Naglo-load...

Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)

Marka:

Deskripsyon: Ang paninindigan ng Islam pagdating sa pagtatambal sa pagsamba kay Allah at pagtuturing sa iba ng mga katangiang para lamang sa kanya at natatangi para sa kanya. Bahagi 3: Ang kahulugan ng Shirk at mga uri nito. Mga uri ng malaking shirk.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 89 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,302 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Kinakailangan

·Paniniwala kay Allah (3 bahagi)

Mga Layunin

·Ang matutunan ang kahulugan ng maliit na shirk.

·Ang matutunan ang ilan sa mga karaniwang halimbawa ng maliit na shirk.

o Pampaswerte at pamahiin.

oPanunumpa sa pangalan ng iba maliban pa kay Allah.

oPagpapakitang tao.

·Ang matutunan ang kahulugan ng kalubhaan ng riya.

·Ang maunawaan kung paano ang riya ay makakaapekto sa ating pagsamba.

·Ang matutunan ang dasal para sa proteksiyon sa riya.

·Ang matutunan ang limang pagkakaiba ng malaki at maliit na shirk.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Shirk -ang salitang tumutukoy sa pagtatambal kay Allah, o pagtuturing sa mga banal na katangian maliban pa kay Allah, o paniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, kasamaan at gantimpala ay nagmumula sa iba maliban pa kay Allah.

·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay maraming pakahulugan depende sa uri ng pag-aaral gayunpaman ang pangkalahatan nitong kahulugan na tanggap ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa o sinang-ayunan ng Propeta.

·Ummah - Tumutukoy sa bong kumunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, lenggwahe o nasyonalidad.

·Riyaa – Ay nagmula sa salitang ra'aa na ang kahulugan ay makita, mahawakan o matignan. Kaya naman ang salitang riyaa ay nangangahulugan ng pagpapakitang-gilas, pagkukunwari at pagtatago. Sa Islam ang kahulugan ng riyaa ay gumawa ng pagkilos na kinaluluguran ni Allah ng may intensiyon para sa iba maliban pa kay Allah.

Kahulugan ng Maliit na Shirk

Shirk_and_its_Types_(part_3_of_3)_001.jpgAng maliit na shirk ay tinukoy sa Quran at Sunnah, ngunit hindi humantong sa lebel ng malaking Shirk. Gayundin, ang maliit na shirk ay humahantong sa malaking shirk. Ilang mga iskolar ay nagsasabi na ang maliit na shirk ay napakalawak at mahirap mabigyan ng dipenisyon ng sakto. Ang pinakamahalagang halimbawa ng maliit na shirk ay:

Mga Agimat at Mga Pamahiin

Paggamit ng agimat, gayuma at anumang sinusuot sa katawan para sa proteksiyon laban sa usog, kamalasan o kaisipan na si Allah ay naglagay ng kapangyarihan dito ay isang uri ng maliit na shirk, ito ay tinalakay ng mas detalyado dito.

Panunumpa sa Pangalan ng Iba maliban kay Allah

Ang panunumpa, o pamamanata para sa pangalan ng iba maliban kay Allah ay isa sa uri ng maliit na shirk na ang isang tao ay hindi sinasadya na sumamba sa pangalan ng kanilang sinumpaan, at ito ay magiging malaking shirk. Ang Sugo ni Allah sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan, ay nagsabi,

“Sinuman ang manumpa sa pangalan ng iba malipan kay Allah ay nakagawa ng pagtanggi ng pagsampalataya o shirk.”[1]

Riyaa (Pagpapakitang-tao)

Sabi ng Sugo ni Allah:

“Ang bagay na pinangangambahan ko sa lahat para sa inyo ay ang maliit na shirk.”

Sabi nila: "O Sugo ni Allah, ang ang maliit na shirk?" sabi Niya:

Riyaa (pagpapakitang-tao), sasabihin ni Allah sa Araw na ang mga tao ay hahatulan sa kanilang mga gawa: 'Pumunta kayo sa kung saan kayo ay nagpakitang-tao para sa kanila para sa inyong mabuting gawa sa mundo, at tingnan ninyo kung anong biyaya ang makukuha niyo sa kanila.’” (Ahmad)

Riyaa ay ang pagsasagawa ng pagsamba upang makita at purihin ng mga tao. Ang Riyaa ay inaalis ang saysay ng gawain; ang tao ay umaani ng kasalanan imbes na gantimpala kay Allah, at ito ay magdadala sa kanya sa kaparusahan.

Ang mga tao, likas na gusto niya na siya ay pinupuri, at hindi pabor na pinupuna siya, at ayaw ng kapintasan sa anumang paraan. Sa pananaw ng Islam ang mga gawaing pangrelihiyon na ginagawa upang magpasikat sa iba kaysa sa ikakalugod ni Allah - na ang marapat na para lamang kay Allah ay gagawin para sa tao - ay shirk. Ang Sugo ni Allah ang nagsabi,

“Si Allah (Luwalhatiin at purihin Siya) ay nagsabi: 'Ako ay walang-pangangailangan na hindi ko na kailangan pa na magkaroon ng katambal. Kaya naman doon na siyang gumawa ng kilos para sa iba at para sa Akin ay hindi ko tatanggapin ang gawaing ito na itinambal niya Ako.’” (Saheeh Muslim)

Malaki ang posibilidad sa isang mananampalataya na mahulog sa riyaa dahil sa ito ay tago, Ito ay nakatago sa puso, dinudumihan ang intensyon, at dapat na ang isang tao ay maging mapagbantay upang itama ito. Si Ibn Abbas, isa sa mga kasamahan ng Propeta ay nagsabi,

“Ang Shirk sa bansang Muslim ay mas lingid kaysa sa itim na langgam na gumagapang sa itim na bato sa kalagitnaan ng gabi na walang buwan.”[2]

Ang intensyon ay isang simpleng bagay, pero minsan ang baguhin ito ay mahirap. Ang isang tao ay marapat na pakinggan ang kanyang puso at tignan kung ano ang nag- uudyok sa kanyang mga pagkilos. Ang Muslim ay dapat na maging maingat, tignan na ang kanyang intensyon ay mapanatili niyang dalisay sa tuwing siya ay gaganap ng mabuting gawain tulad ng salah (dasal), pagbibigay ng kawanggawa, pag-aayuno, pagsisilbi sa mga magulang at kahit sa pagngiti. Marahil ito ang dahilan ng pagbigkas ng pangalan ng Allah sa bawat pang araw araw na mahahalagang bagay sa ating buhay tulad ng -pagkain, pagtulog, pagpunta sa palikuran, paggising at bago matulog. Ang pag-alala kay Allah ay magpapanatili sa puso na maging maingat sa pag-alala kay Allah at dalisay na intensyon.

Ating unawain kung paanong ang riyaa ay makakaapekto sa ating mga pagsamba:

(a) Sabihin na natin na ang iyong motibo sa pagtayo ng dasal ay para sa tao na makakakita sayo, o makapapansin sa inyong pagdarasal, o nais ng papuri. ito ay nakapagwala ng saysay ng iyong pagsamba.

(b) Sabihin na natin na nagismula kang magdasal nang may sinseridad, ang iyong intensyon ay para kay Allah, ngunit ng simulan mo na isipin ang tungkol sa ikalulugod ng tao, unti- unti ang intensyon mo ay nagbabago. Gawin mo ang isa sa dalawang bagay. Kapag nilabanan mo ang tukso na huwag kang mapansin, ay hindi ito makakasama sa iyo sapagkat ang Propeta sumakanya nawa ang pagbati at kapayaan ay nagsabi: "Ipinagbawal ni Allah (ang kaparusahan) sa aking ummah sa kung anuman ang dumaan sa kanilang isipan, hangga't hindi nila ito ginawa o sinabi.” Ngunit kung walang ginawa tungkol dito at hindi nilabanan ang tukso na gawin ang pagsamba upang mapansin lamang; bagkos sinimulang pagandahin ang salah (dasal) para mapansin, kung gayun ang buong pagsamba ay mawawalan ng saysay.

(c) Ang hindi sadyang papuri ay hindi makakasama. Ang Propeta ay natanong dito at kanyang sinabi:"Iyon ang unang mabuting balita para sa mga mananampalataya." Hindi rin pagpapakitang tao na kapag ang isang tao ay masaya kapag nakakagawa siya ng pagsamba; bagkos, ito ay tanda ng pananamalataya. Ang Propeta sumakanya nawa ang pagbati at kapayapaan, ay nagsabi:

“Sinuman ang maging masaya dahil sa kanyang mabubuting gawa at nalulngkot para sa kanyang masasamang gawa, ito ay isang mananampalataya.”

Ang Propeta ay nagbigay sa atin ng salit laban sa lingid na shirk na maaring bigkasin anumang oras ng araw. Isang araw ay nagbigay ng sermon ang Propeta at ang sabi,

‘O mga tao, katakutan niyo ang shirk, sapagkat mas tago ito sa gumagapang na langgam.’ (At-Tabarani)

Sinuman ang nais ni Allah ay magtanong, 'At paano namin ito maiiwasan kung mas tago pa ito sa gumagapang na langgam, O Sugo ni Allah?' Sumagot sya,

Allah-humma inna na-oodtho-bika an nush-rika bika shay-ann naa-lamu, wa nas-tagh-fi-ruka limaa laa naa-lam.

‘O Allah, nagpapakupkop kami laban sa sinasadyang shirk laban sa Iyo ay kapatawaran para sa hindi namin nalalaman.’”[3]

Pagkakaiba ng Malaki at Maliit na Shirk

(1) Ang dalawang ito ay magkaiba ang kahulugan.

(2) Ang malaking shirk ay naglalabas sa isang tao sa islam, ngunit ang maliit na shirk ay hindi naglalabas sa Islam, ngunit nakakapagpababa ng paniniwala kay Allah.

(3) Ang isang tao na namatay na gumagawa na malaking shirk ay magpakailanman sa Impiyerno; At hindi ganito ang kalagayan ng sa maliit na shirk.

(4) Ang malaking shirk ay bumubura at nagpapawalang saysay sa lahat ng mga mabubuting gawa, habang ang maliit na shirk ay sinisira lamang ang gawa na may motibo nito o bahagi nito.

(5) Ang malaking shirk ay pinapatawad lamang ni Allah sa pamamagitan ng dalisay na pagbabalik-loob sa kanya na dapat magawa bago ang kamatayan; habang ang maliit na shirk naman ay nasa kamay ni Allah kung naisin niyang patawarin.


Talababa:

[1]Ahmad, Abu Daud, Al-Tirmidhi, Nasai, and Hakim.

[2]Ibn Abi Hatim

[3]Ahmad

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Shirk At Ang Mga Uri Nito (bahagi 3 of 3)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4