Naglo-load...

Pagsisisi (Bahagi 3 ng 3): Pagdarasal para sa Pagsisisi

Marka:

Deskripsyon: Ang mga pamamaraan ng kaligtasan mula sa Islamikong pananaw. Bahagi 3: Mga panalangin ng pagsisisi mula sa Qur'an at Sunnah.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 90 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,500 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Pahalagahan ang mga panalangin ng pagsisisi mula sa Quran at Sunnah bilang higit na mataas sa mga pagsusumamo na ginawa ng tao hinggil sa wika, mga salita at pagpapahayag.

·Kabisaduhin ang ilang mga panalangin sa pagsusumamo ng pagsisisi mula sa Quran at Sunnah.

Mga Arabikong Terminolohiya

·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.

·Salah - salitang Arabe na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam, tumutukoy ito sa limang obligadong pagdarasal at siyang pinakamahalagang uri ng pagsamba.

Repentance_(part_3_of_3)_-_Prayers_of_Repentance_001.jpgMaaaring pumili ng anumang wika ang isang Muslim sa pagpapahayag ng kanyang nadaramang kalungkutan at magbalik-loob sa Diyos hanggat hindi ito nagtataglay ng mga ekspresyong taliwas sa katuruan ng Propeta. Gayun din, ang mga panalanging itinuro mismo ng Allah sa Huling Kapahayagan, ang Quran, o sa pamamagitan ng Kanyang Propeta ay nakahihigit sapagkat ito ay binubuo ng tuwiran, komprehensibong mga salita na sumasalamin sa pagpapakumbaba at tamang paguugali na tumutugon sa kabanalan. Ang paggamit ng salita ng Diyos mismo ay gawaing pagsamba kung saan ang isang tao ay makatatanggap ng karagdagang gantimpala. Gayundin, ang Propeta ang higit na nakakakilala sa kanyang Panginoon at siya ang pinakamapagpakumbaba sa mga tao at lubos na malapit sa Kanyang Panginoon. Kaugnay nito, ang kanyang mga panalangin ay mayroong natatanging lakas upang tumawag ng banal na awa, bukod pa sa karamihan sa mga salitang ito ay ipinahayag mismo ng Diyos sa pamamagitan ni Gabriel.

Labis kong hinihikayat ang mga bagong Muslim na kapatid na isaulo ang mga salita ng Diyos at ng Kanyang Propeta sa paglapit sa kanilang Panginoon sa pagsissii. Maaari mo itong banggitin sa Tagalog sa umpisa, dahil hindi gaya ng salah ang mga panalanging ito ay hindi kinakailangang sambitin sa Arabik. Ngunit kung may oras, subukang kabisaduhuhin sa Arabic text gamit ang ibinigay na transliteration. Unang-una, ibinabalik tayo nito sa pinagmulan ng kapahayagan. Sa karagdagan, ang Arabic ang wikang nagbubuklod sa bawat isang Muslim. Tandaan, Ang Diyos ang pinagmumulan ng ating lakas!

Una, matututunan natin ang ‘pinakamaninam na panalangin para sa pagpapatawad.’ Ang Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:

‘Sinuman ang magsabi nito sa umaga, na may matibay na pananalig dito, at mamatay bago sumapit ang gabi; o magbanggit nito sa gabi, na may matibay na pananalig dito, at namatay bago ang kinaumagahan, ay mapapabilang sa mga tao ng Paraiso.’

Transliterated na Teksto

“Allah-humma ’Anta Rób-bee laa ’ilaaha il-la ’Ant. Kha-laq-ta-ni wa ana ’abduka wa ana ’alaa ’ah-dika wa wa’dika mas-ta-tó’t. ’A’oodhu bika min sharri ma san’at. ’Aboo-u la-ka bi ni’mati-ka ’alayy, wa ’aboo-u bi dhan-bee faghfir-lee fa ’in-nahu laa yaghfir udh-dhunuba ’il-la ’Ant.”

“O Allah, Ikaw ang aking Panginoon. Walang ibang tunay na Diyos maliban Sa'yo. Nilikha mo ako at ako ay Iyong alipin, sumusunod sa iyong tipan sa abot ng aking makakaya. Ako ay nagpapakupkop Sayo mula sa kasamaang aking nagawa. Kinikilala ko ang Inyong mga pagpapala sa akin at inaamin ko sa Inyo ang aking mga kasalanan. Kayat patawarin Mo ako, dahil katiyakan, walang ibang makapagpapatawad ng kasalanan maliban pa Sayo..” (Saheeh Al-Bukhari, Abu Dawood)

Mga Panalangin mula sa Quran

1. “Rub-bana in-nana samiAAna munadiyan yunadee lil-eemani an aminoo birub-bikum faamanna rub-bana faighfir lana thunoobana wakaffir AAanna sayyi-atina watawaffana maAAa al-abrar.”

“Aming Panginoon, katotohanang narinig namin ang panawagan [i.e., Propeta Muhammad] na nananawagan sa pananampalataya, [nagsasabing], ‘Manampalataya sa inyong Panginoon,' at kami ay sumampalataya. Aming Panginoon patawarin Ninyo ang aming mga kasalanan at burahin ang aming mga kasamaan, at hayaan kami na mamatay kasama ng mga matutuwid.” (Quran 3:193)

2. “Rabbi ighfir wairham waanta khayru ar-rahimeen.”

“Aking Panginoon, magkaloob Kayo ng pagpapatawad at habag, sapagkat Kayo ang Pinakamahusay sa mga nagpapamalas ng habag.” (Quran 23:118)

3. “Rabbana thalamna anfusana wa-in lam taghfir lana watarhamna lanakoonanna minal-khaasireen.”

“Aming Panginoon, aming ipinariwara ang aming sarili, kung kami ay hindi Ninyo patatawarin at hindi Ninyo igagawad sa amin ang Inyong habag, katiyakang kami ay kabilang sa mga talunan.” (Quran 7:23)

Mga Maikling Panalangin mula sa Propeta

1. Kapag ang isang tao ay tinanggap ang Islam, tuturuan siya ng Propeta ng salah at paguutusang manambitan sa Diyos ng mga salitang:

“Allah-humma igh-fir lee war-ham-nee wah-dinee war-zuqnee.”

“O Allah, patawarin ako, mahabag sa akin, mamatnubay sa akin, at magtustos sa akin.” (Saheeh Muslim)

2. Sinuman ang magsabi:

‘Subhan-Allahi wa-bi-hamdi-hi.’

100 beses, ang kanyang mga kasalanan ay tatanggalin mula sa kanya kahit pa ito ay kasing kapal ng bula sa dagat.” (Saheeh Al-Bukhari)

3. Itinuro sa atin ng Propeta ang mga salita na sasabihin sa katapusan ng pagtitipon upang matakpan anuman ang nangyari doon..

“Subhana-kalla humma wa-bi-hamdika. Ash-hadu al-laa ilaa-haa illaa anta.As-tagh-fi-roo-ka wa-atoobu ilaay-ka.”

“Ganap na ganap Ka, O Allah, at kapuripuri! Ako ay sumasaksi na walang ibang tunay na diyos maliban sa Inyo. Hinihingi ko ang Inyong kapatawaran at bumabaling sa Inyo sa pagsisisi.” Al-Tirmidhī, Abu Da'wūd, Hakīm)

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Pagsisisi (Bahagi 3 ng 3): Pagdarasal para sa Pagsisisi

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.