanan, ay hinangad namin ang proteksyon sa tabi ng Propeta (SAW) at siya ang pinaka-matapang sa amin sa mabilis na bugso ng pagsalakay." (Saheeh Al-Bukhari at Saheeh Muslim)

Ang matapang na lalaki ng Arabya, Si Ali - ang mandirigma ng Khaybar - inilarawan ang kagitingan ng Propeta (SAW):

"Sana'y nakita mo ako sa araw ng Labanan ng Badr, ng hinangad namin ang proteksyon sa tabi ng Propeta (SAW). Siya ang pinaka-malapit sa amin sa kalaban at siya ang may pinaka-masidhing kagustuhan sa pakikipaglaban sa araw na iyon!" (Mula sa Shar Al-Sunnah)

Ganito ang dakilang Propeta ng Allah na dapat nating mahalin ng higit kaysa sa ating mga sarili at ganito siya inilarawan ng Nag-iisang Panginoon:

"Katotohanan, sa pamamagitan ng Sugo ng Allah (SAW), ikaw ay mayroong isang mabuting halimbawa para sundin." (Qur'an - 33:21)

Sumumpa ang Allah para sa kanyang perpektong pag-uugali:

"Nūn. Sa pamamagitan ng panulat at kung ano ang isinulat ng mga Anghel.

Ikaw (O Muhammad) ay hindi (sa tagapagkaloob sayo ng biyaya) isang baliw!

katotohanan, mapapasaiyo ang isang walang katapusang gantimpala - pagmasdan, ikaw ay nasa mataas na pamantayan ng pag-uugali." (Qur'an - 68:1-4)

Ang lahat ng tungkol sa kanya - kanyang mga katangian, pag-uugali, mga pahayag, at kapuri-puring pamumuhay - ay humihimok sa isang tao na magkaroon ng pananampalataya gaya ng ipinahayag sa Qur'an:

"Katotohanan, sa pamamagitan ng Sugo ng Allah (SAW) ikay ay mayroong isang mabuting halimbawa para sundin." (Qur'an - 33:21)



Mga dapat tandaan:

[1] Ansar: Mga taong dumating upang tumulong sa... Isang katawagan na ibinigay nang Propeta (SAW) sa mga Muslim na naninirahan sa Madina na tumanggap sa mga nangingibang-bayan (o Muhajiroon) mula sa Makkah at tumulong sa kanila upang masanay sa kanilang bagong tahanan.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Halinang Kilalanin si Muhammad (Sumakanya nawa ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah) (Ikalawang parte sa dalawang aralin)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.