Naglo-load...

Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 3 ng 4)

Marka:

Deskripsyon: Pambungad sa kalipunan ng hadith, ang pangangalaga at paghahatid. Bahagi 3: Ikalawang yugto sa koleksyon ng hadith at si Sahifah ng Hammam ibn Munabbih.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 96 - Nag-email: 1 - Nakakita: 5,560 (pang-araw-araw na average: 2)


Kinakailangan

·Gabay ng mga Baguhan para sa Hadith at Sunnah.

Mga Kinakailangan

·Pahalagahan ang mga pagsisikap at sigasig ng mga kasamahan sa pagpapanatili at paghahatid ng Sunnah.

·Pahalagahan ang paglalakbay sa paghahanap para sa hadith ng mga naunang mga Muslim.

·Maunawaan ang kahalagahan ni Sahifah ng Hummam ibn Munabbih sa masusing pagtitiyak ng mga nakasulat na pagpagpapanatili sa Sunnah mula sa mga unang panahon.

Mga Terminong Arabik

·Sunnah- ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.

·Hadith - (plural – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.

·Fiqh – Islamikong batas.

Ikalawang Yugto sa Kalipunan ng Hadith

Sa pagkamatay ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ang pagsasagawa sa pangangalaga ng Sunnah at ng koleksyon ng hadith ay pumasok sa ikalawang yugto.

Ipinarating ng mga Kasamahan ang kaalaman dahil sa tingin nila ay kailangan ito ng tao, at may lubos na kabatiran sa pagkakasala ng pagkakait ng kaalamang ito. Kung kaya't, inilaan nila ang halos lahat ng kanilang oras sa pagtuturo nito ng palagian. Sa mga kasamahan ng Propeta, ang relihiyon na kanyang dinala ay walang katumbas na hiyas; isa itong bagay na pinapahalagahan nila higit pa sa lahat dito sa mundo. Para sa kapakanang ito ay ipinagpalit nila ang kanilang mga ugnayan, ang kanilang negosyo at maging ang kanilang mga tahanan; ibinuwis maging ang kanilang buhay sa pagtatanggol nito; upang panghawakan ang mabunying biyayang ito, ang dakilang kaloob na ito ng Diyos, ang siyang tunay na layunin ng kanilang buhay para sa ilan. Kaya naman ang pagpapalaganap ng kaalaman ang siyang una at pangunahin nilang hangad. Karagdagan pa dito, ang Propeta ay nagbilin, sa mga nakakita at nakinig sa kanyang mga salita, na iparating ang anuman sa kanilang nakita at narinig sa mga susunod na salin-lahi. Tunay nga na naging tapat sila sa dakilang tungkulin na iniatang sa kanila.

Matapos ang pagpanaw ng Propeta, ipinagpatuloy ng mga Kasamahan ang pagpapalaganap ng mensahe ng Islam hanggang sa pinakadulo ng mundo. Saan man sila mapunta, at saan mang bansa sila mapadpad, daladala nila ang Quran at ang Sunnah. bilang resulta, wala pang isang dekada pagkatapos ang pagpanaw ng banal na Propeta , naihatid ng mga Kasamahan ang Liwanag ng Islam sa mga bansang Afghanistan, Iran, Syria, Iraq, Egypt, at Libya. Taglay rin nila ang kaalaman sa Sunnah. Kung kaya't, hindi lamang nanatili sa Medina ang lahat ng kaalaman hinggil sa Sunnah. Ilan sa mga Kasamahang nagtungo sa Iraq (katulad ni Abdullah ibn Masud) o sa Egypt (gaya ni ‘Amr Ibn al-Aas) ay dala dala din ang kaalaman tungkol sa Sunnah. Ipinamana naman ng mga Kasamahan ang kaalaman sa Sunnah sa kanilang mga magaaral bago sila mamatay.

Ang bawat isa sa kanila, kahit na may iisang pangyayari lamang na nalalaman patungkol sa buhay ng Propeta, ay itinuturing na isang tungkulin ang pagpaparating nito sa iba. Ang mga katulad nina Abu Hurairah, Aisha, ‘Abdullah ibn ‘Abbas, ‘Abdullah ibn ‘Umar, ‘Abdullah ibn ‘Amr, Anas ibn Malik at maraming iba pa na ginawang layunin sa buhay ang pagpapanatili ng Sunnah, ang siyang naging pangunahing instrumento na siyang pinagkukunan ng mga tao mula sa ibat-ibang dako ng Islamikong mundo ng kanilang kaalaman patungkol sa Propeta at kanyang pananampalataya.

Si Abu Hurairah lamang ay mayroon nang walong daang mga tagasunod. Ang tahanan ni Aisha ay pinupuntahan din ng daan-daang masisigasig na mga magaaral. Ang reputasyon ni ‘Abdullah ibn ‘Abbas ay tunay ring kamangha-manga, at, sa kabila ng kanyang kabataan, mayroon siyang natatanging puwang sa konseho ni Umar dahil sa taglay niyang kaalaman sa Quran at sa Sunnah. Kaya't ang nakararaming bilang ng mga kasamahan ng Propeta ay naging daan sa pagpapalawak ng kaalaman sa pananampalataya.

Ang pagiging masigasig ng bagong henerasyon sa pagkakaroon ng kaalaman sa pananampalataya ay katulad ng isang magaaral na naglalakbay sa ibat-ibang lugar upang makumpleto ang kanilang kaalaman sa Sunnah at patotohanan ang hadith ng Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Ilan sa kanila ay naglakbay pa ng malayo upang magkamit lamang ng direktang impormasyon tungkol sa isang hadith. Bilang halimbawa, si Jabir ibn ‘Abdullah ay naglakbay mula sa Medina patungong Syria para lamang sa isang hadith. Isang buwang paglalakbay, ayon mismo kay Jabir.[1] Isa pa sa Kasamahan, si Abu Ayoub, na naglakbay patungo sa Egypt upang tanungin lamang si Uqba bin Amr tungkol sa isang hadith. Sinabi niya kay Uqba na tanging sila lamang ni Uqba ang natitirang nakarinig ng partikular na hadith na iyon ng Propeta. Matapos marinig ang hadith, ay nakumpleto na rin ang kanyang pakay sa Egypt at nagbalik sa Medina. Si Saeed ibn Musayyab ay naiulat na nagsabing naglakbay siya ng ilang araw at gabi sa paghahanap ng isang hadith. Isa pang kasamahan ng Propeta ay sinasabing nagsagawa ng paglalakbay sa Egypt para lamang sa isang hadith. Ang sigasig ng bagong henerasyon ay kahanga-hanga rin. Si Abul ‘Aliya ay iniulat na nagsabi: “Narinig namin ang hadith tungkol sa Propeta, ngunit hindi kami kuntento hanggat hindi namin napupuntahan ang tinutukoy na tao at direkta itong marinig sa kanya.”

Ang pagsusulat ng Hadith: Si Sahifah ng Hammam ibn Munabbih

Isa ito sa mga unang koleksiyon ng hadith. Ang naisulat na kalipunan ng hadith ng Kasamahan na si Abu Hurairah na idinikta sa kanyang magaaral na si Hammam. Si Abu Hurairah mismo ay hinahati ang gabi sa tatlong bahagi: isang ikatlo para sa pagtulog, isang ikatlo para sa pagdarasal, at isang ikatlo para sa paggunita ng hadith ng Propeta. Mula nang pumanaw si Abu Hurairah noong mga 48 na taon matapos ang Propeta (58 A.H.) Bago iyon ay maaaring naidikta ito ni Sahifah kay Hammam. Namatay si Hammam noong 101 A.H. Binasa ni Hammam ang hadith na ito sa kanyang estudyanteng si Ma’mar (d. 113 A.H.). Si Ma’mar naman ay binasa ito kay Abdur-Razzaq ibn Hammam, na isinalin ito sa dalawa sa kanyang mga estudyante: Imam Ahmad ibn Hanbal at Yusuf al-Sulami.

Tinipon ni Imam Ahmad ang lahat ng iyon, maliban sa dalawang hadith sa kanyang Musnad sa halos magkatugmang pagkakasunod gaya nang kung paano ito naitala sa Sahifah, Kung saan ay ipinagpatuloy naman ni Yusuf al-Sulami ang paghahatid ng lahat ng iyon na hindi pinagsama-sama sa isang malaking pagtititipon-tipon Patuloy itong nagpasalin-salin hanggang sa ika-9 na siglo, na siyang panahon ng Berlin manuscript, isa sa 4 na manuskritong kanyang ginawa na nananatili magpasa-hanggang ngayon.

Ang Musnad ni Imam Ahmad ay nakaayos ayon sa Kasamahan na nagsasalaysay ng hadith, madali na lamang makikita ang lahat ng hadith mula kay Hammam sa kapamahalaan ni Abu Hurairah. Ilan sa mga aklat, kung saan ang mga hadith ay nakaayos ayon sa mga paksa ng fiqh, ay naglalaman din ng mga karamihan mula sa Sahifa. Mula sa 137 na mga hadith na nasa Sahifa ng Hammam:

29 ay kapwa naitala nina Bukhari at Muslim,

22 at ilan pa ay naitala ni Bukhari lamang,

48 iba pa ay naitala ni Muslim lamang.

Kaya't 99 mula sa 137 na hadith ay matatagpuan sa Bukhari at Muslim lang. Kapag pinag aralan ang pagkakaiba ng mga koleksyon ng hadith na nailathala ay makikita na ang mga kahulugan -o mga pananalita - ng hadith ay hindi nabago mula sa kapanahunan ni Abu Hurairah hanggang sa panahon ni Al-Bukhari (194-256 A.H.). Sa komento ni Hamidullah:

“Ipagpalagay na si Al-Bukhari ay bumanggit ng Hadith sa kapamahalaan ng mga nabanggit na pinanggalingan (Ahmad - Abdur-Razzak - Mamar - Hammam - Abu Hurairah). Habang ang mga mas lumang mga mapagkukunan ay hindi na magamit, hindi masisisi ang mga mapaghinala na pagisipan ito at sabihing marahil si Al-Bukhari ay nagsisinungaling, o kapwa huwad ang kawing na pinanggalingan o ang nilalaman. Subalit ngayon na ang lahat ng naunang mga gawa ay abot-kamay lamang, malabo ang posibilidad na isiping gawa-gawa lamang ang mga binanggit ni Al-Bukhari, o nagsasaysay siya ng mga bagay na narinig lamang niya mula sa mga mandaraya. Sa pagkakatuklas ng mga naunang gawa nito lamang, madali na para sa atin na patotohanan ang mga iyon. Ang isang tao ay mapipilitang tanggapin ang lahat ng iyon bilang ganap at tunay dahil ang mga tradisyon ay naisalin hindi lamang ni Abu Hurairah, kung hindi man, mag-isa lamang siya, sa pamamagitan ng ibang mga Kasamahan ng Propeta, at sa bawat sitwasyon ay ang kawing o isnad ay nagkakaiba. Kahit na sa paglipas ng humigit sa 13 siglo, walang anumang naging pagbabago sa texto ng koleksyon. Kung hindi lamang dahil sa baka mabagot ang mga mambabasa, mas madaling ipakita sa maayos na detalye, kung paanong, bilang karagdagan kay Abu Hurairah, bawat isa sa mga tradisyon na nilalaman sa sahifah ng Hammam, ay maiuugnay sa iba't ibang mga kasamahan. Ang mga tradisyon na ito ay hindi kailanman maaaring palsipikahin sa ika-3 o ika-4 na siglo.”[2]

komentaryo



Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari #???

[2] Sahifah Hammam ibn Munabbih, ni Muhammad Hamidullah, pp. 79-81.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 3 ng 4)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.