Pangitain / Pamahiin
Deskripsyon: Isang pangkalahatang-ideya ng mga pangitain na karaniwang matatagpuan sa modernong lipunan, ang kanilang mga posibleng pinanggalingan at ang Islamikong perpestibo sa mga pangitain na ito.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 107 - Nag-email: 0 - Nakakita: 17,996 (pang-araw-araw na average: 7)
Mga Kinakailangan
·Paniniwala sa Allah (2 bahagi).
Mga Layunin
·Upang maunawaan kung gaano kalawak ang mga pangitain sa modernong lipunan.
·Upang malaman ang pinakamalapit na kahulugan ng Pangitain.
·Upang ipakita ang pangkalahatang-ideya ng mga karaniwang mga pangitain at ang kanilang posibleng mga pinagmulan.
·Upang bigyan ng Islamikong paghatol ang mga Pangitain
·Upang ituro ang panalangin para sa paghingi ng kapatawaran dahil sa paniniwala sa mga pangitain.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Tawheed – Kaisahan at Pagkabukod-tangi ng Allah sa Kanyang Pagka-Panginoon, Kanyang Pangalan at mga Katangian at sa Kanyang karapatan sa bukod-tangi na Pagsamba.
·Shirk – salita na tumutukoy sa pagtambal, o nagsasaad ng mga katangiang banal ng ibang nilikha maliban pa sa Allah, o paniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at pagpapala ay nagmumula sa iba maliban pa sa Allah.
·Tiyarah – Paniniwala sa pangitain sa pamamagitan ng paggalaw ng mga ibon o mga bagay.
Ang Pangitain ay tumutukoy sa isang tanda ng isang pangyayari sa hinaharap. Ang Ilan sa mga Pangitain ay pinapaniwaalan bilang magandang kapalaran at ang iba naman ay kamalasan. Maraming mga pamahiin, mabuti o masama ang laganap na pinapaniwalaan sa mundo, at ang isang Muslim ay kinakailangang may malinaw na pag unawa kung paano ito nakaka apekto sa kanilang paniniwala. Ang mga Pangitain ay hindi lamang basta mga walang kabuluhang bagay na pinapaniwalaan ng mga tao; ito ay mula sa pagano, hindi-Islamikong ideya. Ating pagkatandaan na ang 'idolatry' ay hindi umusbong ng magdamag lamang. Ang mga Pamahiin ay may pinag ugatan at ito ang nag bukas ng pintuan sa pag samba sa mga imahe, mga diyos na tao at sa mga bituin. Dahan-dahang nakakalimutan ng tao ang purong mga aral ng kanilang mga propeta – tawheed - at pinaghalo nila ito sa mga pamahiin. Isinasara ng Islam ang lahat ng ganitong mga paniniwala at binubuklod ang bawat pamahiin na maaaring makasira sa simple at dalisay na paniniwala sa Kaisahan at Pagkabukod-tangi ng Allah sa Kanyang Pagka-Panginoon, Kanyang Pangalan at mga Katangian at sa Kanyang karapatan sa bukod-tangi na Pagsamba -tawheed.
Ang mga sumusunod ay ilang sa mga halimbawa ng mga naglipanang mga Pamahiin:
(1) Ang pagkabasag ng salamin ay nangangahulugan ng pagdurusa ng pitong taon at masamang kapalaran: bago pa ma-imbento ang mga salamin, ang tao ay tumitingin sa kanyang anino, na itinuturing bilang kanyang 'ibang sarili', sa tubig, sapa, at mga lawa. Kung ang imahe ay sira, ito ay tanda ng nagbabantang kalamidad. Kung kaya yong 'di nababasag' na mga salamin na metal ng mga sinaunang taga Ehipto at Griyego ay pinahahalagahang mga ari-arian dahil sa mahiwaga nitong katangian (buo ang repleksyon ng imahe). Pagkatapos ipakilala ang salamin na mababasagin, ang mga Romano naman ay naniwala na ang mga basag na salamin ay senyales ng pangit na pangitain,sa dahilang ang bawat basag na piraso nito ay nagbibigay ng 'madaming repleksyon ng kanilang mga sarili’. Ang haba ng panahon ng malas na pinapaniwalaan dito ay nagmula sa paniniwala ng mga Romano na ang katawan ng tao ay pisikal na bumabata tuwing ika pitong (7) taon, at dahil dito, ang isang tao nagiging bago ang katauhan.
(2) Pagkatok sa kahoy: ang sinaunang paniniwala na ang mga espiritu ay naninirahan, o binabantayan ang mga puno. Ang mga Greyego ay sumasamba sa kahoy dahil ito ay sagrado kay Zeus, ang mga Celts naniniwala sa mga espiritu ng puno, at sila ay parehong naniniwala sa paghawak sa sagradong puno ay magdadala ng magandang kapalaran. Ang mga Irish ay naniniwala din na ang 'paghawak sa kahoy' ay isang paraan upang pasalamatan ang leprechauns para sa isang magandang kapalaran . Ang mga Pagano ay naniniwala din sa mga espiritu sa kahoy na nagbibigay ng proteksyon. Ang mga Chinese at Koreans iniisip na ang mga espiritu ng mga ina na namatay sa panganganak ay nananatili sa mga malalapit na kahoy. Isa din itong punto sa pagpapaliwanag sa kahoy na krus na pinagsimulan ng ‘good luck,’ kahit pa ito ay hango ng mga Kristiano sa sinaunang paganong mga paniniwala.
(3) Ang di-sinasadyang pagkatapon ng asin ay pinapaniwalan na may kasunod na sakuna o kamalasan, kaya ang ginagawa para hindi mangyari ang inaasahan ay isinasaboy , o itinatapon na ito ng sadya, sa ibabaw ng kaliwang balikat upang salungatin ang paparating o nagbabadyang kamalasan. ang pamahiin tungkol sa asin ay nagsimula na noong kapanahunan ng bibliya na ang asin isa sa mamahaling bilihin. Mahal, at kinakailangan sa pag preserba ng mga pagkain, at kadalasan ding ginagamit pamalit sa pera. Kung kaya ang pagkatapon o pagtatapon ng asin ay itinuturing na mapaminsalang pagkakasala, at iniiwan ang isang tao na nakalantad at maging kasangkapan ng demonyo. Ang pagtatapon ng asin sa ibabaw ng kaliwang balikat ay ipinalagay na kaparaanan upang hindi makalapit ang demonyo kung ikaw ay lubhang lapitin nito. Ang Asin ay ginamit upang bulagin ang demonyo upang hindi niya makita ang iyong mga pagkakamali, o pigilan ang demonyo na sumunod o sumilip habang nililigpit mo ang nakalat na asin
(4) Friday 13th: sa kultura ng mg taga-kanluran, ang a trese (13th) kapag nataon na biyernes ay pinapaniwalaang malas sa loob ng daang taon. Ang ika 13th na palapag sa mga matataas na gusali sa Amerika ay tinatawag na ika 14th na palapag. Ang ika anim na araw sa isang linggo ay ay itinuturing din na malas, tulad sa numero 13. Ang kumbinasyon, na nangyayari ng 1 hanggang 3 beses sa isang taon, ay nagdaragdag sa pagpapatotoo ng pamahiin na ito.
Ang mga tao ay umiiwas bumiyahe sa araw na ito. Ang ilan ay nagsasabi na ang numer o 13 ay sinadyang siniraan ng mga pari dahil ito ay nagrerepresenta ng kahinaan. Ang 13 ay tumutugma sa (menstrual) cycles sa isang taon, at ang numerong ito ay iniuugnay sa sinaunang kultura na sumasamba sa diyosa. Ang mga Hindu ay naniniwala na malas ang 13 katao na magkasama sama sa isang lugar. Ang paniniwalang ito ay sinasang ayunan ng mga Scandinavians. Maraming mga kwento sa bibliya na may negatibong dating na nangyari sa araw ng Byernes, kabilang ang pagpapa alis kina Adan at Eva mula sa Hardin ng Eden, ang pagsisimula ng Dakilang Baha, at ang ipinahiwatig na pagkakapako sa krus ni Jesus.
Islamikong Pagbabatas hinggil sa Pamahiin
Bago ang Islam ipinagpapalagay ng mga arabo ang direksyon kung saan tutungo ang mga ibon na isang senyales ng mabuti o masama na pangitain. Kapag ang isang tao na maglalakbay ay nakakita ng ibon na lumipad sa kanyang ibabaw sa bandang kaliwa, siya ay babalik sa bahay. Ang kaugaliang ito ay tinatawag na 'tiyarah'. Ang mga sinaunang arabo ay ibon ang kanilang pinagbabasehan ng mga pangitain o pamahiin, subalit ang ibang nasyon ay sa ibang bagay. Sa kabuuan, lahat sila ay parepareho ang pag trato sa mga pamahiin o pangitain. Samakatwid, tiyarah ay tumutukoy sa kabuuang paniniwala sa pamahiin /pangitain at ang pagtatambal na pumapaloob o sumasaklaw sa gawain at paniniwala dito at walang pagkakaiba sa prinsipyo. Sa Islam, lahat ng mga ito ay walang bisa at ito ay kabilang sa mga 'kathang kaisipan o paniniwala' lamang, sapagkat ito ay direktang nagtuturo ng importanteng pagsamba ng puso - tiwala sa iba maliban pa sa nag-iisang tagapaglikha ang Allah. Ang Propeta, ang habag at pagpapala ng Allah ay sumakanya nawa, ay nagsabi ,
“Ang Tiyarah ay pagtatambal, at ang sinuman ang magsagawa nito ay hindi kabilang sa atin. Ang Allah ang maglalayo sa atin sa paniniwalang ito (its belief) sa pamamagitang ng pagtitiwala sa Allah lamang” (Al-Tirmidhi)
Isa sa mga kasamahan ng Propeta ay nagsabi na ang ilan sa mga tao ay pinapaniwaalan ang pangitain sa mga ibon. Ang Propeta ay nagsabi,
“Ito ay gawa-gawa lamang ng inyong mga sarili, kaya huwag ninyong hayaan na pigilan kayo nito.” (Saheeh Muslim)
Ang ibig sabihin ng Propeta, ang mga pangitain na ito ay imahinasyon lamang ng tao; kung kaya, hindi nito kailangang pigilan ang nais gawin ninuman. Hindi ginawang pangitain ng Allah ang hugis na nabubuo sa paglipad ng mga ibon bilang mabuti o masamang pangitain.
Ang mga kasamahan ng Propeta ay seryosong isinabuhay ang pagbawal sa paniniwala sa mga pangitain. Si Ikrima ay nagsabi na minsan habang sila ay nakaupo kasama si Ibn Abbas, ang kasamahan ng Propeta, may ibon na lumipad sa ibabaw ng kinaroroonan nila. May isang lalaki napabulalas, ‘Mabuti! Mabuti!’ Sinabi ni Ibn Abbas, ‘Walang mabuti o masama diyan (paglipad ng ibon sa ibabaw nila).’ pagtatama ni Ibn Abbas.
Ang mga mapamahiin o paniniwala na ito ay nagpapahiwatig ng kakayahan na magsanhi ng mabuti o masamang kapalaran sa mga nilikha Ng Allah. At, ang takot sa kasawian at pag-asa sa suwerte ay nagtuturo sa iba pa maliban sa Allah, samantalang ito ay dapat na mag-gabay patungo sa Allah. Ang paniniwalang ito halimbawa pa mang sabihin natin na posible nitong mahulaan ang mga darating na pangyayari, samantalang ang Allah lamang ang bukod tangi na nakaka alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang Allah ay nagsabi sa Propeta sa Maluwalhating Quran na sabihin na kung alam niya ang mga hindi nakikita ( unseen), Ang Propeta, malamang ay inipon na ang lahat ng mabubuti sa kanyang paligid (Quran 7:188)
Ang mensahero ng Allah ay nag sabi,
“Ang Tiyarah ay shirk, ang tiyarah is shirk.” (Abu Dawud)
Sa ibang hadith sinabi niya,
“Ang sinuman na napigilan gawin ang isang bagay dahil sa tiyarah ay nagkasala o nakagawa ng shirk (pagtatambal).” (Al-Tirmidhi, Ibn Majah)
Nang tanungin ng mga kasamahan kung ano ang pagbabayad-sala nito, inutusan niya ang mga ito na bigkasin ang:
Allah-humma la khayraa illa khayruk, wa laa tayra illa tayruk, wa la illaha illa ghayruk.
“O Allah, walang kabutihan maliban sa Inyong kabutihan ,ni mga pangitain maliban sa iyong mga pangitain, at walang diyos bukod sa iyo.” (Ahmad, Tabarani)
Nakaraang Aralin: Pagpupunas sa mga Medyas, Pagbabayad sa Panalangin, at ang Pagdarasal ng Naglalakbay
Susunod na Aralin: Mga Gayuma at Agimat/Dala-dalahan
- Gabay para sa mga Baguhan sa Quran (part 1 of 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 2 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 3 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Hadith at Sunnah
- Ang Kahalagahan ng Pagdarasal
- Mga Kinakailangan sa Pagdarasal
- Kalinisan sa Islam
- Ritwal o espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Ritwal o espesya na Paglinis (Wudoo)
- Pagdarasal ng Dalawang Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Tatlong Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Apat na Yunit o Raka'a
- Pangkalahatang punto hinggil sa Panalangin
- Isang Araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 1 ng 2): Mula pagkagising hanggang sa bandang huli ng umaga.
- Isang araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 2 ng 2): Mula sa Tanghali hanggang sa Pagtulog
- Tadhana ng mga hindi Muslim
- Pagsisisi (bahhagi 1 ng 3): Pintuan ng Kaligtasan
- Paghingi ng Tawad o Kapatawaran (Bahagi 2 ng 3): Mga Kondisyon ng Paghingi ng Kapatawaran
- Pagsisisi (Bahagi 3 ng 3): Pagdarasal para sa Pagsisisi
- Makikita ba natin ang Allah?
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 1 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (Bahagi 2 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 3 ng 4)
- Pangangalaga ng Sunnah (bahagi 4 ng 4)
- Pagkain – Sa pamamaraang Islamiko (bahagi 1 ng 2)
- Pagkain – Sa Islamikong Paraan (Bahagi 2 ng 2)
- Payak na Kapaliwanagan sa Dakilang Talata ng Quran: Aaya tul-Kursi
- Pagpupunas sa mga Medyas, Pagbabayad sa Panalangin, at ang Pagdarasal ng Naglalakbay
- Pangitain / Pamahiin
- Mga Gayuma at Agimat/Dala-dalahan